Randy Santiago recalls MTB days with Willie Revillame, John Estrada: “Lagi kaming suspended ng MTRCB.”

by Arniel C. Serato
Feb 1, 2021
Willie Revillame 60th birthday celebration
Former Magandang Tangahali Bayan (MTB) hosts Randy Santiago, Willie Revillame, and John Estrada reunite at Willie's 60th birthday celebration.
PHOTO/S: Courtesy: @randysantiagoofficial on Instagram

Nagkita-kita muli ang magkakaibigan at tinaguriang “tatlong itlog” ng noontime show na sina Randy Santiago, John Estrada, at Willie Revillame.

Nangyari ito noong Biyernes, January 29, sa selebrasyon ng ika-60 kaarawan ni Willie.

Noong January 27 pa ang opisyal na pagiging senior citizen ni Willie, pero ang selebrasyon ay ginanap dalawang araw makalipas nito.

Sa Instagram, nagbahagi si Randy ng larawan nilang tatlo nina Willie at John.

Nagkasama noon ang tatlo sa Magandang Tanghali Bayan (MTB), ang dating noontime show ng ABS-CBN na umere mula 1998 hanggang 2001.

Sa caption, sinabi ni Randy na matagal na silang hindi nagkikita-kita pero sa mahahalagang okasyon ay nagsasama-sama pa rin sila.

Aniya, “Pagkatagal tagal naming hindi nagkita-kita at sa mga mahahalagang okasyon ay sinisiguro naming magsama-sama.

“Sa pagkakataong ito ay ipinagdiriwang namin ang ika-60 na kaarawan ng aming kapatid na Willie.

“Maligayang Bati “Kuya Wil” We Love You.”

“KUWENTUHANG WALANG KATAPUSANG TAWANAN”

Isa pang larawan ang in-upload ni Randy sa Instagram.

Continue reading below ↓

Sa pagkakataong ito, kasama na nilang tatlo sa larawan si Bobot Mortiz, ang direktor at mentor nila sa defunct noontime show.

Saad ni Randy, masarap balikan ang mga tawanan, kalokohan, at ang madalas na pagkakasuspinde nila bilang hosts ng show dahil sa kanilang mga kalokohan at biruan.

Lahad niya, “MTB Boys kasama ang aming mentor, Direk Bobot. Sarap balik-balikan ang aming mga pinagsamahan.

“Mga panahong tumatawa sa mga nakakatuwang kalokohan sa MTB at umiiyak dahil lagi kaming suspended ng MTRCB.

“Kuwentuhang walang katapusang tawanan.

“Happy 60th Birthday kapatid na Willie.”

August 1999, sinuspende ng management ng Kapamilya network ang tatlo matapos silang warningan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa “vulgar words” sa segment na “Calendar Girl.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Magandang Tangahali Bayan (MTB) hosts Randy Santiago, Willie Revillame, and John Estrada reunite at Willie's 60th birthday celebration.
PHOTO/S: Courtesy: @randysantiagoofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results