Kathryn Bernardo, Regine Velasquez, other celebs mourn sudden passing of hairstylist Chris Rodil

Jan 30, 2021
Kathryn Bernardo, Chris Rodil, Regine Velasquez
Kapamilya stars Kathryn Bernardo (left) and Regine Velasquez (right) are among the many celebrities who are grieving over the sudden death of 37-year-old celebrity hairstylist Chris Rodil.
PHOTO/S: @bernardokath, @karlaestrada1121, @reginevalcasid on Instagram

Nagluluksa ngayon ang maraming celebrities sa biglaang pagpanaw ng kilalang hairstylist to the stars na si Chris Rodil.

Sa edad na 37, pumanaw si Chris nitong Biyernes, January 29.

Walang opisyal na pahayag ang pamilya ni Chris tungkol sa dahilan ng kanyang pagkamatay.

Kilala sa entertainment industry si Chris hindi lamang dahil sa kanyang talent kundi dahil sa mabuti niyang pakikipagkaibigan sa mga artistang nakakatrabaho niya.

Kaya naman bumaha ang pagpapahayag ng pagluluksa at pakikiramay ng maraming celebrities kasunod ng nakagugulat na balita ng biglaang pamamaalam ni Chris.

Si Regine Velasquez, 50, ang unang nag-post sa Instagram ng recent photo nila ni Chris.

Sa litrato, makikitang nakasuot ng face mask at face shield si Chris habang inaayusan ng buhok ang singer-actress.

Tadtad ng crying at broken heart emojis ang caption ni Regine (published as is): “Bakla anong nangyari????!!!!

“I will miss you very much.”

Continue reading below ↓

KATHRYN: “KULANG TEAM KUNG WALA KA”

Si Chris ay kilalang malapit na kaibigan ni Kathryn Bernardo.

Sa Instagram post ng 24-year-old Kapamilya actress, ibinahagi niya ang serye ng black-and-white photos at videos nila ni Chris, kabilang ang kanilang mga biyahe abroad.

Mensahe ni Kathryn para sa kaibigan: “I love you so much, missy.

“dami pa natin pupuntahan and gagawin na hairstyles diba?

“Sino na maghhair and magpapatawa sakin?

“kulang team kung wala ka..

“i will miss you, our rodil.”

Continue reading below ↓

BARBIE: “KAUSAP LANG KITA KAHAPON”

Nagbahagi rin ng mga litrato at videos ni Chris si Barbie Imperial.

Sa post ni Barbie, 22, sa Instagram, sinabi niyang nakausap pa niya si Chris nitong Huwebes ng gabi.

Sabi ni Barbie: “Grabe missy.. Kausap lang kita kahapon para sa next na pagkikita natin.

“masaya ako na kahit isang minuto nakapag usap tayo kagabi.

“We will miss your kakulitan, how you make all of us laugh.

“We are so thankful for all the fun times we shared together.

“Mahal ka namin, missy!”

Continue reading below ↓

KARLA, MAJA, JANELLA, ALEX, JESSY GRIEVING

Sa Instagram post naman ni Karla Estrada, 46, sinabi nitong limang taon niyang nakatrabaho ang ka-birthday niyang si Chris.

Mababasa sa post ni Karla: “11-21 pareho nating kaarawan kaya hinding hindi kita malilimutan.

“Paalam kaibigan.. maraming salamat sa masasayang alaala sa loob ng 5 taon.

“Mahal kita alam mo yan at mangungulila ako sayo.”

Continue reading below ↓

Samantala, sa Instagram Stories idinaan nina Maja Salvador, Janella Salvador, Alex Gonzaga, at Jessy Mendiola ang pag-alaala at pamamaalam nila kay Chris.

Si Maja, 32, ibinahagi ang chat conversation nila ni Chris kung saan pinasalamatan niya ang hairstylist sa pag-aayos sa kanya.

Tinag ni Maja si Chris sa caption: “Love you Mami.”

Maja posts convo with chris rodil

Continue reading below ↓

Lumang picture naman nila ni Chris, kasama ang dalawa pang kaibigan, ang ipinost ni Janella.

Caption niya: “Missy, you are loved. Rest well. [cloud and rainbow emojis]”

janella salvador posts throwback photo with chris rodil

Gaya ni Maja, convo rin kay Chris ang ipinost ni Alex, 33, sa kanyang Instagram Story.

Mababasa sa usapan ang pangungumusta at pag-aalala ni Chris para kay Alex, na noong mga panahong iyon ay nagpapagaling sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Kalakip ang maraming crying at broken heart emojis, sinabi ni Alex na mami-miss niya ang “mga random asaran” nila ng kaibigang hairstylist.

alex gonzaga posts old chat of chris rodil

Si Jessy, 28, nagbahagi naman ng picture niya habang nakayakap kay Chris.

Caption ni Jessy: “WE WILL MISS YOU [broken heart emoji] REST IN PEACE..”

jessie mendiola with chris rodil

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya stars Kathryn Bernardo (left) and Regine Velasquez (right) are among the many celebrities who are grieving over the sudden death of 37-year-old celebrity hairstylist Chris Rodil.
PHOTO/S: @bernardokath, @karlaestrada1121, @reginevalcasid on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results