Car seats for tall kids? Amy Perez told by LTO official: “Laki-lakihan mo yung sasakyan mo.”

by Jet Hitosis
Feb 1, 2021
Amy Perez LTO Director Clarence Guinto
Kapamilya TV host Amy Perez (left) trends after reacting to Land Transportation Office (LTO) Director Clarence Guinto (right) telling her "laki-lakihan mo sasakyan mo" if she happened to have a tall 12-year-old child.
PHOTO/S: @jeffcanoy on Twitter

Trending ang interview ni Amy Perez kay Land Transportation Office (LTO) Director Clarence Guinto ngayong Lunes, February 1.

Napabilib kasi ang netizens kung paanong maayos na naigiit ng 51-year-old Kapamilya TV host ang kanyang punto matapos na mistulang pilosopohin siya ni Atty. Guinto, acting director ng LTO Law Enforcement Service.

Nakapanayam ni Amy si Guinto sa programang Sakto ng TeleRadyo ngayong Lunes ng umaga.

Tinalakay nila ang obligado na ngayong paglalagay ng child restraint system (CRS) o car seats sa loob ng mga pribadong sasakyan para sa mga pasaherong edad 12 pababa at mas mababa sa 4’11” ang height.

Layunin nitong matiyak ang kaligtasan ng mga bata laban sa biglaang pagpepreno o sakaling magkaroon ng aksidente.

Alinsunod ito sa full implementation ng Child Safety in Motor Vehicles Act (Republic Act 11229), na tinatawag ding Child Car Seat Law.

Inanunsiyo ng LTO na sisimulan nang ipatupad ang bagong batas na ito bukas, Martes, February 2.

Continue reading below ↓

“LAKI-LAKIHAN MO YUNG SASAKYAN MO”

Sa isang bahagi ng interview ni Amy sa LTO director, tinanong ng TV host ang opisyal tungkol sa panganib na maaaring idulot ng paggamit ng car seat para sa isang batang matangkad.

Ang video clip ng pag-uusap na ito nina Amy at Guinto ay ipinost sa Twitter ng ABS-CBN reporter na si Jeff Canoy.

Ang tweet na iyon ni Jeff ang paulit-ulit na ni-retweet ng netizens ngayong Lunes.

Sa video clip, sinabi ni Amy kay Guinto: “Kung ang 12 years old po ninyo ay sobrang tangkad at siya po ay lalagyan ng booster [car seat], so aangat po yun, Director.”

Nagmuwestra pa si Amy at ipinatong ang kamay sa ibabaw ng sariling ulo.

amy perez, Clarence Guinto, child car seat law discussion in Teleradyo

Continue reading below ↓

“Tatama ang ulo sa kotse.

“Hindi po ba mas delikado yun kapag nagkaroon po tayo ng aksidente?”

Sumang-ayon ang LTO official kay Amy, ‘tsaka nagbigay ng suggestion sa TV host.

“Tama po yun,” ani Guinto.

“Siguro po, Ma’am Amy, laki-lakihan mo yung sasakyan mo.”

Biglang sumingit si Amy: “Ay, wala po akong ganun…”

Napatawa naman si Guinto, bagamat hindi malinaw kung saan siya natawa, sa reaksiyon ni Amy sa sinabi niya, o sa sarili niyang suggestion.

“Ang pinag-uusapan po natin dito, Director Guinto, ay yung karamihan po sa ating mga Kapamilya…”

“Oo,” natatawa pa ring sang-ayon ng opisyal.

Patuloy ni Amy, “Kailangan din po natin i-consider din po yun.”

Sagot ng LTO Director: “Hayaan mo… at we will take note of that.”

Maraming Twitter users ang pumuri kung paanong sinagot ni Amy ang “katangahan of LTO Director.”

twitter: netizen qrted jeff canoy post, praised amy professionalism

Continue reading below ↓

twitter: netizen qrted jeff canoy post, praised amy way of handling situations

twitter: netizen commends amy perez

Continue reading below ↓

Puna ng isang netizen, hindi raw pag-uusisa ng reporter ang tanong ni Amy kundi mula sa isang “concerned mother.”

twitter: netizen commends amy perez

twitter: netizen commends amy perez

Continue reading below ↓

LTO DIRECTOR clarence guinto APOLOGIZES

Samantala, bandang Lunes ng hapon ay naglabas ng pahayag si Guinto kaugnay ng insidente.

Humingi ng paumanhin ang opisyal matapos mapagtantong “inappropriate” ang kanyang sinabi.

Paglilinaw pa ni Guinto, “made in jest” o nagbibiro lang daw siya sa kanyang isinagot kay Amy.

Gayunman, hindi direktang humingi ng paumanhin si Guinto kay Amy, at hindi rin niya binanggit ang TV host sa kanyang official statement.

Sa statement, maayos na sinagot ng LTO director ang tanong ni Amy tungkol sa panganib na posibleng maidulot ng car seat sa batang matangkad.

Mababasa sa pahayag ni Guinto: “I am sorry for the confusion I have caused with my remark, which was made in jest.

“I realize now that it was inappropriate.

“To clarify, if the child is above 4’11”, the child is exempted from using a child car seat under the law and may be secured using the regular seat belt," ani Guinto.

Continue reading below ↓

official statement from clarence guinto

VIOLATORS WILL BE FINED

Bukod sa paglalagay ng car seats para sa mga batang pasahero, binigyang-diin ng LTO na bawal maupo sa front seat, o sa tabi ng driver, ang mga edad 12 pababa.

Dapat na sa back seat lang ang mga bata, na may uupuang car seat bago pa kabitan ng seat belt para tiyaking ligtas ito sa anumang kapahamakan.

Continue reading below ↓

Ang mga motoristang lalabag sa Child Car Seat Law ay pagmumultahin ng PHP1,000 sa first offense, PHP2,000 sa pangalawa, at PHP5,000 at isang taong suspensiyon ng driver’s license sa pangatlo at mga susunod pang paglabag.

Ang mga lalabag namang manufacturer, distributor, importer, retailer, at seller ay pagmumultahin ng PHP50,000 hanggang PHP100,000 “for each and every child restraint system manufactured, distributed, imported, and/or sold,” ayon pa rin sa Child Car Seat Law.

NO APPREHENSIONS FOR NOW

Paglilinaw naman ni LTO Law Enforcement Service Deputy Director Roberto Valera, bagamat sisimulan na bukas ang pagpapatupad ng bagong batas, hindi pa raw manghuhuli ng mga violator o mag-iisyu ng ticket ang ahensiya sa susunod na tatlo hanggang anim na buwan.

Nakatuon daw muna kasi ang LTO sa information dissemination tungkol sa bagong batas, kaya magwa-warning muna sila.

“Instead of issuing tickets or show-cause orders for the violation, we will be in the warning mode as well as distribute information materials,” sinabi ni Valera sa media.

Continue reading below ↓

“We came up with a timeline which is between three to six months, that is when we will start our enforcement and apprehension of violators,” dagdag niya.

Kasabay ng pagte-training sa mga tauhan ng LTO na magpapatupad ng Child Car Seat Law, sinabi ni Valera na mag-iinspeksiyon na sila sa mga sasakyang nakapagkabit na ng child car seats.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya TV host Amy Perez (left) trends after reacting to Land Transportation Office (LTO) Director Clarence Guinto (right) telling her "laki-lakihan mo sasakyan mo" if she happened to have a tall 12-year-old child.
PHOTO/S: @jeffcanoy on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results