Marlo Mortel happy for former loveteam partner Janella Salvador

by Glenn Regondola
Feb 10, 2021
Marlo Mortel on Janella Salvador: "Ever since, ang gusto ko rin naman ay personal happiness ni Janella. Kung nahanap niya yun with Markus and with the baby, then I’m happy. At least, she found it."
PHOTO/S: Glenn Regondola / @janellasalvador on Instagram

Hindi maitago ni Marlo Mortel ang katuwaan nang mabalitaan niyang isinilang na ni Janella Salvador ang anak nila ng nobyong si Markus Paterson.

Sina Marlo at Janella ay naging magka-love team sa bakuran ng ABS-CBN at minsan na ring na-link sa isa’t isa.

Nang mabuwag ang kanilang love team, nagkanya-kanya na silang buhay bilang artist. Hanggang sa maging kasintahan Janella si Markus, parehong 22 anyos, at nagbunga ang kanilang pagmamahalan.

Pahayag ng 28-year-old actor-singer tungkol sa panganganak ng dating ka-love team, “I’m happy kasi we’re really good friends.

“And ever since, ang gusto ko rin naman ay personal happiness ni Janella.

“Kung nahanap niya yun with Markus and with the baby, then I’m happy. At least, she found it.”

Meron pa naman daw silang communication ng Kapamilya actress-singer, kaya updated siya sa pangyayari sa personal nitong buhay.

Aniya, “Oo, nagkumustahan kami, I think, last week sa Instagram.

“All is well, and she wants to go back na din dito sa Philippines.

Continue reading below ↓

“Wala naman, nami-miss na rin daw niya dito sa Philippines.”

Ilang buwan nang nasa United Kingdom si Janella, kasama si Markus at ang kanilang baby, pati na ang ina ng aktres na si Jenine Desiderio at kapatid na lalaki, at ang British father ni Markus.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marlo sa meeting para sa Girbaud apparel na ginanap sa Oriental Palace, Tomas Morato, Quezon City, noong Linggo, February 8.

EARLY PREGNANCY

Sa puntong ito, inalam namin ang reaksiyon ni Marlo sa opinyon ng ilang netizens na hindi raw nila lubos maisip na mabubuntis kaagad si Janella dahil sa sweet image nito sa showbiz.

Pahayag ni Marlo, “Well, katulad nga ng sinabi ko, we can’t fully understand a person unless you know the background.

“So, hindi naman ibig sabihin na shy siya, ganyan, you can tell her what to do with her life.

“It’s her own life, basta happy ako. Happy ako. Happy to see them happy.”

Continue reading below ↓

Pero noon pa man ba ay alam na niya ang tungkol sa relasyon nina Janella at Markus, at ang pagbubuntis ang aktres?

Sagot ni Marlo, “A, never naming pinag-usapan 'yan. And I never asked her ‘cause it’s too personal.

“And unless siya naman yung nagkuwento, pero never ko naman brining up yun.”

Gaano niya kakilala ang partner ni Janella na si Markus?

“Hindi masyado," pag-amin ni Marlo.

“Nagkikita kami sa ABS, and he’s really nice.

“Yun lang ang makukuwento ko. Wala kaming napag-usapan more than that."

Hindi ba siya nasaktan dahil dati silang na-link ni Janela sa isa’t isa?

Nakangiting sagot ni Marlo, “Close lang talaga kami. Hindi [naging kami]. Friends lang talaga kami.”

Sa palagay niya, itutuloy pa ni Janella ang career nito ngayong may supling na ito at nasa United Kingdom pa rin hanggang ngayon?

"I think so. Janella is very passionate about her craft.

“Like me, she sings, act... so I think we will follow our dreams pa rin kahit ano ang mangyari.”

Continue reading below ↓

Kumusta naman ang love life niya?

Natawang sagot ni Marlo, “Masaya. Wala.

“Love for family talaga and God. Ayun.

“Kasi, di ba, I’m the breadwinner ever since my mom passed away.

“Siyempre, si Daddy nalulungkot din.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marlo Mortel on Janella Salvador: "Ever since, ang gusto ko rin naman ay personal happiness ni Janella. Kung nahanap niya yun with Markus and with the baby, then I’m happy. At least, she found it."
PHOTO/S: Glenn Regondola / @janellasalvador on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results