Sophie Albert to Vin Abrenica: "I've been living my best life since meeting you."

by Rachelle Siazon
Jan 28, 2021
Kapuso star Sophie Albert to boyfriend Vin Abrenica: We've been through many milestones together, gone to many places, have done countless crazy stupid things and all I really wanna say is I've been living my best life since meeting you."

Puno ng pagmamahal na inihayag ni Sophie Albert kung gaano siya kasaya sa piling ng boyfriend na si Vin Abrenica.

Sa kanyang Instagram post noong January 23, ibinahagi ni Sophie ang isang throwback photo nila ni Vin.

Kalakip nito ang mensahe niya tungkol sa walong taong relasyon nila.

Sabi ni Sophie: "Scrolling through my gallery and realized that woooah, how time flies!

"We've known each other for 9 years, been together for 8, but swear it all feels like yesterday.

"We've been through many milestones together, gone to many places, have done countless crazy stupid things and all I really wanna say is I've been living my best life since meeting you @vinabrenica."

vin abrenica and girlfriend sophie albert

Continue reading below ↓

May short but sweet reply si Vin sa comments section.

Tukoy ni Vin kay Sophie, "Love of my life."

vin calls sophia as love of his life

Nitong January 27, sinabi ni Sopie na hilig nila ni Vin ang magpunta sa beach kaysa "fancy dates."

Aniya, "Fancy dates were never our thing. The sun, sand and ocean, our happy pill forever."

Continue reading below ↓

sophie albert and vin abrenica

HOW THEY MET

Sina Sophie at Vin ay parehong produkto ng TV5 reality show na Artista Academy noong 2012.

Dati nang ikinuwento ni Vin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na taong 2013 ay magkarelasyon na sila ni Sophie.

Sobrang pinagselosan pa nga raw niya ang kissing scene nina Sophie at Edgar Allan "EA" Guzman sa 2013 TV5 series na Never Say Goodbye.

Continue reading below ↓

Magkakasama silang tatlo sa proyektong iyon. Pero habang kinukunan daw ang eksena nina EA at Sophie ay nasa standby area si Vin.

"Akala nila nun, natutulog lang ako sa kama. Hindi nila alam nakakumot lang ako, umiiyak ako," balik-tanaw ni Vin sa panayam ng PEP.ph noong 2018.

Natatawa na lang si Vin sa kanyang alaala at sinabing baguhang artista pa lang daw kasi sila noon.

"Pero wala yun. Magtrotropa kami," giit pa ni Vin.

SHORT-LIVED BREAKUP AND RECONCILIATION

Naikuwento rin noon ni Vin sa PEP.ph ang tungkol sa breakup nila ni Sophie noong 2016.

May mga hindi raw sila pagkakaintindihan kaya nag-initiate ang binata na maghiwalay silang magkasintahan.

Pareho raw nilang napagdesisyunang mas makabubuti iyon para matutukan nila ang kanilang showbiz career.

Pero makalipas ang isang taon at limang buwan, nagpahiwatig sina Vin at Sophie tungkol sa kanilang pagbabalikan nang isapubliko nila ang kanilang vacation potos sa Bali, Indonesia.

Sabi ni Vin sa PEP.ph, siya ang gumawa ng first move para magbalikan sila ni Sophie.

Continue reading below ↓

"Buong-buo" naman daw siyang tinanggap ni Sophie.

Naging bukas din si Vin sa pagsasabing si Sophie ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay.

At balang-araw ay nais daw niyang magkaroon sila ng sariling pamilya.

Si Sophie, 30, ay exclusive star ng GMA Network mula nang lumipat siya roon noong 2017. Huli siyang napanood sa Kapuso prime-time series na Descendants of The Sun.

Si Vin, 29, naman ay lumipat sa ABS-CBN mula sa TV5 noong 2016. Huli siyang napanood sa Kapamilya prime-time series na A Soldier's Heart.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso star Sophie Albert to boyfriend Vin Abrenica: We've been through many milestones together, gone to many places, have done countless crazy stupid things and all I really wanna say is I've been living my best life since meeting you."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results