Lovely Abella is now married to Benj Manalo

by Arniel C. Serato
Jan 24, 2021
Lovely Abella Benj Manalo wedding
After six years of being together, two wedding proposals, Lovely Abella and Benj Manalo are now officially married.
PHOTO/S: Courtesy: @lovelyabella_ on Instagram

Ikinasal na kagabi, January 23, ang Kapuso star na si Lovely Abella sa kanyang fiancé na si Benj Manalo.

Lovely Abella and benj manalo wedding

Sa kanyang Instagram, may pasilip si Lovely sa kasalan nila ng longtime partner na ginanap sa Lemuria Gourmet Restaurant, isang French Mediterranean Fine Dining Restaurant & Event Venue sa may Quezon City.

Continue reading below ↓

Caption ni Lovely sa kanyang post, “Mr. And Mrs. Manalo..”

Nito lamang January 1, nag-propose si Benj kay Lovely sa pangalawang pagkakataon.

Pati sa anak ng dancer-performer-comedian na si Crisha Kaye ay nag-propose din si Benj.

Anim na taon na ang relasyon nina Lovely at Benj.

Sa kanyang Instagram, maraming ibinahaging post sa kanyang IG Stories si Benj tungkol sa kanilang kasalan.

benj manalo post wedding photo in ig story

Continue reading below ↓

Pero, wala siyang post sa kanyang timeline.

Bumuhos naman ang congratulatory messages sa Instagram post ni Lovely mula sa kanyang mga kaibigan sa showbiz.

celebs including diana zubiri congratulates newly weds

celebrity friends congratulates newly weds

Continue reading below ↓

celebrity friends posts congratulatory messages to newly weds

celebrity friends congratulates to lovely and benj

Continue reading below ↓

celebrity friends fill benj post their cogratulatory messages

WEDDING GOWN A GIFT FROM KATHRYN BERNARDO

Ngayong umaga ng Linggo, January 24, nagkuwento naman si Lovely tungkol sa kanyang wedding gown.

Regalo raw ito ni Kathryn Bernardo na nakasama niya at nakapalagayang-loob sa blockbuster movie na Hello, Love, Goodbye noong 2019.

lovely abella wearing wedding gown gifted by kathryn bernardo

Continue reading below ↓

Pinalagan naman niya ang bashers na kumutya kung bakit niya tinanggap ang regalo ni Kathryn (published as is).

"Heto muna ang ipopost ko, before anything else.. Grabe pala ang bashers noh?

"Nandudurog ng puso, di mo alam kung sino at anong klaseng tao sila para manghusga..

"Bago ako magsimula sa industriya di ko pinangarap ang sumikat, pinangrap kung buhayin ang Anak ko at pamilya ko dahil breadwinner ako, sadyang mabait nga talaga siguro ako tulad ng sinasabi ng iba kasi lahat ng mababait na tao nakakasama ko, siguro hindi ko hinayaang itago kung ano ang pagkatao ko, No filter ako sabi nga nila, kung ano ang ugali ko yun ang totoo kahit sa mga VLOGS namin kaya magsubscribe na din kayo."

Tila inakusahan siya ng mga fans ni Kathryn na nanggamit sa kanilang pagkakaibigan.

"di ako marunong manggamit para lang bigyan, at higit sa lahat di maatim ng puso ko na manira ng Relasyon, dahil kahit ano pa mangyari (Kathniel) forever noh..

Continue reading below ↓

"kahapon nung nakita ko sila kinilig ako salamat bal at my ga sa pgpunta..

"Okay heto na, mabait talaga si Kath saksi ako sa lahat ng yan, at niregalo niya sa akin ang Napakagandang wedding Gown na suot ko kagabi na gawa ni @stephtancouture, sabi ko My Ga wag na ako na, pero sabi niya regalo daw niya, wag tayong tumatanggi sa blessings yan ang natutunan ko kasi yan ang way nila to share their blessings at para lalo sila maBlessed kaya sabi ko buti NAIHABOL kasi 2 days na lang kasal ko na, di ko kailangan magpaliwanag sa inyo, pero gusto ko lang sabhin na tulad ninyo tao din kami, nasasaktan sa panghuhusga ninyo, masakit pero siguro nga kailangan tanggapin dahil nasa industriya ako, pero wag kayong ganun, di niyo alam ang mga kwento kaya wag kayong manghusga..

"saksi ang aking mga kaibigan na sina @pernellagonzaga at @kelly.harris_ kung gaano ako inalagaan ni kath para gumanda ako sa mismong kasal ko, siya ang nag detalye ng Gown ko at talagang sinama ni si @janaranilla para icheck lahat kung okay sa akin, salamat sa time and effort Ga, humabol pa yan para lang makita niya kung fit sa akin at maganda sa akin kaya MY GA @bernardokath

Continue reading below ↓

"Thank you for everything, salamat sa mabuti mong PUSO, di ko makakalimutan ang regalo mo at kung di dahil sayo, baka wala akong maisuot..

"Mahal kita kayo ni Bal.. #ManalonasiGa #benly"

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After six years of being together, two wedding proposals, Lovely Abella and Benj Manalo are now officially married.
PHOTO/S: Courtesy: @lovelyabella_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results