Mariel Rodriguez dismisses "baseless gossip" about husband Robin Padilla, Mocha Uson

by Arniel C. Serato
Jan 22, 2021
Mariel Rodriguez Robin Padilla Mocha Uson issue
Mariel Padilla (left) asks netizens to stop circulating "baseless gossip" about her grieving husband Robin Padilla (right): "Namatayan ng kapatid yung asawa ko. Please lang po."
PHOTO/S: Courtesy: @marieltpadilla on Instagram

Hindi nagustuhan ni Mariel Rodriguez ang usap-usapan sa social media na ang kanyang mister na si Robin Padilla ang tinutukoy sa blind-item report na nakabuntis diumano ng isang controversial female personality.

Nag-ugat ang mga haka-haka sa blind item na lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Miyerkules, January 20, na isa diumanong sikat na aktor ang nakabuntis sa isang controversial female personality.

Marami ang nanghula at nagpakalat na ang tinutukoy umanong "sikat na aktor" sa blind item ay sina Robin, at ang "controversial female personality" naman daw ay si Mocha Uson.

Sina Robin at Mocha ay parehong masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

May ilan pa ngang netizens na direktang pinangalanan sina Robin at Mocha na diumano'y ang mga bida sa blind item.

Sa Instagram post ni Mariel kahapon, January 21, isang netizen ang direktang nagtanong sa kanya ukol dito.

Tanong ng netizen: “Sis ano masasabi mon a buntis daw si Mocha at si Robin ang tatay???”

Continue reading below ↓

Tatlong laughing with tears emojis ang isinagot dito ni Mariel, indikasyon na pinagtatawanan lamang niya ito.

mariel rodriguez commens 3 laughing emojis on mocha pregnancy rumor comment of netizen

“I AM PUTTING A STOP TO THIS NOW”

Bago maghatinggabi, nagpadala ang PEP.ph ng mensahe kay Mariel sa Facebook messenger upang kunan ng pahayag tungkol sa kumakalat na balita.

Sagot niya, nag-post na siya tungkol dito sa Instagram bandang 12:01 A.M. ng January 22.

Continue reading below ↓

Ito na lamang daw ang gamitin namin para sa artikulo.

Sa kanyang post, inamin ni Mariel na naalarma siya sa dami ng nagpapadala ng mensahe at nagta-tag sa kanya ng blind-item report na, ayon sa netizens, ay tumutukoy kina Robin at Mocha.

Sabi ng TV personality, “So many people are sending me messages... ‘checking on me. People are tagging me bla bla bla...

"let me tell you this. ROBIN’S BROTHER PASSED AWAY. He is grieving. He has never been in so much pain all his life."

Ang tinutukoy ni Mariel ay ang pagpanaw ng nakatatandang kapatid ni Robin na si Royette Padilla nito lamang January 9, 2021.

Ayon kay Mariel, nagdadalamhati pa ang kanyang asawa kaya nakiusap siyang tigilan na ang pagpapakalat umano ng maling balita.

“He doesn’t need your baseless gossip. Namatayan ng kapatid yung asawa ko. Please lang po.

“He doesn’t even know anything about all this rumor but i am putting a stop to this NOW.

Continue reading below ↓

“May oras para maging assholes now is not that time. Please,” pahayag ni Mariel.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mariel Padilla (left) asks netizens to stop circulating "baseless gossip" about her grieving husband Robin Padilla (right): "Namatayan ng kapatid yung asawa ko. Please lang po."
PHOTO/S: Courtesy: @marieltpadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results