Vice Ganda on “walang iwanan” promise of It’s Showtime family: “May umalis.”

by Bernie V. Franco
Feb 10, 2021
Vice Ganda (left) and other hosts of It's Showtime asked about "loyalty" and their promise to one another that they will stick together no matter what. Direk Bobet Vidandes (right) left the show in 2020 after 11 years.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN)

Nagsalita sina Vice Ganda, Karylle, at Jhong Hilario tungkol sa walang iwanan at loyalty ng kanilang pamilya sa It’s Showtime.

Nagsimula ito nang matanong ang tatlong hosts kung ano ang masasabi nila nang mag-tweet si Anne Curtis para klaruhing hindi niya iiwan ang ABS-CBN noontime show.

Isang taon nang wala sa It’s Showtime si Anne mula nang lumipad siya sa Australia para sa pagsilang ng anak nila ng asawang si Erwan Heussaff at tutukan ang buhay pamilya.

Pero sa tweet niya noong Enero 2021, tiniyak ni Anne: “I will never leave It’s Showtime. Been with them since day 1 and will be [with] them until the day comes that the show has to say goodbye.

“But for now, mummy duties lang ako.”

Natanong sina Vice, Karylle, at Jhong tungkol sa tweet ni Anne sa virtual press conference ng "Tawag Ng Tanghalan" (TNT) noong January 30.

Si Vice ang unang sumagot.

Continue reading below ↓

Aniya, “That’s very Anne Curtis. Because Anne Curtis is the kind of person that will never leave her family.”

May diin ang bigkas ni Vice sa mga huling salitang sinambit.

Sundot na tanong, napagkasunduan ba nilang “walang iwanan”?

Si Karylle ang sumunod na sumagot. Sabi ng singer-host, hindi na ito kailangang sabihin.

“Parang it’s one of those things that goes without saying. I mean, mga loyal naman talaga. Makikita mo naman.

“Lalo na si Anne na, she will really verbalize it. Na talagang, ‘Eto, pangako. Itaga niyo sa bato.’

“Pero kahit hindi na sabihin, halatang-halata naman... may umaalis ba dito?

“Eto na yun,” ani Karylle, na ang ibig tukuyin ay wala nang iwanan kung sinuman ang natitira ngayon sa It’s Showtime staff.

Sambit pa niya, “This is our family.”

Sabat ni Vice kay Karylle, “Oy, may umalis, K,” at saka siya tumawa.

Sagot ni Karylle, “Ay. Eto na ‘yon,” pagtukoy sa bumubuo ngayon sa staff ng show.

Continue reading below ↓

Si Jhong ang huling sumagot. Nakisunod na lang siya sa mga tinuran nina Vice at Karylle.

“Second na lang ako sa sinabi ni Vice at saka ni Karylle!” natatawang sagot ng actor-dancer.

“Well, kasi si Anne, ganun talaga siya. Sobrang vocal niya pagdating sa Showtime family.

“And sobrang sinasabi niya talaga na mahal na mahal niya ang Showtime.

“Nami-miss na niya kami, actually. Dapat ata pauwi na siya pero siyempre dahil sa pandemic…”

Samantala, nabanggit ni Vice Ganda sa vlog niya noong February 7 na nangako ang pamilya ng It’s Showtime na “walang iwanan kahit anong mangyari.”

Bagamat walang binanggit na mga pangalan, alam ng publiko na sina Billy Crawford at Direk Bobet Vidanes ang umalis sa It’s Showtime.

Noong 2018 pa nilisan ni Billy ang Kapamilya noontime show, samantalang nabalita ang pag-alis ni Direk Bobet sa programa noong November 2020.

Coincidentally, si Billy ay main host ngayon ng TV5 noontime show na Laugh Out Loud (LOL), na katapat ng It’s Showtime.

Continue reading below ↓

Nang mag-resign si Direk Bobet sa It’s Showtime, napaulat na magiging consultant siya sa LOL.

VICE GANDA’S REVELATION ABOUT DIREK BOBET

Naging usap-usapan kamakailan ang rebelasyon ni Vice na na-offend siya nang umalis si Direk Bobet sa It's Showtime.

