Glaiza de Castro on friend Angelica Panganiban's new love life: "Finally, natagpuan din siya."

by Glenn Regondola
Feb 10, 2021
glaiza de castro angelica boyfriend
Glaiza de Castro (left) on friend Angelica Panganiban finding new love in the person of Gregg Homan (right): “It’s about time, deserved niya yun. Deserve na deserve niya yun.”
PHOTO/S: Glenn Regondola / @iamangelicap on INstagra,

Ikinatuwa ni Glaiza de Castro ang ginawang pag-amin ng kaibigang si Angelica Panganiban tungkol sa bagong boyfriend nitong si Gregg Homan.

“Very happy ako sa kanya, kasi deserved niya yun, e.

“Sabi ko sa kanya, ‘Amiga, may isang side ng reality. Siyempre, yung isang side ng realty, ito yung hindi nakikita ng tao.’

“Yung isa kasi, yung industry natin na reality din naman, kasi lumaki siya sa entertainment industry. Lumaki siya na umaarte siya.

"Pero time na rin, sabi ko sa kanya, na makita niya yung other side ng mundo na ginagalawan niya.

“Feeling ko ay mae-enjoy niya, kasi babalansehin ka niya.

“So, sa tingin ko, timing-timing lang talaga, e,” pahayag ni Glaiza nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa meeting para sa Girbaud apparel na ginanap sa Tropical Palace sa Tomas Morato, Quezon City, noong Lunes, February 8.

Patuloy ng Kapuso actress, “I mean, matagal, at siyempre, di mo naman ipipilit kung sino ang mami-meet mo.

Continue reading below ↓

“Ako, of all people, someone pa from not here.

“'Tapos nang malaman ko nga na may na-meet siya, sabi ko, ‘It’s about time.’”

Si Glaiza ay engaged na sa kanyang long-time Irish boyfriend na si David Rainey.

Ilang beses nang nabigo si Angelica sa pag-ibig, kaya umaasa si Glaiza na sana ay si Gregg na ang huling lalaki sa buhay ng matalik na kaibigan.

Saad ng actress-singer, “Basta, I’m very happy sa kanya na nagkaroon siya… na alam kong at peace siya sa relasyong ito.

“Finally, natagpuan din siya.

"Kasi, alam mo yung feeling na natagpuan siya, hindi siya yung naghanap.

“Kasi nung time na yun, alam kong hindi pa siya emotionally ready, e.

“So, very ano rin naman yung guy, very patient. Very understanding.

“At saka, alam mo yun, maganda rin naman na iba yung mundong ginagalawan.”

ANGELICA PANGANIBAN'S NEW BOYFRIEND

Kumusta naman ang bagong kasintahan ni Angelica, sa tingin ni Glaiza?

Continue reading below ↓

Ayon sa 33-year-old actress, “Sobrang chill lang. Sobrang chill na tao.

“Ang asikaso, sobrang madaling kausap. Nag-ano pa nga kami, mag-surf pa kami nun, e.

“So, talagang kinikilatis rin niya yung mga kaibigan. Tina-try niya ring i-win at saka kumonek.

“'Yan ang pinakaimportante… yung hindi lamang yung babae yung prospect mo, yung iintindihin, kundi pa yung mga taong nasa paligid niya.

“Kaya nung makita rin naming kung gaano niya kami asikasuhin, sinabi namin na, ‘Okey 'yan!’

“First impression ko sa kanya, magaan ang loob ko.

“Wala siyang oras na parang, 'So what kung…' wala siyang ganun.

“Lahat kami, pantay-pantay. Lahat walang ano… walang classification. Walang hierarchy, walang negative vibes akong naramdaman.

“Nag-jive sila. Kasi yung guy, swak sila sa ugali. Nagbabalanse sila.

“So, feeling ko talaga…” nakangiting sabi ni Glaiza, na ang ibig sabihin ay mukhang sina Angelica at Gregg na ang magkakatuluyan.

Sabi pa niya, “It’s about time, deserved niya yun. Deserve na deserve niya yun.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza de Castro (left) on friend Angelica Panganiban finding new love in the person of Gregg Homan (right): “It’s about time, deserved niya yun. Deserve na deserve niya yun.”
PHOTO/S: Glenn Regondola / @iamangelicap on INstagra,
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results