Barbie Imperial slams spread of her fake nude photo: "Ilang babae pa ang magiging biktima ng mga makikitid nyong utak?!"

by Rachelle Siazon
Feb 1, 2021
Barbie Imperial to mastermind of her fake nude photo: "Ilang babae pa ang magiging biktima ng mga makikitid nyong utak?!"
PHOTO/S: @msbarbieimperial Instagram

Nagpupuyos ang galit na umalma si Barbie Imperial sa may pakana ng nagpapakalat ng kanyang fake nude photo.

Ngayong Lunes, February 1, ipinost ni Barbie ang original at unedited swimsuit photo niya na pinaglaruan at ginawan ng pekeng bersiyon kunsaan wala siyang suot na saplot sa katawan.

Nasa second photo ng Instagram post ni Barbie ang napag-alaman niyang fake nude photo niya na pinapakalat ng malisyosong netizens.

Umaalmang pahayag ni Barbie: "Reposting this photo because people are messaging me about this photo (2nd photo).

"Grabe, sobrang stupid naman.

"You really think I’ll post a photo like this?"

Hindi raw lubos-maisip ni Barbie ang kawalan ng konsensiya ng mga patuloy na nang-aabuso ng mga kababaihang ginagawan ng fake nude photos.

"Wala na ba kayong magawa kundi mag edit ng photos ng mga babae at gawing nude photo?

"Paisa lang po, dahil nakakagigil talaga yung gumawa nito.

"Ilang babae pa ang magiging biktima ng mga makikitid nyong utak?!"

Continue reading below ↓

Diin ng 22-year-old Kapamilya star, "Itigil nyo na, wala kayong ambag."

Pinalagan din ni Barbie ang bashers na kung anu-ano raw panghuhusga ang binabato sa kanya dahil sa fake nude photo .

"Sa lahat ng nagshashare nito, ANG LALA NYO.

"And sa lahat ng nagbabash and madaming sinasabi sakin dahil sa picture na to, ANG TANGA LANG."

Narito ang kopya ng post ni Barbie:

Continue reading below ↓

Si Barbie ay Kapamilya star na napapanood sa ABS-CBN series na Bagong Umaga.

Bahagi siya ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN.

Ang dalawa pang Star Magic artists na sina Sue Ramirez at Maris Racal ay nabiktima rin ng mga mapang-abusong gumagawa ng fake nude photo.

Noong January 26, sabay na umapela sina Sue at Maris na itigil na ang "pambababoy ng mga katawan ng babae."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial to mastermind of her fake nude photo: "Ilang babae pa ang magiging biktima ng mga makikitid nyong utak?!"
PHOTO/S: @msbarbieimperial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results