Catriona Gray shows video of Batangas trip with boyfriend Sam Milby

by Rachelle Siazon
Feb 18, 2021
Catriona Gray spends a day "full of love" with boyfriend Sam Milby during their trip to Batangas on Valentine's Day.
PHOTO/S: @catriona_gray Instagram

Low-key si Miss Universe 2018 Catriona Gray at nobyo niyang si Sam Milby pagdating sa kanilang relasyon.

Pero sa nagdaang Valentine's Day noong February 14, nag-post si Catriona ng maiksing video ng bakasyon nila ni Sam sa Batangas.

Kuha iyon sa pool area sa pag-aaring resort ng kaibigan ni Sam na si John Prats.

Walang bahid ng makeup si Catriona habang siya ay nagsa-sunbathing sa isang lounge chair.

Habang si Sam naman ay panay ang pakikipaglaro kay Theo, ang alagang aso ng beauty queen.

"Hope you all had a day full of love," saad sa caption ni Catriona.

Dagdag niya, "I know I did! Happy Valentines day friends!"

Continue reading below ↓

SAM milby CONSIDERS CATRIONA gray AS "THE ONE"

Walang anumang social media post si Sam, na tila pinipiling gawing pribado ang pagsinta nila ni Catriona sa isa't isa.

Ang tanging ibinahagi ni Sam ay ang kumpirmasyon niya noong May 23, 2020 na sila na ni Catriona.

Sa presscon na dinaluhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 2020, sinabi ni Sam na tingin niya ay si Catriona na ang "The One" o ang babaeng nais niyang makasama habambuhay.

Pero paglilinaw ni Sam, suportado niya ang career ni Catriona at hindi sila nagmamadali tungkol sa usapang kasal.

Aniya, "Ako, I’m 36 and she’s just 26, and kaka-start pa lang ng career niya, so it’s early naman."

CHRISTMAS VACATION IN THE U.S.

Tila going strong naman ang relasyon nina Sam at Catriona.

Magkasamang nagbakasyon ang dalawa sa hometown ni Sam sa Ohio noong Christmas at New Year vacation.

Si Catriona ang nagbahagi ng ilang litrato niya sa mala-kakahuyan na may pond area—na tingin ng netizens ay kuha sa malawak na bakuran ng bahay ng mga magulang ni Sam.

Continue reading below ↓

Noong January 8, magkasama rin nilang ipinagdiwang ang kaarawan ni Catriona sa isang romantic getaway na inihanda ni Sam para sa dalaga.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Catriona Gray spends a day "full of love" with boyfriend Sam Milby during their trip to Batangas on Valentine's Day.
PHOTO/S: @catriona_gray Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results