Respondents in Christine Dacera case react to latest medico-legal report

by Arniel C. Serato
Jan 28, 2021
Christine Dacera case respondents
Valentine Rosales (left), Rommel Galido (second from left), Clark Rapinan (second from right), and Gigo de Guzman (right) express their feelings after new medico-legal report ruled out foul play on Christine Dacera's (center) death.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / ABS-CBN News

Mukhang nakahinga na nang maluwag ang ilang respondents sa Christine Dacera case matapos ilabas ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory ang bagong medico-legal report tungkol sa kamatayan ng flight attendant.

Ayon sa latest medico-legal report, namatay si Dacera dahil sa "natural causes."

Base rin sa resulta ng pagsusuri ng PNP Crime Lab na isinumite sa Makati Prosecutor's Office kahapon, January 27, napatunayang walang foul play sa pagkamatay ni Dacera.

Nakasaad sa konklusyon ng medico-legal report: "Based on available information on hand, the manner of death is classified as natural death."

"THE DAMAGE HAS BEEN DONE"

Para sa isa sa mga respondent na si Gregorio "Gigo" de Guzman, bagamat gusto na lamang nilang matapos na ito, “the damage has been done” dahil isinangkot sila ng mga awtoridad sa pagmakamaty ni Dacera.

Pahayag niya sa panayam ni Karen Davila sa Headstart ng ANC ngayong araw, January 28, “For now, all we want is for it to be over because we’ll move on with our lives.

Continue reading below ↓

"We want to restart it because we don’t even know where to start to build everything that has been damaged.”

Dagdag pa niya, pati ang reputasyon ng kanyang inang si Claire dela Fuente ay namantsahan dahil sa akusasyon laban sa kanila.

Sabi ni Gigo, "The damage has been done on our lives.

"The stigma, the notoriety, the articles are all over the net, even my mom’s legacy has been tainted already.”

Ayon naman kay Clark Rapinan, "sirang-sira" na ang reputasyon nila sa publiko dahil sa pangyayari at naapektuhan din ang kanilang mga trabaho.

“Sirang-sira na po yung reputation namin, gusto na naming bumalik sa normal ang buhay namin.

"May mga pamilya din po kami na sobrang naapektuhan.

"Sobrang naapektuhan yung pamilya namin, yung trabaho namin.

"Basically, yung buhay namin, sobrang damaged na, na hindi namin alam paano magsisimula ulit.

"Sobrang hirap, sana po maawa na kayo sa amin.”

Sa kanyang Instagram naman kahapon, nag-post si Valentine Rosales ng kanyang reaksiyon tungkol sa kaganapan sa kasong kinahaharap nila ng kanyang mga kaibigan.

Continue reading below ↓

Makahulugan niyang mensahe: “A Single Truth can defeat a Thousand Lies! #truthwins #truthwillprevail #godisincontrol

Si Rommel Galido, best friend at kasamahan ni Christine sa trabaho, ay ganito ang mensahe: “I'm a FIGHTER.”

FUND THE TRUTH

Sa ngayon, patuloy pa ring nananawagan ng tulong ang respondents upang makaipon ng pondo para sa kanilang legal fight.

Kaugnay nito, naglunsad sila ng kanilang proyektong “2209” shirt para makatulong sa kaso nila.

Sabi ni Gigo at Valentine sa kanilang Instagram: “The fight is still not over... Please help my friends...

"#FundTheTruth still have a huge amounts of debt to pay to their friends, relatives and legal counsels.

"Instead of asking for donations, they’d like to ask for your support by buying the limited edition 2209 Shirt for only P999

"Pre order now at www.projecttahina.com

"All proceeds will help fund this case that brought them in debt and unexpected expenses.

"#ProjectTahina #2209Shirt"

Ang numerong “2209” ay ang kuwarto sa City Garden Grand Hotel sa Makati City, kung saan sila nagdaos ng New Year’s Eve party noong gabi ng December 31, 2020 hanggang madaling-araw ng January 1, 2021.

Continue reading below ↓

Natagpuang wala nang buhay si Dacera sa bathtub ng nasabing kuwarto magtatanghali ng Bagong Taon.

Sa February 3, 2021 gaganapin ang ikatlong preliminary investigation sa Christine Dacera case.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Valentine Rosales (left), Rommel Galido (second from left), Clark Rapinan (second from right), and Gigo de Guzman (right) express their feelings after new medico-legal report ruled out foul play on Christine Dacera's (center) death.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / ABS-CBN News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results