Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Star Magic talent Dianne Medina denies romantic involvement with Rayver Cruz

by Julie E. Bonifacio
Dec 5, 2007
"Imposible po akong ma-in love kay Rayver. Si Rayver, kay Shaina lang siya. Ako, I have my own," quips Dianne Medina about being romantically linked to Rayver Cruz (inset).


Natiyempuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang natsitsismis na magkarelasyon na talents ng Star Magic na sina Rayver Cruz at Dianne Medina sa bagong bukas na food court sa ground floor ng ELJ Building ng ABS-CBN.

Si Dianne ang itinuturong dahilan kung bakit hindi na itinuloy ni Rayver ang panliligaw niya sa ka-loveteam na si Shaina Magdayao na ngayon ay balitang girlfriend na ni John Prats.



Unang napanood si Dianne sa ABS-CBN shows na Wazzup Wazzup, Gokada Go, at Let's Go. Naging contestant din siya sa U Can Dance Ver. 2.



Sa birthday presscon ng Star Magic last month, itinanggi ni Dianne ang alegasyon na may relasyon sila ni Rayver.



"Close lang kami ‘tsaka kasi iisa lang ang handler, si Ate Luz, namin sa Star Magic," tanggi ni Dianne.



Hindi rin daw tipo ni Rayver ang type ni Dianne sa isang lalaki.



"Ayoko sa bata. I mean, yung mas bata sa akin," paliwanag niya.

Continue reading below ↓



Kaka-21 lang ni Dianne noong November 5 at 18 lang si Rayver.



"Imposible po akong ma-in love kay Rayver. Si Rayver, kay Shaina lang siya. Ako, I have my own," sambit ng dalaga.



Does she mean na may boyfriend na siya?



"Naku, wala po!" sagot niya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos



Hindi kaya ang nakatatandang kapatid ni Rayver na si Rodjun ang nanliligaw sa kanya considering na nagkasama sila noon sa U Can Dance Ver. 2?



"Ay, hindi po!" tanggi ni Diane. "Magkakaibigan lang talaga kami. But I admit mas close ako kay RJ [tawag niya kay Rodjun] kasi halos malapit yung edad namin sa isa't isa."



But between Rodjun at Rayver, mas posible raw na mas magustuhan niya ang una.



"Tahimik kasi siya [Rodjun] at mukhang seryoso. Si Rayver, wala, kaibigan ko lang talaga dahil kalokohan ko siya, kabiruan kasi siya yung bata," paliwanag niya.



Nararamdaman ba niya na siya ang nagagamit sa isyu para lang mapagtakpan na si Shaina ang posibleng unang sisira sa loveteam nila ni Rayver dahil kay John?

Continue reading below ↓



"Hindi ko napi-feel ‘yon. Hindi naman ako big star," sabi ni Dianne.



Huling nakarelasyon ni Dianne ang aktor na si Luis Alandy. Madalas magbabad noon si Luis sa taping ng Gokada Go. Bakit sila nag-break ni Luis?



"Ganun po ‘ata talaga, e," sagot niya. "Three to four months lang nga kami. Siguro dahil na rin sa age gap. Kasi 19 lang ako nung naging kami, siya naman mga 26 or 27 na."



Sa huli, inamin din ni Dianne na isa sa mga dahilan ng breakup nila ni Luis ay ang paggimik niya with her friends sa Miriam College kung saan naging member siya ng dance troupe ng eskuwelahan.



"Natural lang naman po ‘yon kasi bata pa ako that time. Pero ngayon, hindi na rin ako nakakalabas dahil may commitments at hindi na rin po ako pinapayagan ng Mommy ko," pagtatapos ni Dianne.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Imposible po akong ma-in love kay Rayver. Si Rayver, kay Shaina lang siya. Ako, I have my own," quips Dianne Medina about being romantically linked to Rayver Cruz (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results