Joy Reyes reacts to Jomari Yllana's allegations against her

by Arniel C. Serato
Jan 20, 2021
Joy Reyes Jomari Yllana rift
Joy Reyes on former live-in partner Jomari Yllana's allegation: "Ganun po talaga pag kailangan mag divert ng attention ng tao Para mapagtakpan Ang topic na Hindi masagot ng maayos."
PHOTO/S: Courtesy: @joyfullyenjoyingjoy on Instagram / Arniel Serato

Pinalagan ni Joy Reyes ang alegasyon ng dating live-in partner na si Jomari Yllana.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jomari noong Lunes, January 18, natuklasan umano niyang nag-iimbita si Joy ng mga kaibigang lalaki sa bahay at nagkukulong daw sila sa kuwarto.

Ang nagparating nito sa actor-politician ay ang mga yaya ng dalawang anak nina Jomari at Joy. Loyal daw kay Jomari ang mga yaya ng mga bata dahil siya ang nagpapasuweldo rito.

Ang bahay namang tinitirhan ni Joy at ng kanilang mga anak ay patuloy pa rin daw binabayaran ni Jomari.

Bahagi ng pahayag ni Jomari, “Now, tamaan na yung dapat tamaan, masaktan na yung dapat masaktan, pero I have to ano, also...

"I have to be open na ang style niya is, mag-i-invite siya ng mga tao sa bahay, magkukulong sila dun sa kuwarto.

“And ang kuwento sa akin nung mga yaya ay magkukulong siya dun sa kuwarto kasama yung mga iniimbita niyang lalaki.”

Continue reading below ↓

Tatlo raw sa mga lalaking ito ay "celebrity figures": isang dating matinee idol, isang versatile actor, at isang kasabayan ni Jomari sa showbiz.

Saad pa ni Jomari, “And nire-report sa akin 'yan, masakit. And this I have to take to court.

“Ang sa akin lang, magalit na yung gustong magalit dapat, e, ako nagsasabi lang naman ako ng totoo.

“There are celebrity figures that visit that house."

Baka ito raw ang dahilan kung bakit malaki ang electricity bill nila ni Joy.

Dagdag niya, “So, kung nagla-lock 'yan ng kuwarto, palalabasin yung mga anak ko at magkukulong sa kuwarto, e, kaya naman pala ganyan kamahal ang bill ko, e.

“Ginawa palang motel yung bahay ng mga anak ko.”

JOY: DIVERTING ATTENTION

Sa Instagram ni Joy ngayon ding araw, may netizens na nagpaabot ng mga alegasyon ni Jomari laban sa kanya.

Sabi ng isang netizen (published as is), “May nabasa na naman ako. Andami daw na pumupuntang lalaki sa house nyo. Maya 3 celebrities daw.

Continue reading below ↓

“Ginagawa mo daw motel ang bahay nyo. Yun daw ang sumbong mg mga yaya ng mga bata.”

Maiksing tugon ni Joy, nabasa rin daw niya ang balita.

Dagdag ulit ng netizen, “@joyfullyenjoyingjoy sana maayos na lang lahat ng issues nyo privately. Sana di na umabot sa court. Kasi may pagbabanta sya.”

Tugon ni Joy sa netizen, diversionary tactic lamang ito ni Jomari dahil hindi umano nito masagot nang maayos ang mga isyu.

Saad niya: “ganun po talaga pag klangan mag divert ng attention ng tao Para mapagtakpan Ang topic na Hindi masagot ng maayos. (laughing emoji)”

Joy Reyes answer on Jomari Yllana allegations

Continue reading below ↓

Isa pang netizen ang nagbahagi ng ilang linya mula sa ulat ng PEP.ph ngayong araw tungkol sa isyu.

netizen post a line from pep.ph report on Jomari Yllana allegations

Isa namang netizen ang nagkomento sa mga nasabing linya. Sana raw ay malinawan ito ni Joy.

Sagot ni Joy: “ganun po talaga pag wala na masagot sa issue ng pagiging responsible...

“Kung ano ano na lang topic na wala kinalaman sa issue na klangan sagutin.”

Continue reading below ↓

Joy Reyes reply on a netizen about the issue

Nag-ugat ang panibagong girian nina Joy at Jomari nang mag-post ang una sa Instagram noong January 15, 2021 tungkol sa pagkaputol ng kanilang kuryente dahil hindi raw ito nabayaran ng huli.

Umabot sa lagpas isandaang libong piso ang electric bill ni Joy mula October hanggang December 2020.

Kahapon, January 19, naibalik na ang linya ng kuryente sa bahay ni Joy at mga anak ni Jomari matapos makipagkasundo ang kampo ng Parañaque district 1 councilor sa Meralco ng staggered payment.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joy Reyes on former live-in partner Jomari Yllana's allegation: "Ganun po talaga pag kailangan mag divert ng attention ng tao Para mapagtakpan Ang topic na Hindi masagot ng maayos."
PHOTO/S: Courtesy: @joyfullyenjoyingjoy on Instagram / Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results