Maris Racal to culprit behind her fake nude photos: “2021 na manyak ka pa rin?”

by Bernie V. Franco
Jan 26, 2021
Maris Racal Sue Ramirez fake nude photos
Kapamilya actresses Maris Racal (left) and Sue Ramirez cry foul over fake nude photos circulating on social media. ABS-CBN also released an official statement condemning the illegal manipulation of photos.
PHOTO/S: YouTube (Maris Racal)

Gigil si Maris Racal, 23, sa pekeng nude photos nila ng kapwa aktres na si Sue Ramirez, 24, na kumalat sa social media.

Hindi pinalampas ni Maris ang pagkakataong buweltahan ang “walang utak” na nasa likod ng pag-e-edit ng mga larawan nila ni Sue.

Nauna nang nag-post si Sue sa Instagram para almahan ang pekeng hubad na larawan nila ni Maris.

Sa original photos ay makikitang naka-bikini ang dalawang aktres. In-edit ito para magmukhang wala silang saplot.

Sa pamamagitan naman ng Twitter ngayong hapon ng Martes, January 26, nanawagan si Maris na itigil na ang “pambababoy” sa mga kababaihang gaya niya.

Mensahe niya, “There’s an edited photo of Sue and I spreading online.

“Kung sino man ang nag edit nun, wala kang utak.

“Itigil na ang pambababoy ng katawan ng mga babae. Pagaari namin ‘to.

“2021 na, manyak ka pa rin? Magbago na.”

Maris Racal tweet on fake nude photos with Sue Ramirez

Continue reading below ↓

Idinaan din ni Maris ang kanyang panawagan sa Instagram Story.

Humingi siya ng tulong para matugis ang taong nasa likod ng fake photos at ang netizens na nagpapakalat nito.

Ipinost ni Maris ang in-edit na photos nila ni Sue na tinakpan ng red and white paint.

Pakiusap niya: “Please help us find the person who edited these photos.

“Screenshot whoever shared this on FB.

“Gusto namin malaman saang FB group ito nagstart.

“THIS HAS TO STOP”

Maris Racal appeals to netizens to help her find the culprit of the edited photos

Continue reading below ↓

Samantala, naglabas na rin ng official statement ang ABS-CBN upang kondenahin ang pagpapakalat ng fake photos ng dalawang Star Magic artists.

Paalala ng ABS-CBN management, ang ginawang pag-edit ng larawan nina Maris at Sue ay isang uri ng “gender-based online sexual harassment sa ilalim ng RA 11313 o The Safe Spaces Act.”

Ipinost din ni Maris sa kanyang Twitter account ang official statement ng ABS-CBN hinggil sa isyu.

Maris retweeted the official statement of ABS-CBN on the fake nude photos

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actresses Maris Racal (left) and Sue Ramirez cry foul over fake nude photos circulating on social media. ABS-CBN also released an official statement condemning the illegal manipulation of photos.
PHOTO/S: YouTube (Maris Racal)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results