Janus del Prado weighs in on emergence of P-pop: "Ba't niyo pa tinawag na P-pop eh photo copy lang naman ng K-pop."

by Arniel C. Serato
Feb 1, 2021
Janus del Prado KPop PPop culture
Janus del Prado on Pinoy pop being an original genre: "Wala namang identity na sariling atin. Eh walang kabahid bahid ng pagka pinoy maliban sa in filipino yung lyrics.”
PHOTO/S: Courtesy: @janusdelprado on Instagram

Hindi pabor ang aktor na si Janus del Prado sa paghahalintulad ng P-pop (Pinoy Pop) sa K-pop (Korean Pop).

Masyado raw kasing identified sa Korean culture ang K-pop na kinagigiliwan ng marami sa buong mundo.

Ngayon, nagsulputan naman sa Pilipinas ang tinatawag na P-pop groups na gayang-gaya ang saliw ng musika, sayaw, at postura ng mga miyembro sa K-pop stars.

Sa kanyang Instagram kagabi, January 31, pinuna ni Janus ang pagkopya umano ng mga Pinoy sa konsepto ng K-pop.

Saad niya (published as is), “Ba't niyo pa tinawag na Ppop eh photo copy lang naman ng Kpop.

“Wala namang identity na sariling atin. Eh walang kabahid bahid ng pagka pinoy maliban sa in filipino yung lyrics.”

Dagdag pa niya, “Kaya nga tinawag na Kpop kasi identified sa kanila yung ganyang style ng musika at ganyang itsura at pananamit. Haynaku. Balakayujan."

Ilan sa P-pop groups sa bansa ay ang SB19, MNL48, Bini, 1st.One, After5, at BGYO.

Continue reading below ↓

NOTHING AGAINST K-POP, P-POP

Nilinaw ni Janus na hindi siya kontra sa K-pop. Gustung-gusto nga raw niya ang genre na ito na nagmula sa bansang South Korea.

Hindi rin daw siya against sa P-pop groups.

Ang ayaw lang daw niya ay sabihing original ang genre ng P-pop sa bansa.

Saad ng aktor, “Nothing against kpop. I love the genre for what it is.

"Nothing against the so called Ppop groups din. They are very talented.

"Pero wag natin i pasa na orig na genre ang Ppop. Plagiarism yan.”

Suhestiyon pa niya, “Sana tinawag niyo na lang na Korean-Pinoy Pop o KPpop.

“Or pwede din naman PKpop. Ehankusenyu. Nakakabother lang. Just my two cents. #peaceandlove #goodvibesonly #kpop #ppop

Restricted ang comments section ng post ni Janus kaya walang netizens na nakapagkomento rito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janus del Prado on Pinoy pop being an original genre: "Wala namang identity na sariling atin. Eh walang kabahid bahid ng pagka pinoy maliban sa in filipino yung lyrics.”
PHOTO/S: Courtesy: @janusdelprado on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results