Ion Perez reveals how he captured Vice Ganda’s heart: "Makapangyarihan yun."

by Arniel C. Serato
Feb 18, 2021
Ion Perez Vice Ganda love story
Ion Perez reveals formula in winning Vice Ganda's heart: "Alam niyo ba kung paano ko nabihag si Meme, si betla? Magsuot lang kayo ng black suit, black bowtie, orange, saka pink. Makapangyarihan yun."
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram

Sa "black suit."

Ito raw ang kasuotan ni Ion Perez na nagpatibok ng puso ng kanyang partner na si Vice Ganda.

Sinabi ito ni Ion sa kanyang YouTube vlog na inilabas noong February 12.

Ipinakita ni Ion ang kanyang pag-eempake ng mga damit na dadalhin niya sa lock-in shooting ng unang pelikulang pagbibidahan niya, ang Kaka.

Makakatambal niya rito ang baguhang sexy star na si Sunshine Guimary.

Pagbabahagi ni Ion sa kanyang viewers, "Kailangan ko nang mag-empake. Kasi alam niyo naman yung mangyayari next week.

"Magla-lock-in taping tayo, shooting. Ayun dapat, kailangan nating i-prepare ngayon yung mga dadalhin natin, mga gagamitin."

Natatawa pa niyang sabi, “Tamang-tama, maglalabasan mga pangmayamang outfit ni Ion."

Ibinahagi rin ni Ion kung bakit paborito niya ang denim jacket.

"Sa mga damit ko, ito yung mga paborito ko, ma-jacket din akong tao dati.

"Mga denim na jacket, 'yon yung mga gusto kong isinusuot. Kasi yung denim kasi, napakasimple lang tingnan.

Continue reading below ↓

"Nakaputi ka lang, naka-black ka lang na inner, so parang kahit ang baho mo, parang ang bango mo sa paningin ng tao."

"MAGSUOT LANG KAYO NG BLACK SUIT"

Kuwento pa ni Ion, mayaman ang karakter niya sa Kaka kaya pangmayamang damit ang dadalhin niya sa shooting.

Ipinakita niya ang mga damit at pantalon na kanyang dadalhin mula sa dalawang storage sa bahay ni Vice.

Ion Perez

Continue reading below ↓

Sabi pa niya, "Ito yung mga kailangan, requirements dun sa karakter ni Libby.

"Si Libby, ang character ni Ion sa pelikulang Kaka. Ako'y isang mayaman, anak ng may-ari ng isang kumpanya.

“Tamang-tama yung mga suit ko nung ano, ‘Kuya Escort’ ako, magagamit ko ulit, di ba? Sulit na sulit. Sulit."

Unang nakilala si Ion bilang Kuya Escort sa "Miss Q&A" segment ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Biro pa ni Ion, "Dun ko nabihag si Meme, sa black suit. May ano yun, may agimat."

Pagbubuko pa niyang nakatawa, "Alam niyo ba kung paano ko nabihag si Meme, si betla?

"Magsuot lang kayo ng black suit, black bowtie, orange, saka pink.

"Makapangyarihan yun."

Magtatatlong taon na ang relasyon nina Ion at Vice.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ion Perez reveals formula in winning Vice Ganda's heart: "Alam niyo ba kung paano ko nabihag si Meme, si betla? Magsuot lang kayo ng black suit, black bowtie, orange, saka pink. Makapangyarihan yun."
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results