Meryll Soriano, Joem Bascon spread "kilig" vibes in hugging photo

by Arniel C. Serato
Feb 2, 2021
Meryll Soriano Joem Bascon relationship
Meryll Soriano posts hugging photo with partner Joem Bascon: “February starts now.”
PHOTO/S: Courtesy: @PLANETUMEBOSHI ON INSTAGRAM

Mula nang isapubliko nila ang kanilang bagong nabuong pamilya, patuloy si Meryll Soriano sa pagbabahagi sa social media ng sweet moments nila ni Joem Bascon.

Nitong pumasok ang buwan ng mga Puso, February 1, nag-post si Meryll ng sweet na sweet na larawan nila ng nakabalikang nobyo.

Makikita ritong nakayakap ang aktres mula sa likuran ng aktor .

Nakapikit pa ang mga mata ni Meryll na tila ninanamnam ang init ng pagmamahalan nila.

Base sa background ng larawan ay kuha ito sa isa sa mga biyahe nila sa bansang Japan.

Sabi ni Meryll sa caption, “February starts now.”

Sa kanyang Instagram Stories ngayong araw, February 2, ipinakita naman ni Meryll si Joem habang nagpapadede sa anak nila.

Bagamat feeding bottle ang gamit ni Joem ay breast milk mula kay Meryll ang ipinapadede nila sa sanggol.

Mahalaga raw ito kapag sasabak na sila pareho sa trabaho o sa mga araw na pareho silang abala.

Continue reading below ↓

Bahagi ng caption ni Meryll, “PREPARING FOR TIMES THAT WE HAVE WORK OR HECTIC DAYS.”

instagram story: Meryll Soriano posts photo of joem bascon with baby

Ibinahagi rin ni Meryll ang selfie nila ng kanyang bagong silang na sanggol.

instagram story: meryll soriano selfie with baby

Continue reading below ↓

THE LOVE STORY OF MERYLL AND JOEM

November 2019, naiulat sa PEP Troika na mukhang nagkakamabutihan muli ang dalawa matapos umalingawngaw ang balitang naghiwalay na si Joem at ang live-in partner nitong si Crisha Uy.

Sinundan pa ito ng pagsasama nina Meryll at Joem sa Metro Manila Film Festival entry na Culion noong December 2019.

Nagkasama rin ang dalawa sa defunct ABS-CBN prime-time series na Starla.

January 1, 2020, naiulat ding sa bahay nina Meryll nagdiwang ng Bagong Taon si Joem.

Noong madaling-araw ng Bagong Taon, January 1, 2021, nag-post si Meryll ng bagong larawan nila ni Joem.

Pagkumpirma na rin itong nagkabalikan na nga sila at nakabuo na ng bagong pamilya.

Dito sinabi ni Meryll na mayroon na silang anak ni Joem.

Mensahe niya sa caption: “2021! May this year be kinder to us all. May we all find peace, joy and love.

“New year, new hopes, new positive outcomes.

Continue reading below ↓

“Happy New Year from our family to yours!”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meryll Soriano posts hugging photo with partner Joem Bascon: “February starts now.”
PHOTO/S: Courtesy: @PLANETUMEBOSHI ON INSTAGRAM
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results