Sharon Dacera questions latest PNP medico-legal report on daughter Christine

by Arniel C. Serato
Jan 28, 2021
Sharon Dacera Christine Dacera medico-legal report
Sharon Dacera (left) denies giving PNP Crime Lab authority to collect organ samples from her daughter Christine Dacera's body.
PHOTO/S: Courtesy: 24 Oras / @xtinedacera on Instagram

Duda at nakukulangan ang pamilya Dacera sa inilabas na medico-legal report ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory na isinumite sa Makati City Prosecutor’s Office kahapon, January 27.

Ayon sa report ng 24 Oras ng GMA-7 ngayong gabi, January 28, nakita at nabasa na ng pamilya Dacera ang latest medico-legal report ng PNP sa mga labi ni Christine Dacera na nagsasabing namatay ito dahil sa ruptured aneurysm.

Base sa medico-legal report, walang ebidensiyang nagtuturo na pinatay si Christine. "Natural causes" daw kasi ang sanhi ng pagpanaw ng 23-year-old flight attendant.

Pero duda rito ang ina ni Christine na si Sharon Dacera.

Pahayag ni Sharon, “With that report done by Palmero, we are questioning him.

“Then at the same time, based dun sa sabi niya na bahagi ng katawan ng anak ko, hindi po, wala po kaming authority na ibinigay sa kanya na kunin niya yun.”

Ang tinutukoy ni Sharon ay si Dr. Joseph Palmero, ang Medico-Legal Officer ng PNP head office.

Continue reading below ↓

Ayon naman sa abugado ng pamilya Dacera, duda sila sa findings ng mga pulis dahil piling body organs lamang daw ni Christine ang nasuri.

January 11, 2021 ang petsa ng medico-legal report, pero January 8 pa lamang daw ay nasa General Santos City na ang mga labi ni Christine.

Nailibing si Christine noong January 10, 2021.

Hindi rin daw malinaw na nailahad sa report kung saan galing ang mga pasa at sugat sa hita ni Christine.

Sabi pa ni Atty. Brick Reyes, “Hindi ito autopsy report, kanya lang itong narrative at opinyon.”

Sa ngayon, hihintayin daw nila ang hiwalay na autopsy report ng National Bureau of Investigation (NBI).

Marami pa raw silang agam-agam dahil naniniwala silang may foul play sa pagkamatay ni Christine.

RESPONDENTS' LAWYER

Sinalungat naman ng abugado ng ilan sa respondents ang sinabi ni Atty. Reyes.

Ayon kay Atty. Mike Santiago, maaaring nakakuha ng organ samples ang PNP bago pa man ilipad ang mga labi ni Christine sa GenSan.

Continue reading below ↓

“Ibig sabihin, nasa position na ng crime laboratory office ng Camp Crame itong mga organs na ito for histopathological examination.

“So, it is incorrect to state na wala, hindi mae-examine ang organ dahil inilipad na sa General Santos City ang body ni Miss Dacera.”

Sa February 3 magpapatuloy ang preliminary investigation ng Christine Dacera case sa Makati City Prosecutor’s Office.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Dacera (left) denies giving PNP Crime Lab authority to collect organ samples from her daughter Christine Dacera's body.
PHOTO/S: Courtesy: 24 Oras / @xtinedacera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results