Bea Alonzo addresses "loyalty issue"; confirms she no longer has contract with ABS-CBN

by Bernie V. Franco
Feb 12, 2021
Bea Alonzo leaves star magic
To those questioning the "loyalty" of Bea Alonzo and other Kapamilya stars venturing outside ABS-CBN amid the pandemic and the forced network shutdown, Bea says: "ABS was so gracious in giving us jobs, giving our careers...but we also made sacrifices to get here...It’s not like it was just handed to us."
PHOTO/S: PR Photo

“A year of being open to possibilities.”

Ganito ang paglalarawan ni Bea Alonzo sa 2021 dahil bukas na siya sa posibilidad na makapagtrabaho sa kahit anong television network at anumang movie company.

Paglilinaw niya, bukas siya sa paggawa ng TV projects sa ABS-CBN kapag may offer.

Gayunpaman, hindi na nakatali ang 33-anyos na aktres sa Kapamilya network dahil wala na siyang kontrata dito.

Hindi na rin artist si Bea ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN.

Homegrown talent si Bea ng Star Magic, na humawak sa kanyang career sa loob ng labingsiyam na taon, at humubog sa kanya para maging isang A-lister ng local showbiz.

BEA alonzo ON LOYALTY ISSUE

Hindi naging madali kay Bea at iba pang Kapamilya stars ang paglisan sa kampo ng ABS-CBN o ang pagtawid sa ibang TV networks para magtrabaho.

Pinuna, kinuwestiyon, at hinusgahan ang kanilang "loyalty."

Umalis daw sila sa ABS-CBN sa kasagsagan ng pandemya. Bukod pa sa sakuna ng pagkait ng Kongreso sa giant network ng franchise renewal noong July 10, 2020, matapos ng matagal na hidwaan sa pagitan nito at ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Continue reading below ↓

Gaya ni Bea, sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Julia Barretto, at marami pang iba ay nakaranas ng masasakit na akusasyon, at isa na nga ay ang pagkuwestiyon sa kanilang katapatan.

Sa unang pagkakataon, nagsalita si Bea tungkol sa paglipat ng management at pag-alis sa poder ng ABS-CBN.

Si Bea ay eksklusibong nakausap ng staff ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nitong Huwebes, February 11.

Abot-abot ang pasasalamat at pagkilala ni Bea sa Kapamilya network na tumulong sa kanya para sumikat.

“Ang akin kasi, everyone has been loyal to ABS. And, sa totoo lang, ABS was so gracious in giving us jobs, giving us our careers.”

Paglilinaw ni Bea, “But, siyempre, we also worked hard to have our careers. We also made sacrifices to get here.

“It’s not like it was just handed to us, di ba?”

Muli, ipinahayag ni Bea ang pagtanaw niya ng utang na loob sa ABS-CBN, na kanyang tahanan sa loob ng halos dalawang dekada.

Continue reading below ↓

“But ABS has been so, so nice and kind in giving us projects.

“Kahit na may mga panahon na we messed up, but yung ABS nandiyan pa rin.”

Pero para kay Bea, unfair na kuwestiyunin ang loyalty niya—pati na ang loyalty ng kapwa niya mga artista—gayong dumaraan din sila sa mga sariling pagsubok at nais lamang nilang maghanapbuhay.

Paliwanag ni Bea, “But, siyempre, iba-iba tayo ng personal na pinagdadaanan.

“And feeling ko…" panandaliang nag-atubili si Bea sa gagamiting mga salita, "it’s not fair to measure one’s loyalty just because that person did one show in TV5.

“Siyempre, it’s so hard to judge a person, lalo na sa panahon na ito.

“We don’t know what they’re going through.

“We don’t know what their needs are.

“We don’t know kung ano'ng pangangailangan ng pamilya nila.”

bea alonzo

Continue reading below ↓

Kaya panawagan ni Bea, huwag basta-basta manghusga.

“Ano siguro, mas pepreno ako sa judgments. Mas pepreno ako sa pagbibigay ng opinyon ko tungkol sa mga taong yon, kasi hindi natin alam kung anong pinagdadaanan nila.”

Aminado si Bea na siya ay nakaranas ng panghuhusga dahil sa hakbang niyang lisanin ang dating home network.

Sabi niya, “Oo, may judgments at may judgments.

“Pero, siyempre, ifi-filter mo na lang din kung ano yung ia-absorb mo, kasi kapag in-absorb mo lahat, siguro baka maloka ka na lang, di ba?

“Papangalagaan mo rin ang mental health mo. You have to filter what you absorb.”

November 26, 2020 nang maglabas ng official statement ang Kapamilya network upang kumpirmahing wala na sa Star Magic si Bea.

Ang nagha-handle ngayon ng career ni Bea ay ang batikang talent manager na si Shirley Kuan.

Paniniyak naman ni Bea, maayos ang kanyang pagpapaalam sa big bosses ng Star Magic at ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Sa katunayan, isa sa tatlong pelikulang gagawin ni Bea ngayong taon ay ipoprodyus ng Star Cinema, ang film production outfit ng ABS-CBN.

Kasama niya rito si John Lloyd Cruz, ang ka-love team niyang patok sa publiko.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
To those questioning the "loyalty" of Bea Alonzo and other Kapamilya stars venturing outside ABS-CBN amid the pandemic and the forced network shutdown, Bea says: "ABS was so gracious in giving us jobs, giving our careers...but we also made sacrifices to get here...It’s not like it was just handed to us."
PHOTO/S: PR Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results