Johnny Manahan not ruling out possibility of working with GMA-7: “Pwedeng mangyari 'yon.”

by Bernie V. Franco
Jan 21, 2021
Johnny Manahan asked about possibility of working with GMA-7: “No. Right now, no. But that doesn’t mean that I’ve ruled it out."
PHOTO/S: Facebook / YouTube (Star Magic via Leo Katigbak)

Hindi raw inaalis ni Johnny Manahan ang posibilidad na magtrabaho sa GMA-7, lalo't isa na siyang free agent ngayon.

Si Manahan, na kilala sa showbiz circles bilang Mr. M, ay nagtrabaho sa ABS-CBN nang humigit-kumulang apat na dekada bilang direktor, producer, at star builder.

Co-founder siya ng Star Magic, ang ABS-CBN talent management arm na itinatag nila ng dating ABS-CBN executive na si Freddie M. Garcia noong 1992.

Pinamunuan ito ni Mr. M hanggang magretiro siya noong 2007. Pagsapit ng 2007, nanatili siyang consultant at chairman emeritus ng Star Magic.

Sa kanyang pamumuno, nahulma at nakapag-produce ang ABS-CBN ng malalaking artista sa local showbiz industry na karamihan ay patuloy na namamayagpag ang careers.

Kabilang dito sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Claudine Barretto, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Kim Chiu, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Enrique Gil, at marami pang iba.

Nito lamang 2020 ay tuluyan na niyang nilisan ang Star Magic at ang ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Kasunod ng paglisan ni Mr. M. sa ABS-CBN, nakumbinsi siyang gawin ang Sunday musical-variety show na Sunday Noontime Live (SNL) na ipinrodyus ng Brightlight Productions para sa TV5.

Ang Brightlight Productions, na pagmamay-ari ng negosyanteng si Albee Benitez, ay blocktimer sa Kapatid network.

Bitbit ang mga alagang sina Piolo at Maja Salvador, na parehong wala nang kontrata sa Star Magic, si Mr. M. ang nagsilbing creative consultant at direktor ng SNL.

Nagsimulang umere ang programa noong October 18, 2020. Pero pagkatapos lamang ng isang season o tatlong buwan, nagpaalam sa ere ang SNL noong January 17, 2021.

Ang papalit sa timeslot nito ay ang ASAP Natin 'To, kung saan naging direktor si Mr. M. ng dalawampu't limang taon at kung saan dating kabilang sina Piolo at Maja.

POSSIBILITY OF WORKING WITH GMA-7

Pagkatapos ng mga pangyari, ang tanong ng marami: What’s next for Mr. M?

Bukas ba siyang magtrabaho sa iba pang TV networks, partikular na sa GMA-7, na rival network ng ABS-CBN?

Continue reading below ↓

“No. Right now, no," sagot ni Mr. M sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes, January 19.

"But that doesn’t mean that I’ve ruled it out. Kasi pwedeng mangyari yun.

“Ano ako, e, trooper ako, e. Talagang I learned the business from the ground up.

“And the first rule is: You never refuse anything dapat. May trabaho, ‘Sali ako diyan,’ di ba?”

May offers na ba siya?

“Ngayon, wala. Pero, baka meron!” natatawang sagot niya.

Biro ng PEP.ph, hindi pa ba napaparating sa kanya ang offer?

“Wala pa. Wala pa. Quiet na lang muna ako. Relax muna.”

Tila imposible naman yatang wala siyang offer?

“My lips are sealed…” sagot ni Mr. M na sinundan niya muli ng tawa.

Binanggit din ng star builder na inalok siya ng kaibigang si Lawrence Tan, chief marketing officer ng Viva Entertainment, na magtrabaho sa kanila.

“Sabi ni Law, ‘Dito ka na sa ano, Viva.’

Continue reading below ↓

"I said, ‘Why not? You know, if you have a project.’

"Papa-freelance-freelance lang ako.”

Kung mananatili siyang freelancer, sumang-ayon si Mr. M. na magiging “easier on the nerves and energy” ang trabaho niya.

“It really is. Kasi konti lang ang expectations. Ano ka lang, director ka lang, ganun. You don’t worry about anything else.”

ON PUTTING UP ANOTHER TALENT-MANAGEMENT ARM

Tinanong din si Mr. M kung posibleng magtayo siya ng panibagong talent-management arm.

Sa sagot ni Mr. M, mahihinuhang ang prayoridad niya ngayon ay magpahinga, matapos lisanin ang bakuran ng ABS-CBN at sibakin sa ere ang Sunday Noontime Live sa TV5.

Pero hindi raw sarado ang isip niya sa pagtatayo ng talent-management company at magtrabaho sa ibang network.

“All I wanted to do was rest after fifty years. Come to think of it, fifty years non-stop [working]. I’ve been working since I was 25. Thirty-five of those years with ABS.

Continue reading below ↓

"So, at a certain point, I said, 'I’m tired.'

“I’m not gonna do this anymore, especially the current people around, you know…” pagtukoy niya sa kasalukuyang top executives ng ABS-CBN.

“All the people I know wala na dun.”

Ang tinutukoy ni Mr. M. na “people I know” ay ang mga kasabayan niyang former executives ng ABS-CBN.

Kabilang dito si Freddie M. Garcia (FMG), na nagsilbing ABS-CBN President and CEO mula 1998 hanggang 2003.

Si FMG rin ay co-founder ni Mr. M sa pagtatayo noong 1992 ng Star Magic, na noon ay kilala sa tawag na ABS-CBN Talent Center.

Binanggit din ni Mr. M ang pumanaw na si Rolly Cruz, katuwang noon ni FMG sa pagbuo ng ABS-CBN programming.

Gayundin si former ABS-CBN President and CEO Charo Santos-Concio noong 2008 hanggang 2015. Nananatiling may katungkulan sa ABS-CBN si Charo bilang chief content officer.

Sabi ni Mr. M sa pag-alis niya sa Kapamilya network, “So, I just wanted to rest. Of course, people started asking about, ‘Ba’t di ka magtayo ng sarili?’ ganoon.

Continue reading below ↓

"So, that’s a thought. But, first, I’m gonna put everything out of my thoughts."

Hanggang kailan naman niya balak magpahinga at kailan siya magbabalik sa trabaho?

“That’s when I start looking at my bank book,” natatawa niyang sagot.

“So, now I’m still okay. Let’s see. But it might be soon, in a couple of months.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Johnny Manahan asked about possibility of working with GMA-7: “No. Right now, no. But that doesn’t mean that I’ve ruled it out."
PHOTO/S: Facebook / YouTube (Star Magic via Leo Katigbak)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results