Japanese-American actor Luke Plowden tweets about looking like Liza Soberano; Thai actor Bright Vachirawit follows her on IG

by Jet Hitosis
Jan 27, 2021
Thailand-based Japanese-American actor Luke Plowden (left) and Thai actor Bright Vachirawit (right) are certified Liza Soberano (center) fans.
PHOTO/S: @thelukevoyage / @lizasoberano / @brightvc on Instagram

Trending sa Twitter si Liza Soberano ngayong Martes, January 26, matapos makumpirmang dalawang sikat na actors sa Thailand ang bagong nadagdag sa kanyang mga tagahanga.

Sila ay sina Luke Plowden, 24, at Bright Vachirawit, 23.

Si Luke ay isang Japanese-American actor-model na nakabase sa Thailand, kung saan isa siyang popular TV actor.

Samantalang si Bright ang kalahati ng sikat na “BrightWin” couple ng phenomenal BL series na 2gether.

Katambal ni Bright sa 2gether ang kapwa Thai actor na si Win Metawin.

LUKE PLOWDEN TWEETS ABOUT LOOKING LIKE LIZA

Mag-aalas tres ng hapon ngayong Martes nang nabulabog ang Pinoy Twitter users sa tweet ni Luke.

Ipinost kasi ng Japanese-American actor ang isang litrato niya na itinabi sa close-up photo ni Liza.

Tinag ni Luke ang 23-year-old Filipino-American actress sa caption ng litrato.

Sabi ni Luke kay Liza, “many Filipino fans” ang nagsasabi na “I kinda look like a male version” ng Kapamilya actress.

Continue reading below ↓

At kung pakakatitigang mabuti ang pinagtabing litrato nila, kinumpirma ni Luke na totoong may pagkakahawig nga sila ni Liza.

Wala pang reaksiyon si Liza sa tweet na ito ni Luke at press time.

Pero ang fans ni Liza, paulit-ulit na ni-retweet ang post na iyon ni Luke.

Sa katunayan, habang isinusulat ang balitang ito, lampas 4,800 na ang retweets at halos 50,000 na ang likes sa post na ito ni Luke para kay Liza.

Continue reading below ↓

BRIGHT FOLLOWS LIZA

Kasabay nito, ngayong Martes din nakumpirmang naka-follow sa Instagram page ni Liza ang Thai actor na si Bright Vachirawit.

Ito ay matapos kumalat sa Twitter ang screenshot ng Instagram page ni Liza, kung saan makikitang kabilang si Bright sa 14.8 million followers ng aktres sa nabanggit na social media platform.

Thai actor Bright Vachirawit follows Liza Soberano on instagramHindi pina-follow ni Liza si Bright sa Instagram.

Continue reading below ↓

FOREIGN ARTISTS AS ADMIRERS

Hindi ito ang unang pagkakataong napansin ng mga sikat na international artists ang ganda ni Liza.

Noong August 2016, inamin ng American singer-songwriter na si Charlie Puth na “attracted” siya kay Liza.

Sa pamamagitan ng tweet, inimbitahan pa ni Charlie si Liza na um-attend sa kanyang Manila concert ng buwang iyon.

Pero magalang na tinanggihan ni Liza ang imbitasyon ng “One Call Away” hitmaker.

Nang buwan ding iyon, sinabi ni Alex Pall, miyembro ng American electronic DJ duo na The Chainsmokers, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na “hot chick” para sa kanya si Liza.

Samantala, isang self-proclaimed fan ni Liza si James McVey ng British rock-pop band na The Vamps.

Ipinost pa nga ni James sa Instagram ang selfie niya kasama si Liza.

Nang mag-concert sa Metro Manila ang The Vamps noong November 2017, inimbitahan ni James si Liza para personal na panoorin ang performance ng kanilang banda.

Continue reading below ↓

Hindi rin sinipot ni Liza ang imbitasyon sa kanya ni James.

Noong mga panahon kasing iyon, nasa South Korea si Liza para sa filming ng isang pelikula nila ng reel-and-real life sweetheart niyang si Enrique Gil.

RELATED STORY

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thailand-based Japanese-American actor Luke Plowden (left) and Thai actor Bright Vachirawit (right) are certified Liza Soberano (center) fans.
PHOTO/S: @thelukevoyage / @lizasoberano / @brightvc on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results