Sinas approves relief of Makati police chief, 3 others in Christine Dacera case

by Arniel C. Serato
Jan 20, 2021
Christine Dacera case Makati PNP
PNP Chief Debold Sinas leaves the decision to NRCPO Chief Vicente Danao Jr. when to implement his relief orders on Makati police chief, three others over alleged lapses in Christine Dacera (above photo) case.
PHOTO/S: Courtesy: @xtinedacera on Instagram

Binigyan na ng go signal ni Philippine National Police (PNP) Chief Debold Sinas ang rekomendasyong sibakin sa puwesto si Makati Police Chief PCol. Harold Depositar at tatlong iba pa kaugnay ng kontrobersiyal na Christine Dacera case.

Bukod kay Depositar, pinasisibak din sa puwesto si Southern Police District (SPD) medico-legal office PMaj. Michael Nick Sarmiento, at dalawang imbestigador hinggil sa Christine Dacera case.

May nagawa umanong lapses o ilang pagkakamali ang police officers na ito sa pag-handle sa imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng 23-year-old flight attendant noong January 1, 2021.

Sa ulat ng GMA News Online ngayong araw, January 20, sinabi ni Sinas na nakausap na niya si National Capital Region Police Office (NCRPO) acting director Police Brigadier General Vicente Danao Jr. tungkol dito.

Pahayag niya, “Three things I have already discussed kay [NCRPO chief, Police Brigadier General Vicente Danao Jr.] the following recommendations I have approves.

“First, of course, is to relieve the chief of police for command responsibility and he will be replaced later on the recommendation of the [regional director] of the NCRPO.

Continue reading below ↓

“Second, the relief and investigation of the two investigators na involved doon and the investigation determining kung mayroong lapses and negligence yung medico-legal or SOCO team ng SPD.”

Pansamantala muna raw aalisin sa kanilang mga katungkulan ang police officers habang nagsasagawa ng internal investigation.

Ani Sinas, “However, as the [Special Investigation Task Group] and the RD of the NCRPO might need their services ay kasama pa po sila doon for the smooth transfer of documents, evidence and others.”

RELIEF NOT IMMEDIATE

Nilinaw naman ng PNP chief na hindi agad-agad tatanggalin sa puwesto ang police officers.

“It’s just a recommendation and I leave that to the RD NCRPO to implement the recommendation which I already approved.

"It’s up to the RD NCRPO to implement it.”

Isa sa binigyang puna ng maraming netizens ay ang pag-embalsamo agad sa mga labi ni Dacera ng medico-legal officer ng SPD bago magsagawa ng lab tests sa kanyang katawan.

Continue reading below ↓

Inakusahan din ng ilang respondents sa kaso ang Makati Police dahil sa pagpilit umanong ilagay sa kanilang sworn statements na may nakita silang “powder drugs” sa New Year’s Eve party.

Mariin itong itinanggi ng Makati PNP at ng NCRPO.

Sinalubong ng grupo nina Dacera ang 2021 sa pamamagitan ng isang party sa City Garden Grand Hotel sa Makati City mula gabi ng December 31, 2020 hanggang kinabukasan, January 1.

Natagpuang wala nang buhay si Christine sa bathtub ng Room 2209 magtatanghali ng January 1.

Sa ngayon, may labintatlong persons of interest ang National Bureau of Investigation tungkol sa Dacera case.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PNP Chief Debold Sinas leaves the decision to NRCPO Chief Vicente Danao Jr. when to implement his relief orders on Makati police chief, three others over alleged lapses in Christine Dacera (above photo) case.
PHOTO/S: Courtesy: @xtinedacera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results