Rosanna Roces opens up about her old bad habits: “Feeling ko, parang God’s gift ako sa show business.”

by Bernie V. Franco
Jan 29, 2021
Former sexy actress Rosanna Roces says she has turned her back to her old bad habits. "Marami rin akong binabago sa sarili ko na mga pagkakamali ko dati."
PHOTO/S: PEP.ph

Ipinagpapasalamat nang malaki ni Rosanna Roces na lumipas man ang maraming taon, aktibo pa rin siya sa showbiz.

Si Rosanna, 48, ay sumikat noong mid-'90s bilang sexy actress sa pelikula at kalaunan ay tumawid sa seryosong pag-arte.

Naging aktibo rin siya sa telebisyon gaya ng hosting at paggawa ng sitcom.

Halos isang dekada ring namayagpag ang kanyang karera bago ito lumamlam at nawala sa mainstream.

Pero ngayon ay muling aktibo sa showbiz si Rosanna. Marami siyang nakalinyang proyekto, kabilang na ang mga pelikulang Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar at Anak Ng Macho Dancer.

Hindi man siya ang pangunahing bida, laking pasasalamat ng aktres na nagkaroon siya ng second chance na makapagtrabaho. Hindi na raw niya ito sasayangin.

“Kaya nga hindi na tayo pwedeng maglaro-laro ngayon basta-basta,” sabi ng former sexy actress sa PEP.ph Live interview noong January 21, 2021.

Malaki na raw ang ipinagbago ng kanyang ugali.

Inisa-isa pa ni Rosanna ang hindi niya magandang pag-uugali noong namamayagpag ang kanyang showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi na pwede yung mga inaasta ko dati na, alam mo yung pag napagod, uuwi; ayokong mag-shooting, uuwi, di ba?

“Wala akong tatanguan kahit isa sa mga promo. Feeling ko, ‘Kikita naman ‘yan, e,’ yung mga ganun.

“So, marami rin akong binabago sa sarili ko na mga pagkakamali ko dati. Na, siyempre, stupid pa ako nun.

"Medyo bata ka, madaling mapagod. 'Tsaka puro pera lang nasa isip mo, di ba?

“Pero ngayon kasi, hindi na ganun. More on mahal ko na yung craft ko.”

SECOND CHANCE AT SHOWBIZ

Nabanggit ni Rosanna na malaki ang utang na loob niya sa TV director at ABS-CBN business unit head na si Ruel S. Bayani kaya muling nabuhay ang kanyang showbiz career.

Nagkaroon ng recent teleserye projects si Rosanna sa ABS-CBN, kabilang ang Los Bastardos (2018-2019) at Pamilya Ko, na nagsimula noong 2019 pero nakansela dahil sa pandemya.

Pero sapat na ang mga ito para makakuha muli ng mga proyekto si Rosanna. Kaya naman tinatanaw niya ang utang na loob kay Direk Ruel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi nga nung nagbigay sa 'kin ng chance, si RSB, si Ruel Santos Bayani ng ABS-CBN, ‘Pag yung mga taong nadapa, binigyan mo ‘yan ng second chance…’ sabi niyang ganun, ‘ginagalingan nila, kaya samantalahin natin.’

"Marami pa 'yang binigyan ng chance, si RSB. Isa ako dun at talagang ipinagpapasalamat ko sa kanya.

“Sabi ko nga, ‘Alam mo, salamat kasi ikaw ang nagbukas ng pinto. Kung hindi mo binuksan, di wala ako dito ngayon, di ba?'”

Pagpapatuloy ng batikang aktres, “Dati hindi ako palatanaw ng utang na loob.

“Feeling ko, parang God’s gift ako sa show business. Parang ganoon, mayabang ako.

“Pero ngayon, hindi pwede. Hindi ganoon. Kailangan tumanaw ka talaga ng utang na loob.”

QUIET LIFE WITH HER PARTNER

Tahimik na rin ang buhay pag-ibig ni Rosanna kasama ang kanyang lesbian partner na si Blessy Arias.

Noong December 2016 ay idinaos ng dalawa ang kanilang ikalawang same-sex union.

Inamin ni Rosanna na malaking bahagi ng kanyang pagbabago ay dahil sa kanyang partner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Malaking factor ang partner, sa totoo lang,” aniya sa PEP.ph.

“Yung partner ko kasi ngayon, ayaw na ayaw niya na pag may natanguan ako, hindi ko sisiputin. Kaming dalawa ang mag-aaway.

“Malaking factor kung ano yung attitude ko ngayon.

“’Tsaka dahil kuntento na ako, tahimik na, I found my happiness na, hindi na ako bugnutin. Hindi na ganoon.

“Masaya parati yung attitude ko, ‘tsaka mas naa-appreciate ko ang mga tao sa paligid ko.

“Ngayon palayakap ako, palahalik ako, yung ganun.

“Malaking factor ang partner sa isang artista. Kasi kung partner mo walwal din, di ba, walang mangyayari talaga.”

Si Osang ay ikinasal noon kay Tito Molina at nagkaroon sila ng dalawang anak.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
Rosanna Roces, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former sexy actress Rosanna Roces says she has turned her back to her old bad habits. "Marami rin akong binabago sa sarili ko na mga pagkakamali ko dati."
PHOTO/S: PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results