Sandra Lemonon retires from beauty pageants: "No more pageants for me."

by Arniel C. Serato
Jan 26, 2021
Sandra Lemonon Miss Universe Philippines 2020 controversies
Sandra Lemonon: "Maybe I shall not be in a pageant arena but I am sure I am on my own path & all the hardships/blessings that lead me to where I am today will help me be where I need to be."
PHOTO/S: Courtesy: @sandralemonon on Instagram

Aktibo na muli sa kanyang Instagram feed ang Miss Universe Philippines 2020 candidate na si Sandra Lemonon.

Kinatawan ni Sandra, 25, ang Taguig City sa pageant na ginanap noong October 2020.

Isa noon sa pinakamatunog na pangalan sa pageant si Sandra, pero hanggang Top 16 lang ang naabot niya.

Sa kanyang Instagram kahapon, January 25, nag-upload si Sandra ng tatlong larawan niyang nasa beach.

Sa caption nito, naglagay rin siya ng mga linya ng isang kanta at ng tula.

Bahagi ng caption niya: “When I am at the beach watching the waves, I always play the chorus of one of my favourite songs in my head.

“Do you do this too?”



Puro positibo naman ang mga komento ng netizens sa post na ito ni Sandra.

Saad ng ilang netizens, baka maaari pa siyang sumali sa ibang pageants.

Sabi ng isa niyang follower, “Pwede sa Miss Earth.”

Pero ayon kay Sandra, last na para sa kanya ang Miss Universe Philippines.

Continue reading below ↓

“No more pageants for me love but thank you.”

Sandra Lemonon replies to netizen that she will be quitting from pageants

Isa namang kakilala ni Sandra ang humikayat sa kanyang isipin muli ang pagsali sa pageant.

Kuwalipikado pa rin kasi siya dahil 25 taong gulang lamang siya.

Sabi nito, “@sandralemonon my love, your Journey was bumby & maybe for a reason, I hope you reconsider, we never got to cheer for you in the big arena, take all the time you need, but then finish what you started, don’t let anyone dim your light and your kind spirit.”

Continue reading below ↓

Sandra colleague encourages her to continue joining beauty pageants

Madamdamin naman ang sagot ni Sandra sa kanya.

Saad nito, “@salvatoregaurav love don’t make me cry of joy.

“People like you are the reason why I love the good sides of pageantry

“You are kind hearted & pure. Stay like this forever.

“Maybe I shall not be in a pageant arena but I am sure I am on my own path & all the hardships/blessings that lead me to where I am today will help me be where I need to be with you by my side I will never have a dim light in my heart, I promise.”

Continue reading below ↓

Sandra lemonon emotional reply

SANDRA REMAINS SILENT ON THE “TEA SHE PROMISED TO SPILL”

Naging maingay ang Miss Universe Philippines 2020 matapos mag-post ng cryptic messages sa Instagram si Sandra pagkatapos ng grand coronation.

Nabalot ng kontrobersiya ang pageant matapos mag-post sa kanyang Instagram Stories si Sandra na nagsasabing may ilalabas siyang pasabog.

Makahulugan ang kanyang post tungkol sa karma, at sinabi rin niyang “we deserve justice.”

Continue reading below ↓

May post pa siyang “real queens play fair [and] don’t cheat.”

Ang mga patutsadang ito ni Sandra ay nagpapahiwatig na tila may nangyaring dayaan sa national pageant.

Pero mariing itinanggi ng Miss Universe Philippines Organization ang paratang ni Sandra.

Oktubre pa nagsabi si Sandra na may ibubulgar siya ukol sa pageant, pero nagbago na lamang ang taon ay wala pa rin siyang inilabas na pasabog.

Si Rabiya Mateo ng Iloilo ang nagwagi sa pageant.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sandra Lemonon: "Maybe I shall not be in a pageant arena but I am sure I am on my own path & all the hardships/blessings that lead me to where I am today will help me be where I need to be."
PHOTO/S: Courtesy: @sandralemonon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results