Detach Video
Remember when Heart Evangelista answered who among her exes Sen. Chiz gets jealous of?
Feb 19, 2021

Tinanong si Heart Evangelista kung sino sa kanyang mga naging boyfriends ang pinagseselosan ng asawa niyang Senator Francis "Chiz" Escudero.

Isa ito sa mga tanong na binasa niya sa kanyang "PEP Challenge" nung 2017.

Heart Evangelista in her PEP Challenge in 2017.

Ang "PEP Challenge" ang game segment ng online talk show noon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na PEP Talk.

Sumalang si Heart at South Korean actor Alexander Lee sa PEP Talk para i-promote ang GMA-7 series nilang My Korean Jagiya.

Heart Evangelista and Alexander Lee in My Korean Jagiya

Pinakakilalang naging boyfriends ni Heart sina John Prats, Jericho Rosales, at Daniel Matsunaga.

Naging magkasintahan naman sina Heart at Sen. Chiz nung 2012 at nagpakasal nung 2015.

'Shoot or Dare' ang title ng "PEP Challenge" ni Heart. Wordplay ng larong "Truth or Dare," kailangang patumbahin ni Heart ang targets na inihilera ng PEP.ph staff gamit ang isang toy gun na may suction dart "bullets."

Sa bawat target na hindi mapatumba ni Heart, kailangan niyang gawin ang isang dare o sagutin ang isang tanong.

Asintado pala si Heart maski sa paggamit ng toy gun na may balang hindi maganda ang aerodynamics o paggalaw sa ere. Napatumba niya ang lahat ng targets.

Gayunpaman, pumayag naman si Heart na sagutin ang dalawang tanong at isang dare mula sa PEP.

At pinakauna ngang tanong ay ang tungkol sa boyfriend na pinagseselosan ni Sen. Chiz.

Panoorin ang video para malaman ang sagot ni Heart at matuwa na rin sa "PEP Challenge" na ginawa niya para sa PEP.

HOT STORIES

#HeartEvangelista #RememberWhen

Video Producers: Sam Navalta & John Henri Mariano
Video Editor: John Henri Mariano

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results