Marian Rivera has little time for bonding with Katrina but hopes for opportunity

by Ruel J. Mendoza
Dec 1, 2007
"Strike while the iron is hot," seems to be the motto of most young stars today. They grab every opportunity that comes their way even if it would mean sleepless nights and busy days for several months. Marian Rivera rarely has time to sleep in her room so she bought a spacious and cozier vehicle "para habang bumibiyahe, nakakatulog ako ng maayos."

Dahil sa tagumpay ni Marian Rivera sa nangungunang primetime soap drama na Marimar, unti-unti na ngang nakakapagpundar ang young actress ng iba't ibang gamit, na noon ay ipinagpapaliban niyang bilhin.

Ngayon kasi, bukod sa kanyang top-rating program, meron pa siyang mga TV commercials at dalawang pelikula na ipapalabas sa Metro Manila Film Festival, ang Bahay Kubo at Desperadas. Kaya naman, nakabili kaagad si Marian ng isang malaking sasakyan na gagamitin niya sa kanyang mga lakad.

"Bumili ako ng Super Grandia na van. Tama lang siyang gamitin for my tapings kasi madalas kaming umagahin sa trabaho. Malaki siya at maluwag. Kasya lahat ng mga kailangan ko sa trabaho. At puwede pa akong makatulog. Yung bandang likod kasi ng van, ginawa ko ng higaan ko. Para habang bumibiyahe, nakakatulog ako ng maayos. Doon kasi sa dating kotse ko, hindi kumportable. Ngayon sobrang kumportable na ako," ang masayang kuwento ni Marimar.

Inuna ni Marian ang bumili ng malaking sasakyan para mas convenient sa kanya ang bumiyahe sa mga location tapings at shootings. Pagkatapos ng sasakyan ay isusunod na niya ang pagbili ng bahay.

Continue reading below ↓

"God willing, yun ang isusunod ko," ngiti niya. "May dream house kasi ako na gusto. Pero right now, ipon lang ako nang ipon. Gusto ko sana sa Quezon City na ako makabili ng house para mas malapit sa trabaho ko. Pinagdarasal ko na tuluy-tuloy ang trabaho ko para matupad lahat ng mga pangarap ko.

Umalis ngang patungong Las Vegas, Nevada, si Marian, kasama si Dingdong Dantes, para sa isang show roon na sponsored ng GMA Pinoy TV. Nanghihinayang siya dahil three days lang daw sila roon at wala na siyang time na mamasyal.

"First time ko na pupunta ng USA pero talagang three days lang ang allowed sa amin ni 'Dong [palayaw ni Dingdong] kasi marami kaming trabaho rito sa Manila. May mga taping schedules kami 'tapos may mga dubbing pa ako for Bahay Kubo.

"Kaya wala talagang chance na magtagal sa States. Gusto ko sana one week man lang pero hindi puwede talaga. Pero okey lang, kasi baka balang araw ay makapagbakasyon din ako ng matagal doon kapag nalibre ako," ang sabi ng itinuturing ng isa sa mga biggest female stars ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Sa kabilang banda, ayaw namang magpa-apekto ni Marian sa tsismis na hindi sila nagpapansinan ni Katrina Halili sa set ng Marimar. Medyo matagal na rin silang iniintriga tungkol dito. Totoo nga raw na hindi sila super close ni Katrina pero maayos naman daw sila magtrabaho.

Aniya, "Wala kasi kaming time talaga ni Katrina na ma-bond sa isa't isa. Mas close ako kina Nadine [Samonte] at Manilyn [Reynes] kasi sila ang madalas kong maka-eksena sa Marimar. Kami naman ni Katrina, wala kaming problema kahit hindi kami super close."

Pero hindi raw nangangahulugan na mananatiling ganoon ang pakikitungo nila ni Katrina sa isa't isa.

"One day, gusto ko rin namang maging close kami. Gusto ko naman na lahat ng cast ng Marimar ay maging kaibigan ko. Siguro ay hindi pa nangyayari na maging close kami ni Katrina, pero dasal ko na sana mangyari ‘yon," ang huli winika ni Marian.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Strike while the iron is hot," seems to be the motto of most young stars today. They grab every opportunity that comes their way even if it would mean sleepless nights and busy days for several months. Marian Rivera rarely has time to sleep in her room so she bought a spacious and cozier vehicle "para habang bumibiyahe, nakakatulog ako ng maayos."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results