Angelica Panganiban posts new photo with boyfriend Gregg Homan; brings mom to his hometown in Subic

by Rachelle Siazon
Feb 6, 2021
Angelica Panganiban posts a video of her mom Annabelle getting instructions from Gregg Homan on how to drive a motorboat as they cruise around Subic Bay.
PHOTO/S: @iamangelicap Instagram

Abot-tainga ang matamis na ngiti ni Angelica Panganiban at ng non-showbiz boyfriend niyang si Gregg Homan.

Biyernes ng gabi, February 5, ibinahagi ni Angelica sa Instagram ang litrato nila ni Gregg na kuha sa Subic Bay.

Ito ang unang pagkakataong malinaw ang couple picture nila at matutukoy na si Gregg nga ang nobyo ng Kapamilya actress.

Si Gregg ay natukoy na may-ari ng kumpanyang nagdidisenyo, gumagawa, nagbebenta, at nagpaparenta ng boats at water crafts sa Subic.

Kasama nila ang kanilang alagang aso na pinangalanang Roxy.

Baby raw ng magkasintahan si Roxy.

Cute ang pose ng aso na naipit sa gitna nina Angelica at Gregg, na close na close sa kanilang pagkakaupo sa isang watercraft.

Caption ni Angelica, "Dad, Mom, make space for me? ‘Cause I’m the cutest' - Roxy"

angelica panganiban, gregg homan and pet dog roxy

Continue reading below ↓

Noong November 2020 unang naiulat ang pagkakaugnay ni Angelica kay Gregg.

January 1, 2021 naman nang kumpirmahin ni Angelica na masaya ang kanyang love life sa pagpasok ng Bagong Taon.

Ipinost pa noon ni Angelica ang kissing photo nila ni Gregg.

ANGELICA'S MOM BONDS WITH GREGG

Base sa Instagram Stories ni Angelica nitong February 5, boto rin kay Gregg ang adoptive mother ng aktres na si Annabelle Panganiban.

Isinama kasi ni Angelica sa Subic si Annabelle na nagdiwang ng kaarawan nito noong February 3.

Sa isang video clip, makikitang nag-enjoy si Annabelle habang tinuturuan ito ni Gregg na magmaneho ng motorboat.

"Balik niyo na po. Iyan. Para dumiretso," saad ni Gregg na binibigyan ng instruction si Annabelle.

Tuwang-tuwa naman ang ina ni Angelica.

Hirit ni Annabelle, "Ano ka ba? Angel, bili mo ako nito. Ayoko na ng kotse."

Napahalakhak naman si Angelica na siyang nagbi-video sa ina.

May mga kasama rin silang napatawa habang pinanonood si Annabelle.

Continue reading below ↓

angelica mom annabelle with pet dog roxy

ANGELICA'S CELEBRITY FRIENDS

Ikinatuwa naman ng mga kaibigang artista ni Angelica na makitang masaya ang love life ng aktres.

Ilan sa mga nag-react ng heart emoji ay sina Bea Alonzo, Maja Salvador, Melai Francisco, at Nadia Montenegro.

Lovestruck emojis ang comment ng bagong Kapamilya actress na si Janine Gutierrez.

Continue reading below ↓

Pinansin naman ni Barbie Imperial ang pagiging blooming ni Angelica, "Ganda talaga ng ate ko oh!!!"

angelica celebrity friends react on the photo

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban posts a video of her mom Annabelle getting instructions from Gregg Homan on how to drive a motorboat as they cruise around Subic Bay.
PHOTO/S: @iamangelicap Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results