Jomari Yllana reacts to Ara Mina's engagement to Dave Almarinez

by Arniel C. Serato
Jan 22, 2021
Jomari Yllana Ara Mina Dave Almarinez engagement
Jomari Yllana on ex-girlfriend Ara Mina's engagement to Dave Almarinez: "Congratulations in advance, to the partner, and best wishes for Hazel [Ara]. Ayos 'yan, 'yan na 'yan."
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: @niceprintphoto on Instagram

Masayang-masaya si Jomari Yllana sa engagement ng kanyang dating girlfriend na si Ara Mina.

Na-engage si Ara kay Philippine International Trading Corporation (PITC) Undersecretary Dave Alamarinez noong January 12.

Sabi ni Jomari tungkol sa engagement ng ex-girlfriend, “Oh well I’m very happy.

"Kumbaga, after all the controversies, she deserves to be happy.

“I’m happy for her, also with her partner.”

Wala pang petsa kung kailan ang kasalan nina Ara at Dave, pero sinabi ng aktres na ngayong 2021 din ito mangyayari.

May pauna nang pagbati si Jomari sa kanila.

Saad niya, “Congratulations in advance, to the partner, and best wishes for Hazel [Ara].

“Ayos 'yan, 'yan na 'yan. More power sa inyo and best of wishes coming from me and Abby," pagtukoy ni Jomari sa kanyang girlfriend na si Abby Viduya.

Ekslusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jomari noong January 18.

“I’M HAPPY FOR THEM."

Sina Jomari at Ara ay nagkarelasyon ng dalawang taon, mula 2002 hanggang 2004.

Continue reading below ↓

Inakala noon ng marami na si Jomari na ang makakatuluyan ni Ara ngunit naghiwalay rin sila.

Jomari Yllana and Ara Mina

Nagkabalikan naman sina Jomari at Priscilla noong 2019. Dekada ’90 unang nagkaroon ng relasyon ang dalawa.

Noong nabalitaan ni Ara ang pagkakabalikan nina Jomari at Abby, sinabi nitong masaya siya para sa ex-boyfriend.

Continue reading below ↓

Mensahe niya noon sa dalawa, “Well, it’s their life, and I don’t want to comment anything.

“Ang sa akin kasi, kung saan ka masaya, go. I’m happy for them.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jomari Yllana on ex-girlfriend Ara Mina's engagement to Dave Almarinez: "Congratulations in advance, to the partner, and best wishes for Hazel [Ara]. Ayos 'yan, 'yan na 'yan."
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: @niceprintphoto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results