Mayor Isko Moreno, Erap Estrada shake hands, nagkumustahan

by Arniel C. Serato
Feb 20, 2021
Mayor Isko Moreno Erap Estrada shakehands
Manila Mayor Isko Moreno shakes hands with former ally turned political foe Joseph "Erap" Estrada. He says, "Ako po ay nagalak sa kanyang mabuting kalusugan lalo na sa panahong ito ng pandemya."
PHOTO/S: Courtesy: Isko Moreno Domagoso on Facebook

Tila nagkaayos na sina Manila Mayor Isko Moreno at Joseph “Erap” Estrada, na dating alkalde ng lungsod at Pangulo ng Pilipinas.

Sa isang Facebook post ngayong gabi ng Sabado, February 20, 2021, ikinuwento ni Moreno ang aksidenteng pagkikita nila ni Estrada sa isang kasalan.

Sinamahan niya ito ng larawan kung saan kitang-kita ang pagsi-shake hands nilang dalawa na parehong nakangiti.

Sabi niya sa post, “Akin pong ikinagalak nang sa isang kasalan ay muli kong nakatagpo ang dating alkalde ng Maynila, si dating pangulong Joseph 'Erap' Estrada.

“Kinumusta ko po siya, at kinumusta rin niya po ako.”

Masaya rin daw siya na sa edad na 83 ay malakas at malusog pa si Erap.

Dagdag pa ni Moreno, “Ako po ay nagalak sa kanyang mabuting kalusugan lalo na sa panahong ito ng pandemya.

“Yan din naman po ang panalangin ko para sa lahat ng mga Batang Maynila at mga Pilipino, ang manatiling ligtas sa pandemya at anumang karamdaman lalo na sa panahong ito.”

Continue reading below ↓

Mensahe pa niya sa dating kakampi na naging kalaban sa pulitika: “Kay dating Pangulong Erap, God bless you po. Stay healthy and safe.”

ISKO moreno-ERAP estrada FALLOUT

Si Isko ang naging ka-tandem ni Erap noong unang tumakbo ang huli bilang mayor ng Maynila taong 2013.

Parehong nahalal ang dalawa.

Noong 2016, since nasa huling termino na noon si Moreno bilang vice-mayor, tumakbo siya bilang senador. Naging vice-mayor si Moreno ng Maynila mula 2007 hanggang 2016.

Continue reading below ↓

In the same year, na-reelect si Estrada bilang mayor.

October 2018, naghain ng kandidatura si Isko sa pagka-alkalde ng Maynila.

Ang dating magkakampi ay naging magkalaban sa pulitika noong 2019 elections.

Tinalo ni Isko si Erap sa botong lagpas sa 130,000.

Nag-courtesy call din ang bagong mayor sa dating mayor, pero pagkatapos noon ay naging laman ng balita ang dalawa dahil sa madalas nilang pagpuna sa isa't isa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manila Mayor Isko Moreno shakes hands with former ally turned political foe Joseph "Erap" Estrada. He says, "Ako po ay nagalak sa kanyang mabuting kalusugan lalo na sa panahong ito ng pandemya."
PHOTO/S: Courtesy: Isko Moreno Domagoso on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results