Watch Now

Lani Misalucha seeks Raffy Tulfo's help over stolen Lyka gems, Bigo beans

by Arniel C. Serato
Feb 1, 2021
Lani Misalucha Raffy Tulfo
Lani Misalucha airs grievances against former administrator of her Lyka and Bigo apps who allegedly stole her gems and beans.
PHOTO/S: Courtesy: @lanimisalucha on Instagram

Dumulog ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha kay Raffy Tulfo sa programa nitong Wanted Sa Radyo ngayong Lunes, February 1.

Inakusahan ni Lani ng pagnanakaw ang dating admin ng kanyang dalawang social media apps na Lyka at Bigo.

Ayon kay Lani, inilipat umano ng dati niyang admin na si Maynard Oliver Vergara sa account nito ang naipong gems at beans ng singer.

lani misalucha, raffy tulfo, maynard oliver vergara

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Lyka ay isang uri ng social media application na ang likes sa bawat post ng user ay tinatawag na gems. Ang bawat gem ay may katumbas na halagang piso.

Ang Bigo naman ay live-streaming platform kung saan maaaring bigyan ang streamer ng kanyang viewers ng beans.

Ang beans kapag naiipon ay tatawagin namang diamonds. Ang isang diamond ay nagkakahalaga ng P17.00.

LANI’S COMPLAINTS

Ayon kay Lani, noong October 2020 ay sinabihan siya ni Maynard na i-pull out na niya ang naipong gems at beans upang ma-encash at maibigay na sa kanya.

Pumayag naman daw si Lani dahil malaki ang maitutulong nito para sa gamutan nilang mag-asawa dahil sa pagkakaospital nila sa sakit na bacterial meningitis.

Pero mula noon hanggang ngayon ay hindi pa raw naibibigay sa kanya ng dating admin ang pera.

Nagtaka raw si Lani noon kung bakit hindi na siya nakakatanggap ng notifications mula sa nasabing apps na dati naman ay may natatanggap siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpapadala ang Lyka at Bigo ng notifications sa registered number ng account.

Nang tsinek daw ito ni Lani, hindi na number niya ang nakalagay dun. Pinalitan daw ito ng dating admin.

May access daw si Maynard sa accounts ni Lani kaya posibleng inilipat nito ang gems at beans ng singer sa kanyang sariling account.

Saad pa ni Lani, “Hindi natin alam baka na-encash niya na nga kasi hindi ko naman po nakikita kung ano na ang ginawa niya dun, e. Pero mukhang wala na din siyang gems sa kanyang account.”

Mula nang nagsimulang gumamit ng Lyka si Lani, hindi pa raw siya nakakagamit ng gems dito dahil nakuha na raw lahat ng dati niyang admin.

Umabot daw sa 73,000 gems sa Lyka at 32,000 beans sa Bigo ang natangay ni Maynard.

Binigyan daw ni Lani ng ultimatum si Maynard na dapat by February 6 ay naka-logout na ito sa kanyang account at maibalik na sa kanya ang lahat ng kinuha nito. Ito ay matapos daw nitong deadmahin ang mga inutusang tao ni Lani na makipag-ayos sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakilala raw ni Lani si Maynard dahil minsan itong nag-book ng kanyang show, pero hindi pa raw matagal niya itong kakilala.

Inamin naman ni Lani na mabilis siyang nagtiwala at hindi niya ito inaasahang manloko sa kanya.

“At 'yan talaga ang isang mali ko, na nag-trust ako sa kanya.

"Ang ano ko naman dito ay sana wala na siyang mapagawan ng ganyan dahil po meron pa rin siyang pinagkakautangan na isa na hanggang ngayon ay hindi pa niya nabayaran.”

Mensahe niya sa dating admin: “Maynard, alam mo madali talaga akong mag-trust only because alam ko at inaasahan ko na ang mga tao ay hindi dapat gumagawa ng kalokohan.

"Maynard, I gave you my trust. Alam ko na supposedly ginagawa mo na i-encash yung mga beans ng Bigo at mga gems ko sa Lyka.

"Sinabi mo na asikasuhin mo 'to, pero imposible na hindi mo magawa sa madaling panahon."

Sa ngayon ay nagtatago na raw ito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RAFFY GIVES LANI CASH AID

Sa ngayon daw ay sumagi na sa isip ni Lani na magsampa ng reklamo laban sa dating admin.

Tutulungan naman daw sila ng programa ni Raffy kung magsampa daw siya ng reklamo sa korte.

Nagpasintabi naman si Rafy nung alukin niya ang singer na papalitan niya ang halagang nawala sa kanya na umabot sa P105,000.

Ayon kay Raffy, para ito sa patuloy na pagpapagamot nilang mag-asawa sa dumapong sakit.

Ikinagalak naman ni Lani ang gesture ni Raffy at nagpasalamat siya sa tulong ng brodkaster.

Kinukontak ng programa ni Raffy si Maynard ngunit binabaan daw sila ng telepono nito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lani Misalucha airs grievances against former administrator of her Lyka and Bigo apps who allegedly stole her gems and beans.
PHOTO/S: Courtesy: @lanimisalucha on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results