John Lloyd Cruz's next project? A tricycle booking app

Feb 2, 2021
John Lloyd Cruz Trike Now booking app
Kapamilya superstar John Lloyd Cruz on February 1 presents his own tricycle booking application project to the local government officials of Cabuyao City, Laguna.
PHOTO/S: CIO Cabuyao on Facebook

Paglulunsad ng sarili niyang tricycle booking application ang latest project ni John Lloyd Cruz.

Tatawaging “Trike Now” ang tricycle booking app na planong ilunsad ng 37-year-old Kapamilya actor sa Cabuyao City, Laguna.

Nitong Lunes, February 1, personal na iprinisinta ni John Lloyd sa mga opisyal ng siyudad ang kanyang Trike Now project.

Ayon sa pahayag ng City Information Office (CIO) ng Cabuyao, tinalakay ng aktor ang sariling proyekto sa harap ni Cabuyao Mayor Rommel Gecolea.

Naroroon din ang actor-turned-politician na si Laguna 1st District Representative Dan Fernandez at ang mga opisyal ng tricycle operators and drivers’ association (TODA) ng Cabuyao para pakinggan ang project proposal ni John Lloyd.

Ang mga litratong kuha sa project presentation ni John Lloyd ay naka-post sa Facebook page ng Cabuyao CIO.

Continue reading below ↓

Nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamahalaang lungsod ng Cabuyao upang malaman kung ano ang status ng proyektong iprinisinta ni John Lloyd para sa lungsod.

Gayunman, wala pa kaming nakuhang tugon hanggang sa mailathala ang report na ito.

JOHN LLOYD IS BACK TO DOING MOVIES

Bukod sa paglulunsad ng app na magpapadali sa pagsakay sa tricycle para sa mga taga-Cabuyao, kumpirmadong balik-showbiz na si John Lloyd.

January 27, 2021 nang kinumpirma ni Direk Olivia Lamasan, managing director ng ABS-CBN Films, na tuloy na tuloy na ang pagbabalik-pelikula ni John Lloyd ngayong taon.

Reunion movie nila ni Bea Alonzo ang nakatakdang gawin ni John Lloyd, at may titulo itong No Goodbyes.

Ayon kay Direk Olive, magsisimula na ang produksiyon ng pelikula sa “first quarter of this year.”

Sabi ni Direk Olive: “It’s a collaboration with John Lloyd himself and Bea.

“So tuloy iyan, tuloy ang project.

“That’s one of the big projects that we have this year.”

Continue reading below ↓

Ito ang hudyat ng pagbabalik-showbiz ni John Lloyd, na naka-indefinite leave sa Star Magic—ang talent management agency ng ABS-CBN—simula noong October 2017.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya superstar John Lloyd Cruz on February 1 presents his own tricycle booking application project to the local government officials of Cabuyao City, Laguna.
PHOTO/S: CIO Cabuyao on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results