Netizens ask if Kylie Padilla-Aljur Abrenica marriage is on the rocks after reading her cryptic posts

by Bernie V. Franco
2 days ago
Kylie Padilla's cryptic post such as "free" and "I'm submissive not stupid" got netizens thinking if she has marital issues with husband Aljur Abrenica.
PHOTO/S: @kylienicolepadilla and @ajaabrenica on Instagram

May pinagdadaanan ba ang pagsasama nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica?

Ito ang tanong ng ilang followers ng mag-asawa kasunod ng cryptic posts ni Kylie sa social media.

Base sa recent tweets ni Kylie ay tila na may hinaharap itong mabigat na pagsubok.

Sa Instagram Story, may makahulugang post ang anak nina Robin Padilla at Liezl Sicangco.

“I’m submissive not stupid,” tanging caption ng aktres sa black background sa burado nang post na ito.

Ngayong Lunes, February 22, may isa pang post ni Kylie na ganito ang mensahe: “More selflove, babygirl.”

Continue reading below ↓

May mga ipinost ding videos si Kylie kung saan makikitang naglalakad siya sa kanilang village at naglalaro ang kanyang mga anak na sina Alas, 3, at Axl, 1.

Wala sa videos na mga ito si Aljur.

Kahapon, February 21, ipinost naman ni Kylie ang isang larawan na tila galing sa lumang pictorial.

Continue reading below ↓

Masaya ang mukha ni Kylie na nakasuot ng pulang damit, nakatingin sa langit, at nakataas ang dalawang kamay.

Nakakaintrigang caption niya rito: “Free.”

Kapansin-pansing naka-off ang comment section ng post niyang ito, samantalang sa ibang posts niya ay hindi naman.

Earlier today, nag-post naman si Kylie ng larawan ng kanyang kaliwang kamay. Mapapansing hindi suot ng aktres ang kanyang wedding ring.

Continue reading below ↓

Ang caption ni Kylie rito ay inilalaan sa isang tao at may kinalaman sa mga natutunan niya. Sana raw ay may natutunan din ang pinaglalaanan niya ng tula.

Nang balikan ito ng PEP.ph, burado na ang post. Pero may nakapag-screenshot sa larawan ng post na nagpapakita sa kamay ni Kylie na hindi suot ang kanyang wedding ring.

Natatandaan din naming naka-off din ang comments section nito.

Continue reading below ↓

Sa recent posts naman ni Kylie ngayong Pebrero rin ay kita pa ang kanyang wedding ring.

Halimbawa rito ay ang posts niya noong February 6 at February 11:

ALJUR’S POST ABOUT PRAYING

Samantala, noong nakaraang linggo ay may makahulugang post si Aljur.

Larawan ito ng kanyang kamay hawak ang isang rosaryo. Kinunan ang larawan habang nasa loob ng kotse ang aktor.

Continue reading below ↓

Ibinahagi ni Aljur sa caption na nagdarasal siya nitong mga nakalipas na araw, at ang rosaryo ay hiniram niya sa kapatid na si Vin Abrenica.

Buong mensahe niya: “Prayed the rosary on the road. Been praying for a while.

“The power of prayer is real.

“Brought peace and clarity. Thank you @vinabrenica for lending and guiding me.”

Sumagot ni Vin at hinihimok ang kanyang kapatid tungkol sa kapangyarihan ng pagdarasal.

Continue reading below ↓

SUPPORTERS WORRIED ABOUT ALJUR AND KYLIE

Samantala, may mga tagasuporta ang celebrity couple na nagtatanong. Kinukumusta nila ang pagsasama nina Kylie at Aljur.

Nag-usisa ang isang netizen kung nag-away raw ba ang mag-asawa dahil binura umano ni Kylie ang mga larawan nila ni Aljur sa Instagram.

Nang bisitahin ng PEP.ph ang Instagram account ni Kylie, wala ngang recent photo ang aktres kasama si Aljur.

Continue reading below ↓

Ang pinakahuling post niya na may larawan ni Aljur ay noong Mayo pa ng nakaraang taon.

Nag-reply ang isang netizen at binanggit na napansin nga niya ang “free” caption ni Kylie at ang larawan nitong hindi suot ang wedding ring.

Umaasa naman ang isang netizen na mali ang kanilang hinala tungkol sa estado ng relasyon nina Kylie at Aljur.

Binanggit pa ng netizen na may ipinost na video si Aljur sa kanyang verified Facebook account kahapon. TikTok video ito ng mag-asawa na sumasayaw.

Nagkomento naman ang isang netizen na “hiwalay na sila.”

Ang iba naman ay napapaisip kung may pinagdadaanan ang mag-asawa.

Narito ang mga komento ng mga mausisang netizens:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sa tweets naman ni Kylie mula noong nakaraang linggo ay mahihinunahang may pinagdadaanan nga ang aktres.

Tweet niya noong February 15: “I’ll be okay. I always am.”

“Claim your life not to the standard of society it just gets you in trouble.”

Ang huling tweet niya ay noong February 17: “Sometimes its so hard to be the better person… but… no there is no but. Its damn hard.”

Continue reading below ↓

Sina Kylie at Aljur ay ikinasal noong December 2018.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Padilla's cryptic post such as "free" and "I'm submissive not stupid" got netizens thinking if she has marital issues with husband Aljur Abrenica.
PHOTO/S: @kylienicolepadilla and @ajaabrenica on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results