Mocha Uson denies she's pregnant; accuses Duterte critics of spreading rumor about her and Robin Padilla

by Arniel C. Serato
Jan 22, 2021
Mocha Uson Robin Padilla rumored pregnancy
Mocha Uson on rumor that she is pregnant: "Sigurado ako ang nagpapakalat niyan ay yung mga bitter sa ating gobyerno. Alam ng lahat na ako at si sir Robin ay masugid na supporter ni Pangulong Duterte kaya nalang sinisiraan kami."
PHOTO/S: Courtesy: Leo Almodal / Mocha Uson Blog on Facebook

Mariing pinabulaanan ni Mocha Uson ang usap-usapang buntis diumano siya, at ang ama raw ng kanyang ipinagbubuntis ay ang action star na si Robin Padilla.

Sina Mocha at Robin ang itinuturo ng netizens na laman ng blind item na lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Miyerkules, January 20, tungkol sa isang controversial female personality na nabuntis diumano ng isang sikat na aktor.

Sa pamamagitan ng kanyang personal account sa Facebook ngayong Biyernes, January 22, itinanggi ng deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang viral na ngayong intriga.

Kalakip nito ang isang video na nagpapakita ng kanyang “lunch break workout.”

Sa caption, itinanggi ni Mocha na nabuntis siya ni Robin.

Nahihiya rin daw siya sa mag-asawang Robin at Mariel Rodriguez dahil nakaladkad ang mga ito sa ganitong usapin.

Mensahe ni Mocha, “BUNTIS DAW AKO KAY ROBIN?

“Wala pong katotohanan yang tsismis na yan. Napakabait po nung tao.

“Nakakahiya naman kay idol Robin at Mariel.”

Continue reading below ↓

Kasunod nito ay ibinaling niya ang sisi sa mga kritiko ng pamahalaan na siya umanong nagpakalat ng maling balita.

Sina Mocha at Robin ay kilalang masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pati si Vice President Robredo, na walang kinalaman sa isyu, ay idinamay niya.

Sabi ni Mocha, “Sigurado ako ang nagpapakalat niyan ay yung mga bitter sa ating gobyerno.

“Alam ng lahat na ako at si sir Robin ay masugid na supporter ni Pangulong Duterte kaya nalang sinisiraan kami.

“Kulelat kasi sa survey ang pambato nilang si Robredo kaya kung anu-ano paninira ang iniimbento nila.”

Dugtong niya, “Lunch break! Workout na muna tayo!”

Mocha Uson pregnancy rumor

Continue reading below ↓

MARIEL RODRIGUEZ SHOOTS DOWN “BASELESS GOSSIP”

Kagabi, January 21, inalmahan din ni Mariel ang pagkakadawit ng pangalan ng kanyang mister sa balitang ito.

Sabi niya sa kanyang post sa Instagram, "So many people are sending me messages... ‘checking on me. People are tagging me bla bla bla...

"let me tell you this. ROBIN’S BROTHER PASSED AWAY. He is grieving. He has never been in so much pain all his life."

Ang tinutukoy ni Mariel ay ang pagpanaw ng nakatatandang kapatid ni Robin na si Royette Padilla nito lamang January 9, 2021.

Dagdag pa niya, nagdadalamhati pa ang kanyang asawa kaya nakiusap siyang tigilan na ang pagpapakalat umano ng malisyosong tsismis.

“He doesn’t need your baseless gossip. Namatayan ng kapatid yung asawa ko. Please lang po.

“He doesn’t even know anything about all this rumor but i am putting a stop to this NOW.

“May oras para maging assholes now is not that time. Please,” ang sabi pa ni Mariel.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mocha Uson on rumor that she is pregnant: "Sigurado ako ang nagpapakalat niyan ay yung mga bitter sa ating gobyerno. Alam ng lahat na ako at si sir Robin ay masugid na supporter ni Pangulong Duterte kaya nalang sinisiraan kami."
PHOTO/S: Courtesy: Leo Almodal / Mocha Uson Blog on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results