"Buntis na ba?" Netizens ask if Jericho Rosales's wife Kim Jones is pregnant

by Bernie V. Franco
Feb 7, 2021
Netizens speculate if Kim Jones, Jericho Rosales's wife, is pregnant after the actor recently posted a video showing Kim who seems to have a baby bump.
PHOTO/S: @jerichorosalesofficial on Instagram

"Buntis na ba?"

Ito ang tanong ng netizens matapos i-post ng aktor na si Jericho Rosales, 41, ang isang video sa tabing-dagat kasama ang misis niyang si Kim Jones, 33.

Kasama ng dalawa ang kanilang mga alagang aso.

Sa simula ng video, mapapanood ang tumatakbong golden retriever. Habang kumukuha ng video, hawak ni Jericho ang dulo ng dog leash.

Sinalubong si Jericho at ang golden retriever ng dalawang nakataling beagle, na hawak naman ni Kim.

Naka-face mask si Kim at nakabestida ng light ang kulay.

Maririnig si Jericho na sinabing “Hi, guys. Hello, fam,” at nagkumpulan ang mga aso.

Ipinaling ng aktor ang camera kay Kim, sa dagat, at sa sunset.

Ilang segundo lamang ang video at mabilis ang kuha sa mga tampok dito, pero hindi nakaligtas sa mga mapagmasid na netizens na tila matambok ang tiyan ni Kim.

Kapansin-pansin ding malakas ang hangin, kaya may posibilidad na hinangin lang ang damit ni Kim kaya nagmukhang matambok ang bahagi ng tiyan nito.

Continue reading below ↓

Hindi na mapapanood ang video, pero ipinost ito sa social media.

Sa kabila nito, nagtanong ang netizens kung buntis na nga ba si Kim.

video clip: kim jones with dogs

video clip: kim jones baby bump

Continue reading below ↓

Tugma sa video ang pinakahuling post ni Jericho ilang araw lang ang nakararaan.

Larawan ito ng golden retriever na nakatanghod sa dagat at sunset.

Makikitang katabi ng aso ang binti ni Jericho na nakasuot ng pantalon at sapatos.

Batay sa comments ng ilan, kinunan ito sa La Union, kung saan madalas mag-surf ang mag-asawa.

NETIZENS' COMMENTS

Nag-iwan ng mga komento ang netizens at inusisa si Jericho kung nagdadalantao na ba si Kim.

“Is the wifey preggy?” tanong ng isang netizen.

“Wow baby soon???” sabi ng isa pa.

May isa namang ang comment ay emojis ng babaeng may baby bump at mukha ng baby.

“I hope the rumor is true that @kimcamjones is expecting” komento ng isa pa.

May iba nanang nag-assume: “Sana baby gurl yan!!! Congratulations @kimcamjones [heart emoji] @jerichorosalesofficial [heart emojis]”

“Parang preggy na po ang beautiful wife mo God bless your family,” sabi naman ng isa pa.

netizens speculate if kim jones is pregnant

Continue reading below ↓

netizens speculate if kim jones is pregnant

netizens speculate if kim jones is pregnant

Continue reading below ↓

netizens speculate if kim jones is pregnant

netizens speculate if kim jones is pregnant

Continue reading below ↓

THROWBACK PHOTO

Pero bago ng video na ito, may Instagram post si Jericho noong January 28.

Inakala ng ibang netizens na may special announcement na gagawin si Jericho batay sa caption ng actor.

Ipinost kasi ni Jericho ang larawan nila ng asawa.

Kuha ang photo sa isang open field. Nakaputi si Kim habang kaharap si Jericho na nakasuot ng motorcycle gear at katabi ang kanyang motor.

Lumalabas na throwback photo nila ito na kuha noong nakaraang taon.

Caption ni Jericho: “Thank you for all that you do for us. Including the best Chai tea latte.”

jericho rosales with wife kim jones

Continue reading below ↓

Sa comments section, may mga pahaging ang netizens kung indikasyon bang buntis na si Kim.

Komento ng isa, "buntis naba? congratulations"

Komento ng netizen, "Feeling ko" na sinundan ng baby emoji.

Ang iba naman, umaasang magka-baby na ang showbiz couple.

netizens give advance congratulatory messages for jericho rosales and kim jones

netizens give advance congratulatory messages for jericho rosales and kim jones

Continue reading below ↓

netizens give advance congratulatory messages for jericho rosales and kim jones

netizens give advance congratulatory messages for jericho rosales and kim jones

Continue reading below ↓

Walang sinagot si Jericho para kumpirmahin o itanggi kung totoo ang kanilang hinala.

Taong 2014 ikinasal sina Jericho at Kim.

Bagamat iniintriga na hindi pa sila nagkakaanak kahit ilang taon na silang kasal, sinabi noon ni Jericho na marami pa silang plano at gustong gawin ni Kim.

Hindi na raw nila magagawa ang mga gusto nilang gawin kapag may anak na sila, kaya't hindi nila minamadaling magkaanak.

Si Jericho ay may 20-anyos na anak, si Santino, mula sa dating nakarelasyon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens speculate if Kim Jones, Jericho Rosales's wife, is pregnant after the actor recently posted a video showing Kim who seems to have a baby bump.
PHOTO/S: @jerichorosalesofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results