Alden Richards admits to having his fair share of co-workers he did not get along with

by Bernie V. Franco
Feb 18, 2021
Alden Richards, who has been in the industry for a decade, says he did experience working with colleagues he did not get along with.
PHOTO/S: @aldenrichards02 on Instagram / YouTube (Eat Bulaga)

Sa isang dekada ni Alden Richards, 29, sa showbiz ay naranasan na rin daw nitong magkaroon ng mga katrabahong hindi niya nakasundo.

Pero mas pinili raw niyang maging propesyunal para sa gayon ay hindi maapektuhan ang kanyang pagtatrabaho.

Inamin ito ni Alden sa pagsagot niya ng random questions sa YouTube vlog ng Eat Bulaga! na in-upload noong February 12.

Ganito ang tanong: “In your 10 years in the business, may nakatrabaho ka na ba na hindi mo kasundo? How did you deal with it?”

Sagot ni Alden, “Sa sampung taon ko sa showbiz, I had a fair share of kasundo and hindi kasundo na mga katrabaho.

“Pero at the end of the day, iniisip ko minsan, kapag pupunta ako sa set, 'tapos andun yung hindi ko kasundo na katrabaho ko, ako yung magsa-suffer.

“If I will let that affect me in my work… kaya I’m just gonna be professional about it.

Continue reading below ↓

“Hindi ako confrontational kasi pagdating sa ganyan. Ewan ko, ha.

“Madali akong pakisamahan at magaling din naman akong makisama.”

Alden Richards-Bea Alonzo Movie

Nausisa rin si Alden tungkol sa pagtatambal nila sa pelikula ng aktres na si Bea Alonzo.

Dream come true nga raw ito para sa Kapuso actor dahil tinitingala niya ang dating Kapamilya star.

Nagkasama na sina Bea at Alden para sa shampoo brand na kanilang iniendorso.

“Actually, after nung ginawa naming project sa isang shampoo brand, talagang… at saka bilang alam talaga ni Bea na idol ko sila ni Idan [John Lloyd Cruz].

“Sabi ko, parang dream come true talaga na makakagawa ako ng movie with her now.”

REALIZATION THIS PANDEMIC

Ano naman ang realization ni Alden noong 2020 at sa patuloy na pagkakaroon ng pandemya?

Aniya, “Natuto akong mag-prioritize ng mga bagay-bagay, na dapat hindi na natin pinag-iisapan masyado.

“Especially kung makakabuti naman talaga sa iyo. At saka pag-isipan pa rin, pero nasa sa iyo pa rin kung paano mo siya gagawin.

Continue reading below ↓

“Parang life is short, so live your life.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Read More Stories About
Alden Richards, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards, who has been in the industry for a decade, says he did experience working with colleagues he did not get along with.
PHOTO/S: @aldenrichards02 on Instagram / YouTube (Eat Bulaga)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results