Heart Evangelista denies stalking her ex-boyfriends: “Sila siguro char”

by Bernie V. Franco
Feb 5, 2021
Heart Evangelista gives her point of view on cheating: “You wanna cheat gawin mo na wag mo na patagalin pa – para exit."
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram

Nilinaw ni Heart Evangelista, 35, na hindi niya ini-stalk ang mga dati niyang boyfriends.

Katwiran ni Heart, baka ang mga ex niya ang nang-i-stalk sa kanya. May isa raw kasi siyang ex-boyfriend na nag-like ng kanyang post sa Instagram.

Ipinost ng Kapuso actress ang mga pahayag na ito sa kanyang question-and-answer session sa Instagram ngayong Biyernes, February 5.

Tanong ng isang netizen: “Do you sometimes check/stalk your ex?

Ikinuwento ni Heart ang karanasan niya sa dating boyfriend.

Post niya (published as is): "Sila siguro char – na like pa nga accidentally ng Isa pic ko – and he doesn’t follow me .

“Medyo naloka ako. buti nalang cutie pic ko with a dog [laughing face, monkey covering eyes emoji]”

Sinundan niya ito ng seryosong sagot kalakip ng picture ng kanyang mister na si Sorsorgon Representative Chiz Escudero.

Sabi ni Heart, dahil sa kanyang asawa ay nagmumukhang alikabok sa kanya ang ibang lalaki.

Continue reading below ↓

“My answer is NO [smiley] If you marry someone as amazing as this guy ? the others are just dust particles in outer space . thank you lord napakahusay mo sa turn of events”

heart evangelista reply to question if she stalks her ex-boyfriend

Kabilang sa mga dating nakarelasyon ni Heart ay sina John Prats, Jericho Rosales, at Daniel Matsunaga.

Continue reading below ↓

HEART’S VIEW ON CHEATING

Nagbigay rin ng kanyang pananaw si Heart pagdating sa panloloko sa relasyon.

Matapang ang pahayag ng aktres.

Paniniwala niya, kung tunay na lalaki ang karelasyon, hindi na ito dapat sabihang huwag manloko.

Kapag nanloko raw, tapusin na ang relasyon.

“We should stop nagging our partners to be a certain way – let who they are come through .

“You wanna cheat gawin mo na wag mo na patagalin pa – para exit .

“Don’t waste your prime years on someone that will cheat on you anyway . What’s the point of making him “pigil”

“If he’s a real man – Ganda ka lang no need to stress about these things . Don’t waste your time .”

Sunod-sunod pa ang one-liners na ipinost ni Heart sa kanyang Instagram Story tungkol sa cheating.

Nalalaman daw ng babae kung niloloko siya ng karelasyon nito.

Hindi rin daw dapat pag-aksayahan pa ng panahon ang karelasyon kapag nanloko ito.

Continue reading below ↓

Narito ang one-liners ni Heart:

“A woman knows if her man is cheating”;

“Don’t give him time of day”;

“Once a cheater always a cheater .”;

“Self worth”;

“Where there’s smoke there’s fire; at

“Tatanda ka Lang diyan”

heart evangelista stance in cheating

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista gives her point of view on cheating: “You wanna cheat gawin mo na wag mo na patagalin pa – para exit."
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results