Vice Ganda greets boyfriend Ion Perez's mother on her birthday: “I love Nanay Zeny!!!”

by Arniel C. Serato
Feb 3, 2021
Vice Ganda Ion Perez mother birthday
Vice Ganda (left) sends his sweetest greeting to boyfriend Ion Perez's (right) mother Zeny Perez (center) on her birthday today, February 3.
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin / @pereiion27 on Instagram

Proud na binati ni Ion Perez ang kanyang inang si Zeny Perez sa kaarawan nito ngayong araw, February 3.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Ion ng larawan nila ng ina na kuha noong kinoronahan siyang Mister Universe Tourism 2018.

Nakalagay sa caption: “Basta ako mahalko nanayko! Happy birthday nay! I love.”

Una namang nagkomento rito ang partner ni Ion na si Vice Ganda.

Sabi ni Vice sa ina ng kanyang boyfriend: “I love Nanay Zeny!!!”

Vice Ganda birthday greeting to Ion perez mom

Continue reading below ↓

Noong July 2019, ipinakilala ni Ion si Vice sa kanyang mga magulang at kamag-anak sa Tarlac.

December 2019, nagkuwento si Vice tungkol sa magandang trato sa kanya ng pamilya ni Ion. Ramdam daw niya ang pagmamahal at pagtanggap ng mga ito sa kanya.

Aniya, “Kasi ang pamilya niya talaga ang saya-saya at ang bait-bait. Mahal ako ng pamilya niya.”

MOST HURTFUL COMMENT

Nitong Enero 2021 lamang, inilahad ni Ion sa pamamagitan ng vlog ni Vice ang pinakamasakit na komentong nabasa niya matapos nilang aminin ang kanilang relasyon sa publiko.

Ayon kay Ion, labis siyang nasaktan na sinabihan siya ng mga taong mukhang pera ang nanay niya.

Tila ang pinalalabas ng mga nagkomento ay pera lang ang habol ng pamilya ni Ion kaya pinapayagan ng mga itong magkarelasyon ang binata kay Vice, na isa sa pinakasikat na TV host-comedian sa bansa.

Sabi niya, “Yung sinabihan din yung nanay ko na ano, na mukhang pera.

Continue reading below ↓

“'Yon yung pinakamasakit sa akin. Sa akin, okay lang, e, tanggap ko yun, e.

“Pero yung sa nanay ko, parang ano, e, nakasama ko yun, alam ko naman 'yon nun, e, nakasama ko sa hirap, e.

“Hindi naman ganun, 'yon yung pinakamasakit na narinig ko sa tao.

“Na sinabi nila na mukha daw pera nanay ko.”

Ngayon daw ay tinatawanan na lamang ni Ion kapag may mga narinig pa siyang ganitong komento.

Hindi katulad noon na labis niyang dinaramdam ang mga ganitong klaseng akusasyon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda (left) sends his sweetest greeting to boyfriend Ion Perez's (right) mother Zeny Perez (center) on her birthday today, February 3.
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin / @pereiion27 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results