Bea Alonzo reveals biggest controversy of her career: “Umabot sa Supreme Court.”

by Arniel C. Serato
Feb 18, 2021
Bea Alonzo Gerald Anderson breakup
Bea Alonzo on breakup with Gerald Anderson: "Hindi ako controversial, so kaya siguro 'yan ang nagma-mark kasi yun ang pinaka-recent, plus I think the biggest."
PHOTO/S: Courtesy: Bea Alonzo / @andersongeraldjr on Instagram

Aminado si Bea Alonzo, 33, na ang breakup nila ni Gerald Anderson, 31, ang pinakamalaking kontrobersiyang kinaharap niya sa loob ng 20 taon sa showbiz.

Umabot sa halos tatlong taon ang relasyon nina Bea at Gerald na nagtapos noong July 2019.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) editors at staff kay Bea noong February 11 via Zoom, tinanong ang aktres kung ano ang pinakamalaking kontrobersiyang kinasangkutan niya.

“Siguro yung pinaka-recent. Umabot sa ano, e, sa Supreme Court, char!” napahalakhak na sagot ng dating Kapamilya star.

Ang tinutukoy ni Bea ay ang pagsakay ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen sa isyu noong kasagsagan ng breakup nina Bea at Gerald.

Patanong na tweet ng High Court justice noong August 7, 2019: “Dear Bea and Julia, is he really worth it? #JustAsking.”

Nadawit ang pangalan ni Julia Barretto dahil siya ang itinuturong third party sa hiwalayan nina Bea at Gerald.

Continue reading below ↓

Lalong umigting ang espekulasyong ito nang mamataan si Gerald na kasama si Julia sa birthday celebration noon ng kaibigan ng aktor na si Rayver Cruz sa isang parking lot sa Bonifacio Global City, Taguig City

Pero mariing itinanggi nina Gerald at Julia na mayroon silang relasyon, at ang aktres ang dahilan ng hiwalayan ng aktor at ni Bea.

Sa panayam ng PEP.ph kay Bea ay hindi niya direktang binanggit ang pangalan ni Gerald, ngunit malinaw na ang paghihiwalay nila ang kanyang tinutukoy.

Pagpapatuloy ni Bea, “Hindi. Alam mo kung bakit, sa 20 years naman, kung titingnan mo, hindi naman talaga ako maano, wala naman masyadong malalang news, e.

“Wala naman talaga, hindi ako kontrobersyal.”

Hindi raw siya prone sa mga intriga.

Saad pa niya, “Baka boring yung life ko, hindi ko alam.

“Hindi ako controversial, so kaya siguro 'yan mas ang nagma-mark, kasi yun ang pinaka-recent, plus I think it's the biggest.

Continue reading below ↓

“And I never realized that it became that big until natapos na yun at nag-look back na lang ako.”

BEA alonzo-GERALD anderson BREAKUP

Noong gabi ng July 21, 2019, isang cryptic message ang ibinahagi ni Bea sa kanyang Instagram account na tila patungkol sa hiwalayan nila ni Gerald.

Noong panahong iyon, maugong na sa social media ang balitang ilang linggo nang magkahiwalay ang reel-turned-real life couple.

Kalakip ng black picture na in-upload ni Bea sa Instagram ang caption na: “’you can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice'

"ENOUGH."

View this post on Instagram

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Kasunod nito ang pahayag ni Bea na bigla na lang daw siyang iniwan sa ere ng longtime boyfriend at wala silang pormal na pag-uusap na hiwalay na sila.

Ayon pa sa kanya, "Because honestly, to my understanding, we did not break up.

"He just started not talking to me."

Continue reading below ↓

Bunsod nito, nauso at nag-trend noon ang salitang “ghosting.”’

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo on breakup with Gerald Anderson: "Hindi ako controversial, so kaya siguro 'yan ang nagma-mark kasi yun ang pinaka-recent, plus I think the biggest."
PHOTO/S: Courtesy: Bea Alonzo / @andersongeraldjr on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results