Lovi Poe receives surprise birthday greeting from Harry Potter actor Tom Felton

by Jet Hitosis
Feb 13, 2021
Lovi Poe Tom Felton birthday greeting
Actress Lovi Poe's (left) boyfriend, British film producer Monty Blencowe, asks English actor Tom Felton (right) for a special video message for the Kapuso star. Tom says: “Monty and I have been speaking for quite a while about the best way to bring in your birthday and to celebrate the fact that you are in this new TV show Owe My Love. Congratulations!”
PHOTO/S: @lovipoe on Instagram, @LoviPoe on Twitter

Nakatanggap ng espesyal na birthday greeting si Lovi Poe mula sa English actor na si Tom Felton ng Harry Potter film series.

Ang “kilig” birthday surprise na iyon ay pakana ng British boyfriend ni Lovi na si Montgomery “Monty” Blencowe.

Si Monty ay isang film producer at medical scientist na nakabase sa Los Angeles, California sa Amerika.

February 11 nang ipagdiwang ng Kapuso actress ang kanyang 32nd birthday.

Kasalukuyang nasa lock-in taping si Lovi ng bagong Kapuso teleseryeng pagbibidahan niya, ang Owe My Love.

Ibig sabihin, ang co-stars ni Lovi sa Owe My Love—kabilang sina Ben Alves, Winwyn Marquez, Nova Villa, Leo Martinez, at Ai-Ai delas Alas—ang kasama ng aktres nang mag-celebrate ng kanyang birthday nitong Huwebes.

lovi poe SWEET BIRTHDAY SURPRISE FROM MONTY

Gayunman, nakahanap ng paraan si Monty para gawing extra special ang kaarawan ng aktres.

Nang araw na iyon, ibinahagi ni Lovi sa Twitter ang 28-second video greeting ni Tom, 33, para sa kanya.

Continue reading below ↓

Bukod sa birthday greeting para kay Lovi, binati rin ni Tom ang aktres sa bagong serye nito, ang Owe My Love, na ipalalabas sa GMA Telebabad simula sa Lunes, February 15.

Sabi ni Tom: “Monty and I have been speaking for quite a while about the best way to bring in your birthday and to celebrate the fact that you are in this new TV show Owe My Love.

“Congratulations, basically.”

Dagdag pa ng British actor, dahil sa pandemic ay hindi raw natuloy ang plano nila ni Monty na bigyan ng birthday party si Lovi.

“Unfortunately, Monty and my plans to have a massive festivity where we can all get together and have a little jamboree and a boogie, and a dance can’t happen right now with everything going on.”

Sa caption, nagpaka-fangirl si Lovi kay Tom, kasabay ng pasasalamat sa nobyong si Monty.

Sabi ni Lovi: “My Harry Potter heart and my Slytherin soul can’t help but be kilig when Draco Malfoy mentions #OweMyLove [heart emoji]

Continue reading below ↓

“Thank you for this sweet surprise @montyblencowe [heart emoji]”

TOM & HARRY POTTER FILMS

Ang Draco Malfoy na tinukoy ni Lovi ay ang wizard character ni Tom sa Harry Potter film series.

Ang Slytherin naman ay tumutukoy sa "House" o grupo ng mga estudyante sa Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry sa pelikula.

Continue reading below ↓

Sa Hogwarts nagsanay ng wizardry ang character ni Tom na si Draco, kasama ang bidang si Harry Potter, na ginampanan ni Daniel Radcliffe.

Ang Harry Potter ay isa sa pinakamatatagumpay na Hollywood movie series, na ibinatay sa fiction novels ng British author na si J.K. Rowling.

SPECIAL VIDEO MESSAGE FROM CELEBS

Hindi ito ang unang beses na sinorpresa ni Monty si Lovi ng isang video greeting mula sa isang celebrity.

Noong April 17, 2020, ipinost ni Lovi sa Instagram ang maikling video message sa kanya ng Spanish actor na si Enrique Arce ng patok na Netflix series na Money Heist.

Sa video, sinabi ni Enrique na ipinaalam daw ni Monty sa kanya na fan si Lovi ng Money Heist series.

Sinabi rin ni Enrique na sobrang miss na ni Monty si Lovi: “He misses you a lot. Poor guy, he misses you a lot and really wants to see you soon.”

Continue reading below ↓

September 2019 nang isapubliko ni Lovi ang long-distance relationship nila ni Monty.

lovi poe and boyfriend montyLovi and Monty

Continue reading below ↓

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Lovi Poe's (left) boyfriend, British film producer Monty Blencowe, asks English actor Tom Felton (right) for a special video message for the Kapuso star. Tom says: “Monty and I have been speaking for quite a while about the best way to bring in your birthday and to celebrate the fact that you are in this new TV show Owe My Love. Congratulations!”
PHOTO/S: @lovipoe on Instagram, @LoviPoe on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results