Angelica Panganiban, Barbie Imperial jump in on "because" meme

by Arniel C. Serato
Feb 9, 2021
Angelica Panganiban Barbie Imperial because
Angelica Panganiban (left) posts her "naka-angat-angat" photo on Instagram last night, February 8, 2021. Fellow Kapamilya actress Barbie Imperial (right) teases her, "Blooming ka because???”
PHOTO/S: Courtesy: @iamangelicap / @msbarbieimperial on Instagram

Nakaabot na rin sa mga artista ang viral meme na “because” ni Kris Aquino.

Ilang araw nang pinagpipiyestahan sa social media ang nasabing meme na patok na patok sa panlasa ng netizens.

Kapag may posts sa Facebook or Twitter ang netizens, nagkokomento rito ang kanilang mga kaibigan o kakilala gamit ang "because."

Lunes ng gabi, February 8, nag-upload si Angelica Panganiban sa Instagram ng kanyang larawan kung saan lutang ang ganda niya.

Sabi ng aktres sa caption, “When I say NAKA ANGAT ANGAT? Say BECAUSE?”

Nagkomento rito ang mga kapwa niya Kapamilya stars na sina Anne Curtis at Barbie Imperial.

Sabi ng It’s Showtime host, “Ay!!! Gumanda ka lalo because?!!!!!”

anne curtis because meme

Continue reading below ↓

Hindi sumagot si Angelica sa komento ni Anne.

Kasunod na nagkomento si Barbie.

Sabi niya kay Angelica, “Blooming ka because???”

Sagot ni Angelica sa kanya, “@msbarbieimperial kasing arte mo ko because??”

barbie imperial because meme; angelica panganiban joins the viral meme

Ayon naman sa isang kakilala ni Angelica, “Pinuti mo lang kami.. Because? HAHAHAHA”

Tugon ng aktres, “na touch kasi ako.. because?”

Continue reading below ↓

angelica panganiban because meme

BECAUSE?

Ang viral na “because” meme ay galing sa interview ni Kris kay Kim Chiu sa show nitong Kris TV noong 2014.

Muli itong lumitaw sa social media sa kasagsagan ng “Bawal Lumabas” controversy ni Kim noong May 2020.

Makikita sa maiksing video ang interview ni Kris kay Kim kung saan paulit-ulit niya itong tinatanong ng “because” dahil hindi niya mabuo-buo ang kanyang sagot sa talk show host.

Continue reading below ↓

Mapapanood sa short clip ang sinabi ni Kim kay Kris na, “Siguro kaya ako naiiyak kasi... Uhm, naiiyak na naman ako."

Tanong ni Kris sa kanya, "Kasi?"

Tugon ni Kim, "Siyempre, na-touch ako sa... Ano ba iyan!"

Nais man ni Kim na buuin ang kanyang sagot, pero patuloy pa rin siyang umiiyak.

Pagpapatuloy ni Kris, "Na-touch ka because?"

Ani Kim, "Siyempre, pag-uwi sa house, ganito. Siyempre, tao lang. My gosh, ayoko na!"

Saad ni Kris, "Oh, noong umuwi ka sa house?"

Pagpapatuloy ni Kim, "Iyon nga, nabasa ko iyong mga fans na, 'Okay lang iyan, nandito lang kami.'"

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban (left) posts her "naka-angat-angat" photo on Instagram last night, February 8, 2021. Fellow Kapamilya actress Barbie Imperial (right) teases her, "Blooming ka because???”
PHOTO/S: Courtesy: @iamangelicap / @msbarbieimperial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results