Ibinunyag ni Vice na umalis si Direk Bobet sa It’s Showtime nang walang maayos na paalam sa mga kasamahan niya.

Wala rin daw nakakaalam sa kanila kung ano ang rason ni Direk Bobet sa kanyang pag-alis.

Ani Vice, “naloka” siya dahil tila nabalewala ang higit isang dekada nilang samahan bilang pamilya.

vhong navarro, vice ganda, direk bobet vidanes, anne curtis in It's Showtime

Continue reading below ↓

It's Showtime hosts (L-R) Vhong Navarro, Vice Ganda, and Anne Curtis during the birthday celebration of Bobet Vidanes (second from left) on It's Showime in 2019.

Hindi rin daw natupad ang binitawan nilang pangakong walang iwanan kahit anong mangyari.

Bahagi ng sinabi ni Vice: “After 11 years, nanggaling pa iyon sa anniversary na meron pa tayong mga chikang 'walang iwanan kahit anong mangyari' sa opening.

“Di ba, may mga ganun-ganun tayo? 'Tapos, right after, a few days after the anniversary, biglang may maririnig kang parang... anong nangyari sa pangako?”

NETIZENS CALL OUT DIREK BOBET

Kung titingnan ang Instagram account ni Direk Bobet matapos niyang lumipat noong nakaraang taon, nagsunud-sunod na ang komento ng netizens.

Halo ang mga komento kaugnay ng kanyang pag-alis sa It’s Showtime: may mga nagtatanong, nalungkot, umintindi.

Narito ang ilang pabor sa direktor:

netizens urge not to judge direk bobet choice

Continue reading below ↓

netizens support bobet vidanes decision

Pero pinakamarami ang nanumbat at nagalit sa kanya.

Sinumbatan nila ang direktor dahil ito raw mismo ang nagsabi noong walang iwanan.

Sa mga komentong ito, may isang netizen na sinagot si Direk Bobet sa isang post niya noong December 2020.

Binatikos ng netizen ang direktor sa pag-iwan niya sa It’s Showtime at ABS-CBN: “Some people know how to stick to their promises, sadly you’re not one of them.”

Continue reading below ↓

Bagamat asset daw si Direk Bobet sa It’s Showtime, alam daw ng netizen na patuloy na magtatagumpay ang show at ang TV network kahit wala ang direktor.

Simpleng sagot ni Direk Bobet sa netizen: “duwag”

netizens slam direk bobet for leaving It's Showtime; direk bobet reacts

Ang ibang netizen, tinanong si Direk Bobet kung ang tinutukoy raw ba niya ay ang netizen o ang sarili.

Continue reading below ↓

Dahil sa bagong rebelasyon ni Vice, may mga komentong nadagdag at nagpahayag ng pagkadismaya sa pag-alis ni Direk Bobet sa show.

Narito ang ilang komentong kinontra ang pag-alis ng direktor sa It's Showtime:

netizens show dismay over direk bobet decision of leaving It's Showtime

netizens show dismay over direk bobet decision of leaving It's Showtime

Continue reading below ↓

netizens show dismay over direk bobet decision of leaving It's Showtime

netizens show dismay over direk bobet decision of leaving It's Showtime

Continue reading below ↓

December 12, 2020 pa ang pinakahuling post ni Direk Bobet at this writing.

Noong November 2020, ibinunyag ng entertainment columnist na si Cristy Fermin ang tungkol sa kanyang nalalaman kung bakit umalis si Direk Bobet sa It’s Showtime.

Inilahad ito ni Cristy sa kanyang radio show sa TV5.

Aniya, "Ang dahilan umano ay kinaltas ang kanyang sweldo at napakarami na raw pinagbabawal ang ABS-CBN ngayon.”

Samantala, wala pang pahayag si Direk Bobet kaugnay ng isyung ipinupukol sa kanya.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ng direktor hinggil sa isyu.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda (left) and other hosts of It's Showtime asked about "loyalty" and their promise to one another that they will stick together no matter what. Direk Bobet Vidandes (right) left the show in 2020 after 11 years.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results