Joshua Garcia admits he considered transferring to another network after ABS-CBN shutdown

by Bernie V. Franco
Jan 22, 2021
Joshua Garcia admits to considering transfer after ABS-CBN shutdown. "Kasi pandemic pa, kailangan kong kumita ng pera para sa pamilya ko."
PHOTO/S: PEP.ph

Inamin ni Joshua Garcia, 23, na sumagi sa isip niyang lumipat matapos tuluyang magsara ang ABS-CBN noong nakaraang taon.

Nangamba raw si Joshua sa kanyang kabuhayan dahil siya ang breadwinner sa kanilang pamilya.

Tuluyang ipinasara ang Kapamilya network noong July 10, 2020 matapos itong pagkaitan ng franchise renewal ng Kongreso.

Pero hindi itinuloy ni Joshua ang paglipat.

JOSHUA garcia ON ABS-CBN SHUTDOWN, LOYALTY

Sa panayam sa kanya ni Enchong Dee sa YouTube video na in-upload ngayong Biyernes ng gabi, January 22, 2021, nagsalita si Joshua tungkol sa usaping puso, kasikatan, at sa kanyang career.

Natanong din si Joshua tungkol sa kanyang sentimyento nang ipasara ang kanilang home network.

Napag-uusapan daw nila ni Enchong ang tungkol dito.

Bagamat suportado nila pareho ang kinabibilangang TV network, iba ang kanilang pagpapakita ng suporta.

Kung si Enchong ay very vocal sa pagpapahayag ng kanyang damdamin—aktibo siya sa social media at dumadalo pa sa mga rally—kabaliktaran naman si Joshua na tahimik lamang.

Continue reading below ↓

Lahad ni Enchong, “Sabi sa 'kin ni Joshua, 'I support ABS-CBN.' Pero hindi kasi siya yung taong would go out there and voice out and really.

"But 100 percent ang suporta sa lahat ng Kapamilya.”

Kinailangan daw intindihin ni Enchong ang pagkakaiba nila, at bandang huli ay napagtanto niya hindi pare-pareho ang mga tao..

Aminado si Joshua na nagkaroon siya ng mga pangamba matapos ang ABS-CBN shutdown.

“Parang tinanggap ko na rin sa sarili na magsasara na yung kumpanya.”

Dagdag pa raw rito ang kawalan niya ng trabaho.

“Siguro meron pa rin, mangilan-ngilan. Hindi na katulad ng dati na [marami].”

Ipinaliwanag ng Star Magic artist kung bakit hindi siya sumama noon sa mga isinagawang rallies ng Kapamilya employees and celebrities.

“Hindi ako pumunta sa mga rally-rally, pero 100 percent nakasuporta ako.

“Mine-mesage ko pa sina Tita Cory na nasa likod lang nila ako,” pagtukoy niya kay Cory Vidanes, ABS-CBN chief operating officer for broadcast.

Tanong ni Enchong: naisip ba niyang lumipat?

“Sumagi sa isip ko, yeah,” pag-amin ni Joshua.

Maaaring ang tinutukoy ni Joshua ay ang network transfer o kaya ay management transfer na ginawa ng dating girlfriend na si Julia Barretto at ni Bea Alonzo.

Bakit hindi niya itinuloy?

Paliwanag ni Joshua, “Hindi ko magawa. Ibang relationship ang na-build ko with ABS, e.

“Parang naging pamilya ko sila. Parang hindi ko kayang iwan.

“Mananatili yung loyalty [ko] nasa ABS.”

Sabi pa niya, “Siguro nadala lang ako dahil magsasara na yung ABS, kasi pandemic pa, kailangan kong kumita ng pera para sa pamilya ko.

“Eventually, naging okay din lahat, e. I mean, unti-unti.”

Enchong Dee interview with Joshua Garcia

Continue reading below ↓

JOSHUA’S NEW VENTURES

Hindi itinanggi ni Joshua na, gaya ng iba, nag-alala siya sa kanyang kita nang magsara ang kanilang istasyon.

“Especially ako yung breadwinner, di ba? So, sa ‘kin umaasa yung family ko.”

Gayunpaman, may idinulot daw na mabuti ang sitwasyon dahil itinuloy ni Joshua ang kanyang pag-aaral.

“Ang dami kong naiisip na options. So, sabi ko, ‘Tuloy ko yung pag-aaral ko.’

“So, tinuloy ko yung pag-aaral. Nag-aaral ako sa SISFU,” o Southville International School Affiliated with Foreign Universities, isang pribadong unibersidad sa Las Piñas.

Kumukuha si Joshua ng Bachelor of Science in Entrepreneurship.

Pagpapatuloy niya, “Dumaan lang talaga sa isip ko na gusto kong lumipat.

“Pero feeling ko, pinapa-realize sa ‘kin na marami pa akong pwedeng gawin, na pwede kong pagkunan ng income.

“Kasi yun lang naman ang worry sa akin, e, yung income, e.”

Ang susunod daw na pagtutuunan ng pansin ni Joshua ay kung anong investment ang magandang pasukan.

Continue reading below ↓

Kinokonsulta raw niya si Enchong tungkol dito dahil may magaganda itong negosyo at investments.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia admits to considering transfer after ABS-CBN shutdown. "Kasi pandemic pa, kailangan kong kumita ng pera para sa pamilya ko."
PHOTO/S: PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results