Daniel Padilla talks about marriage plans with Kathryn Bernardo: "Hindi na tayo dapat ma-late pa dun"

by Nikko Tuazon
Feb 14, 2021
Kathryn Bernardo on YouTube
Daniel Padilla says he doesn't get offended every time Kathryn Bernardo says they're not yet ready to get married. However, the 25-year-old Kapamilya actor tells his girlfriend, "Pag ready na tayo, pero may pinag-usapan na tayo na dapat, di ba? Hindi na tayo dapat ma-late pa dun. Mahirap pag pinagsisihan mo. Tandaan mo hindi na babalik ang oras."
PHOTO/S: Kathryn Bernardo on YouTube

Isa-isang sinagot ni Daniel Padilla, 25, ang mga bagay na matagal nang nais itanong sa kanya ng longtime girlfriend nito na si Kathryn Bernardo, 24.

Ito ang special treat ni Kathryn para sa kanyang YouTube subscribers ngayong Valentine's Day, February 14, 2021.

Sa vlog, naitanong ni Kathryn kay Daniel kung nao-offend ba ito sa tuwing sumasagot siya ng, "Matagal pa, hindi pa kami ready," sa tuwing mai-interview ang dalaga at matatanong kung napag-uusapan na nilang magkasintahan ang kasal.

Sabi ni Daniel, hindi naman ito nasasaktan tuwing ganito ang sagot ni Kathryn.

Maiksing paliwanag nito, "Hindi naman, ayoko rin naman madaliin."

Dagdag ni Daniel, naiintindihan nito na marami pang gustong marating at makamit si Kathryn para sa sarili.

Ngunit, ipinaliwanag din nito na mas makabubuti kung ikakasal sila ayon sa napag-usapan nilang plano.

Aniya, "Ang sa akin lang, huwag din tayo male-late, yun lang yung sa akin.

"Alam mo na yung sinabi ko sa iyo na minsan, ang dami mong gustong gawin, hindi mo na napapansin, napag-iwanan ka na.

Continue reading below ↓

"Tandaan niyo yan, minsan puro na lang tayo, 'Gusto natin ito, gusto pa natin gawin ito.' Magigising ka na lang, 'Naiwan na ako.'"

Dagdag pa ni Daniel, "Pag ready na tayo, pero may pinag-usapan na tayo na dapat 'di ba? Hindi na tayo dapat ma-late pa dun.

"Mahirap pag pinagsisihan mo. Tandaan mo hindi na babalik ang oras."

Samantala, dalawa naman ang nais na maging anak nina Daniel at Kathryn. Isang lalaki at babaeng anak ang hiling ni Kathryn.

Para naman kay Daniel, "Kahit ano mang uri ng pagkatao niya, okey lang."

Noong October 14, 2020, sa digital media conference The House Arrest of Us, ibinahagi ni Kathryn na handa na itong magpakasal "before 30."

daniel padilla RELATIONSHIP ADVICE

Samantala, nagbigay rin ng advice si Daniel kung paano mapapanatiling matatag ang relasyon ng magsing-irog.

Sabi ni Daniel, "Siyempre una, mahal natin yung isa't isa. Pangalawa, sa lahat ng plano natin in the future, kasama ka, kasama ako."

Continue reading below ↓

Para sa Kapamilya actor, importante rin na ipinapakita sa partner kung gaano mo siya kamahal, bagay na ginagawa nila ni Kathryn sa isa't isa.

Aniya, "[Pangatlo], walang katapusang pagsusuyo pa rin, di ba? Alam mo naman ako di ba, love? Iba lang, siyempre, parang hindi na nanliligaw.

"Pero hanggang ngayon, nag-e-effort pa rin ako sa 'yo. Minsan nasu-surprise kita, di ba?

"May mga bagay akong ginagawa na akala mo uuwi na ako, hindi naman talaga ako uuwi. Yung mga simpleng bagay lang na mga ganun.

"Yun lang, siguro continuous lang yung pagpapakita mo sa tao na mahal mo siya. Kasi yun naman yun e, at saka hindi lang naman sa akin yun kundi sa iyo rin.

"Di ba? Kasi kung ako lang yun, mapapagod lang ako kung puro ako na lang yung nagbibigay sa iyo.

"Hindi naman sa humihingi ako ng kapalit pero siyempre kasama yun.

"Hindi puwedeng, 'Mahal lang kita, mahal kita.' 'Tapos wala naman ako.

Continue reading below ↓

"Hindi puwede yun. Siyempre, para mahalin kita lalo ay maramdaman ko rin na mahal mo ako. Ganun naman all the time."

Dagdag pa ni Daniel, importante rin na purihin at i-appreciate ng magkasintahan ang isa't isa.

Bahagi nito, "At saka, i-praise niyo yung isa't isa all the time. Appreciate niyo yung isa't isa. Ipagyabang niyo yung isa't isa."

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla says he doesn't get offended every time Kathryn Bernardo says they're not yet ready to get married. However, the 25-year-old Kapamilya actor tells his girlfriend, "Pag ready na tayo, pero may pinag-usapan na tayo na dapat, di ba? Hindi na tayo dapat ma-late pa dun. Mahirap pag pinagsisihan mo. Tandaan mo hindi na babalik ang oras."
PHOTO/S: Kathryn Bernardo on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results