Watch Now

Ruru Madrid calling Bianca Umali "my-hal" brings kilig to Instagram followers

by James Patrick Anarcon
Jan 31, 2021
Bianca Umali, Ruru Madrid
Ruru Madrid is smitten by his rumored girlfriend Bianca Umali. In Bianca's Instagram post on January 29, 2021, the Kapuso actor called her "my-hal," which combines the words "my" and "mahal."
PHOTO/S: @rurumadrid8 on Instagram

Bagamat hindi pa direktang inaamin ang tunay nilang relasyon, patuloy ang pagiging sweet ni Ruru Madrid, 22, sa kapwa Kapuso star na si Bianca Umali, 20.

Noong Biyernes, January 29, 2021, nag-post si Bianca ng isang solo photo na tila galing sa isang pictorial.

Ang caption lang niya dito ay isang heart emoji.

Isa sa mga nasa top comments ay mula sa kanyang rumored boyfriend na si Ruru, na tinawag siyang “My-hal."

Walang sinabing explanation si Ruru sa kanyang comment pero ito ay mukhang word play sa mga salitang “my” at “mahal.”

instagram comment of ruru madrid to bianca umali

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nag-reply si Bianca, pero isa siya sa 471 na nag-like ng comment ni Ruru.

Bianca Umali likes ruru instagram comment

Marami naman sa followers ni Bianca ang kinilig sa comment ni Ruru:

bianca fans react to ruru comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

bianca fans react to ruru comment

bianca fans react to ruru comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Madalas magpakita ng pagsinta si Ruru kay Bianca sa Instagram.

Nitong January 23 lang, nagpost si Ruru ng picture kasama si Bianca.

Sa pag-swipe left ng post ni Ruru, makikita ang isang video na magkasamang nagdya-jogging ang dalawa habang umuulan.

Saad niya sa caption, “Miss you. Each day. Everyday. All the time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagcomment naman si Bianca ng rose emoji sa post ni Ruru.

Bianca Umali reply to Ruru Madrid

RURU madrid’S SPECIAL RELATIONSHIP WITH BIANCA

Sa interview ni Ruru sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) noong November 2020, nausisa ang Kapuso actor tungkol sa sweet photos na ipinupost ng dalawa sa Instagram.

Hindi tahasang sinabi ni Ruru na sila ni Bianca, pero hindi niya ikinaila na espesyal ang pagtitinginan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wait lang po, may lilinawin lang po ako, ha. Wala naman po kaming inamin ni Bianca.

"Hindi naman po kami open sa relationship. Basta kung ano pong nakikita niyo, iyon na lang talaga."

Ayaw mag-focus ni Ruru sa label.

"Siguro, masasabi ko yung relationship naming dalawa, isang bagay na espesyal sa akin.

"Hindi pa siguro napapanahon para i-share ko iyon. But it doesn't mean na hindi ako proud dun.

"Kumbaga mas gusto ko lang... tini-treasure ko muna na sa akin lang muna."

Mahigit dalawang taon nang napapabalitang may relasyon sina Ruru at Bianca.

Noong October 2018, nagpalagay umano sila ng matching rose tattoos.

Noong November 2018, namataan ang dalawang Kapuso stars na nagbakasyon sa Siargao.

Noon namang 2019, may mga lumabas ding video kunsaan nagdu-duet sila ng love songs sa private gatherings kasama ng kanilang malalapit na mga kaibigan.

Noong March 2020, nag-post si Ruru ng litrato kunsaan makikitang sweet sila ni Bianca na magka-holding hands at nakasuot ng matching white sneakers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Bianca naman ay nag-post ng picture nila ni Ruru noong July 2020, kunsaan makikitang magkadikit ang kanilang mukha sa litrato.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid is smitten by his rumored girlfriend Bianca Umali. In Bianca's Instagram post on January 29, 2021, the Kapuso actor called her "my-hal," which combines the words "my" and "mahal."
PHOTO/S: @rurumadrid8 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results