VP Leni Robredo apologizes to Rachel Alejandro over viral “Nasaan ang bise presidente” post: “Nakakahiya… nadamay ka”

by Jet Hitosis
Feb 2, 2021
Rachel Alejandro Leni Robredo
Vice President Leni Robredo (right) says she got "confused" after receiving the screenshot of the now-viral post featuring a photo of singer Rachel Alejandro (left) but captioned with "Nasaan ang bise presidente?", which clearly refers to her.
PHOTO/S: @rachelalejandro, @lenirobredo on Instagram

“Kalma lang po. Hindi ako yan.”

Ganito ang naging paglilinaw ni Vice President Leni Robredo sa isang viral post, na bagamat “nasaan ang bise presidente” ang nasa caption ay ginamitan ng litrato ni Rachel Alejandro.

Nitong Lunes, February 1, ibinahagi ni Robredo, 55, ang nabanggit na post sa kanyang personal Facebook page.

Aminado ang opisyal na “initially confused” siya kung bakit napakaraming kakilala ang nag-forward ng post na iyon sa kanya.

Tampok kasi sa post ang screenshot ng Instagram feed ni Rachel, 46, habang nagbabakasyon ang singer sa El Nido, Palawan.

Saad sa caption ng post (published as is): “Nasaan ang bise presidente? Busy naman pala sa Palawan. Ughhh [angry face emoji]”

Lumalabas na ang malaking pagkakahawig ni Rachel kay Robredo sa nabanggit na litrato ang binibigyang-diin sa nabanggit na post.

Paglilinaw ni Robredo: “Kalma lang po. Hindi ako yan.

“Andito po ako sa opisina, wala sa Palawan [laughing with tears emoji]”

Continue reading below ↓

Ang opisina ng bise presidente ay nasa New Manila, Quezon City.

Sa huling bahagi ng post, nag-sorry si Robredo kay Rachel, kalakip ang isang praying hands emoji.

Sabi ni Robredo: “Ako na po humihingi ng paumanhin kay Rachel Alejandro.”

RACHEL: “I GOT SO MANY COMMENTS THAT I LOOK LIKE YOU”

Nagkomento si Rachel sa post na ito ng bise presidente.

Continue reading below ↓

Ayon sa singer, marami nga raw ang nakapansin na “I look like you” matapos niyang i-post ang litratong iyon sa Instagram.

“Napa-smile nalang ako [winking face with tongue],” sabi ni Rachel.

Biro pa ni Rachel, pwedeng-pwede raw pala siyang gumanap sa papel ng bise presidente sakaling isasapelikula ang buhay nito.

Continue reading below ↓

“Basta pag may movie tungkol sa buhay niyo, may idea na kayo sino ang puedeng mag-portray [squinting face with tongue].”

Ayon kay Rachel, hindi pa sila personal na nagkakakilala ni Robredo, pero “let me use this opportunity to thank you for all that you do.”

LENI TO RACHEL: “PASENSIYA NA, NADAMAY KA”

Sinagot ni Robredo ang komentong ito ni Rachel.

Muli siyang nag-sorry sa singer.

“Nakakahiya sayo, Rachel,” sabi ni Robredo.

“Pasensiya na, nadamay ka.”

Nagpasalamat din ang opisyal sa singer “for being gracious about it.”

Dagdag pa ni Robredo: “But I am so flattered to be compared to you [heart emoji].”

Libu-libo ang nakuhang likes ng palitan na ito ng mensahe nina Robredo at Rachel.

rachel alejandro viral comment, leni robredo reply

Continue reading below ↓

NETIZEN CLARIFIES VIRAL POST IS “PURE SARCASM JOKE”

Samantala, nagbigay ng statement sa ABS-CBN News ang lalaking netizen na pinagmulan ng viral post.

Sa report ng ABS-CBN, kinilala ang netizen bilang si Mark Raven Dominguez, isang nurse.

Ayon kay Dominguez, “pure sarcasm joke” ang post niyang iyon.

Malinaw naman daw na nagbibiro lang siya dahil kitang-kita na ang litratong ginamit niya ay screenshot ng Instagram feed ni Rachel.

Gayunman, hindi raw na-gets ng netizens ang biro niyang iyon.

Nagulat na lang daw si Dominguez na nag-viral ang kanyang post—at lalo siyang nabigla na nakarating pa iyon kay Vice President Robredo.

“I just want to say that’s a pure sarcasm joke,” paliwanag ni Dominguez.

“I just want to chill from our toxic political insights.

“I know that’s Miss Rachel Alejandro first-hand because that was clearly her Instagram feed.”

NOTHING POLITICAL

Paglilinaw pa ni Dominguez, wala raw halong pulitika ang post niyang iyon.

Continue reading below ↓

Kailangan daw niyang klaruhin ang bagay na iyon matapos siyang makatanggap ng mga komento at private messages na nag-aakusa sa kanya ng paninira sa bise presidente.

“And I just want to make clear things that I am not a DDS or Dilawan or such,” quoted ng ABS-CBN News si Dominguez.

Ang "DDS" o Diehard Duterte Supporters ay mga masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"Dilawan" naman ang taguri sa supporters ng mga partido ng oposisyon, ang Liberal Party, na pinamumunuan ni Robredo.

Dilaw kasi ang kulay na isinisimbolo ng Liberal Party.

“I don’t have any political colors, I know what is just and right," giit ni Dominguez.

Humingi rin ng paumanhin si Dominguez kina Robredo at Rachel sa kalituhang naidulot ng post niyang iyon.

Wala raw siyang ganoong intensiyon.

“Sorry if I offended them,” sabi ni Dominguez.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice President Leni Robredo (right) says she got "confused" after receiving the screenshot of the now-viral post featuring a photo of singer Rachel Alejandro (left) but captioned with "Nasaan ang bise presidente?", which clearly refers to her.
PHOTO/S: @rachelalejandro, @lenirobredo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results