Bea Alonzo on failed relationship with Gerald Anderson: "Natatawanan ko na nga lang." 

by Rachelle Siazon
Feb 17, 2021
Bea Alonzo has "moved on, hundred percent" from her heartbreak following a "ghosting" experience with ex-boyfriend Gerald Anderson.
PHOTO/S: Courtesy of Shirley Kuan / @andersongeraldjr Instagram

"If you're talking about my ex, yes, I have moved on, hundred percent. Hahaha! Natatawanan ko na nga lang."

Ito ang pahayag ni Bea Alonzo nang maungkat ang tungkol sa hiwalayan nila ni Gerald Anderson humigit kumulang isang taon at pitong buwan ang nakararaan.

Isang oras nakapanayam si Bea ng Summit Media editors—may 14 websites ang Summit, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)—sa isang tinatawag na "Sandwich Session" noong February 11, 2021. Ito ay Zoom chat na bukas at impormal.

Nasundan ito ng dalawa pang oras ng panayam naman ni Bea na ekslusibo sa PEP.

Sinabi ni Bea na kaya na niyang tumawa ngayon kapag napag-uusapan ang ex-boyfriend.

Dire-diretsong lahad ni Bea: "Ang ganda nga na dinaanan ko yung journey na yun. Kasi pag nandun ka...

"Sa totoo, dapat ni-journal ko, e. Kasi nag-iiba talaga. Ang galing ng journey, ang ganda ng changes.

"The thing is, at this time, 33 na ako. First time ako na-ghost, pero hindi ako first time na nagkaroon ng breakup—if that's what you call it, kasi hindi nga siya formal breakup.

Continue reading below ↓

"But, hindi naman ito yung first time na may nag-end [na relationship]."

Magtatatlong taon ang relasyon nina Bea at Gerald nang matuldukan ang relasyon nila noong July 2019.

Dagdag ni Bea: "But, the thing is, it's the first time na mas naging aware ako of my healing through it all, and first time na malaki yung nagbago dahil dun sa sarili ko."

Sabay natatawang hirit niya, "Kala mo naman kung ano nagawa ko. Wala naman ako nagawa. Hahaha!"

ON BEING "MAY PAGKAMARTIR" IN THE PAST

Kuwento rin ni Bea, natutunan niyang hindi pala maaaring bigay lamang nang bigay pagdating sa isang relasyon.

Payo iyan mismo ng kanyang inang si Mary Anne Ranollo. Ito rin daw ang payo sa kanya ng ilang malalapit na kaibigan.

Prangkang paglalahad ni Bea, "Kasi, sa relationship may pagkamartir ako, e. Maling-mali.

"Tanga kasi talaga ako sa ganyan. Baka it's something na I'm really not good at.

Continue reading below ↓

"But I have already acknowledged that, and I'm trying to change it.

"Yun nga, sabi nga nila, dapat unahin ko sarili ko.

"Kasi sa relationship lagi ko inuuna karelasyon ko kahit na anong mangyari—so dapat hindi ganun."

Ayon kay Bea, tumatak sa kanya ang prangkang payo ng ina na siguruhing mas mahal siya ng kanyang susunod na magiging nobyo.

"Gusto niya yung hindi ako lolokohin.

"Kasi ang laging advice sa akin ni Mama, dapat humanap ako ng lalaking mas mahal ako kaysa mahal ko, kasi mas magtatagal daw.

"Kasi dati, every time I would be asked kung 'mas mahal mo or mas mahal ka,' ang sinasabi ko lagi, 'mas mahal ko.'

"Pero ngayon nagbago na yun. Dapat mas mahal na ako. Hahaha!"

ON KEEPING HER FAMILY IN THE DARK ABOUT HER HEARTACHES

Pagkakamali rin daw niya noon, sinasarili niya kapag may dinaraanan siyang problemang ganito. Dapat daw pala ay hindi siya mahiyang humingi ng payo o magpaalalay sa kanyang pamilya.

Continue reading below ↓

"Ang personality ko, masikreto talaga ako sa heartbreaks ko—na ayaw nga ni Mama. Siyempre, kapag ako lang nagdadala, medyo mahirap.

"Pero, sanay kasi ako sa ganun. Yung problema sa akin, pag may boyfriend ako, dahil ayoko na mayroon silang makikitang masama sa boyfriend ko, lagi kong pagtatakpan.

"Kasi siyempre, gusto ko kung gaano ko kamahal boyfriend ko, ganun din kamahal ng family ko.

"So, most of the time pinagtatakpan ko. Then, ang ending, yun na nga."

Napagtanto raw niyang pamilya rin naman ang matatakbuhan niya kapag mayroong problema.

Habang ang boyfriend, sabi ni Bea, "I've learned na dapat di ganun. Dapat, siya yung mage-effort sa family mo.

"You shouldn't sugarcoat anything. What you see is what you get.

"Kasi, siyempre pamilya mo yun, e, dapat sila ang pinage-effort-an."

BEA'S MOM WANTS HER TO FIND TRUE AND LASTING LOVE

Sa vlog ni Bea noong January 9, pranka ang mga ibinigay na love advice ng inang si Mary Anne.

Continue reading below ↓

Ayaw na ayaw ni Mary Anne na nakikitang "nagpapaloko" si Bea sa karelasyon.

Hiling pa ni Mary Anne, sana raw ay "huwag babaero" ang piliin ni Bea sa susunod nitong nobyo.

Tungkol naman sa dream guy niya para kay Bea, sabi ng ina, "Maging mabait lang. Maging totoo. At huwag babaero, please!"

Hindi pinangalanan ni Mary Anne kung sino sa mga ex-boyfriend ni Bea ang sinasabi niyang hindi niya gusto.

Tatlong aktor ang kilalang naging ex-boyfriend ni Bea—si Gerald, Zanjoe Marudo, at ang yumaong si Mico Palanca.

Kung anu't ano man, nagpahiwatig si Mary Anne tungkol sa positibong disposisyon ngayon ni Bea.

"Pinakamasaya ako kasi masaya ka na," saad ni Mary Anne.

WHAT bea alonzo LOOKS FOR IN A MAN

Sa PEP.ph, sinabi ni Bea na puso ang sinusunod niya pagdating sa pagpili ng isang makakarelasyon.

Nakangiting paliwanag niya, "Wala ako yung type. Whoever makes my heart flutter, yun. Magic, connection, mas yun.

Continue reading below ↓

"Wala ako yung dapat mayaman, dapat gwapo... hindi.

"Actually, with everything in my life, lahat ng decisions, laging gut feel. I always follow my heart."

Hindi kaila na hinihinalang natagpuan ni Bea ang isang bagong pag-ibig sa kaibigan nitong si Dominic Roque.

Namataan ang dalawa na magkasamang nagbakasyon sa Amanpulo noong unang linggo ng Pebrero.

Dagdag pa rito ang usap-usapan ng netizens ng mga pahiwatig umano nina Bea at Dominic sa kanilang socia media posts.

Pero wala namang direktang kumpirmasyon mula kina Bea at Dominic sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo has "moved on, hundred percent" from her heartbreak following a "ghosting" experience with ex-boyfriend Gerald Anderson.
PHOTO/S: Courtesy of Shirley Kuan / @andersongeraldjr Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results