Aiko Melendez defends Jomari Yllana from “disappointed” netizen: “Uy, wag naman. He’s still the father of Andre.”

Feb 19, 2021
Aiko Melendez, Jomari Yllana, Andre Yllana
In an Instagram post on February 19, actress Aiko Melendez (left) shows son Andre Yllana (right) being assisted by his father, actor and former car racer Jomari Yllana (center, in black shirt), "preppin him for a race on Sunday," February 21.
PHOTO/S: @aikomelendez on Instagram

Nakiusap si Aiko Melendez para sa dating asawang si Jomari Yllana.

Ito ay matapos na isang netizen ang nagkomento ng negatibo laban sa 44-year-old actor, na ama ng panganay na anak ni Aiko, 45, na si Andre Yllana, 22.

Nag-comment ang babaeng netizen sa latest Instagram post ni Aiko ngayong Biyernes, February 19, kung saan magkasama ang mag-amang Jomari at Andre.

Sa mga litratong ibinahagi ni Aiko, makikitang nakatalikod si Jomari sa camera habang inaayos nito ang racing suit na suot ni Andre.

Sa caption, sinabi ni Aiko na tulad ni Jomari, sumasabak na rin sa car racing si Andre.

Magaganap daw ang race sa Linggo, February 21.

Sabi ni Aiko (published as is): “Pass on the Torch @andreyllana with his Dad Jomari preppin him for a race on Sunday.”

Ayon sa Kapuso actress, ang racing suit ni Andre ay isinuot ni Jomari nang kumarera ito sa South Korea.

“Jomari used this racing suit for Korea race now its Andre’s turn,” sabi ni Aiko.

Continue reading below ↓

FATHER-AND-SON RACE CAR DRIVERS

October 2014 nang lumahok si Jomari sa Super Race Championship sa South Korea.

Si Jomari ang kauna-unahang Pilipino na kumarera sa nabanggit na international race competition.

Pumangatlo si Jomari sa race na iyon, laban sa 35 Korean racers.

Jomari Yllana in Korea Super Race ChampionshipJomari in Super Race Championship 2014

Continue reading below ↓

Samantala, nauna nang kumarera si Andre sa Clark International Speedway sa Angeles City, Pampanga noong December 2019.

Pumang-apat si Andre sa 100 drivers sa car-racing competition.

Nitong February 5, pumirma si Andre ng kontrata sa Viva Artists Agency para tuluyan nang pasukin ang showbiz.

JOMARI “DISAPPOINTING” AS ANDRE’S DAD?

Nagkomento ang isang babaeng netizen sa post na ito ni Aiko.

Tagged ang mag-ama sa comment ng netizen, kung saan pinuri nito si Andre kasabay ng hindi direktang pagbatikos kay Jomari.

Komento ng netizen: “Wow thats cool! Galing nman @andreyllanaa. [three clapping hands emoji]… but disappointing dad nya pala si @jomariyllana”

Sa reply ni Aiko, nakiusap siya sa netizen na “wag naman” magsalita ng negatibo laban kay Jomari dahil “He is still the father of Andre.”

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang netizen kay Aiko at sinabing hindi lang daw nito “napigilan” ang sariling magkomento laban kay Jomari.

“Peace” at praying hands at blue heart emojis ang isinagot ng aktres sa netizen.

Continue reading below ↓

netizen calls Jomari Yllana disappointing dad; Aiko Melendez defends ex-husband Jomari

Malaki ang posibilidad na nagkomento nang ganoon ang netizen dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Jomari noong nakalipas na buwan.

Inakusahan si Jomari ng dating domestic partner niyang si Joy Reyes ng hindi umano pagtupad sa mga tungkulin nito sa dalawa nilang anak.

Mariing itinanggi ni Jomari ang mga akusasyon ni Joy.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an Instagram post on February 19, actress Aiko Melendez (left) shows son Andre Yllana (right) being assisted by his father, actor and former car racer Jomari Yllana (center, in black shirt), "preppin him for a race on Sunday," February 21.
PHOTO/S: @aikomelendez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results