Dra. Ging Zamora ties the knot with cardiologist Sonny Abrahan in Antipolo, Rizal

by Rachelle Siazon
A day ago
Dra. Ging Zamora on beginning a new chapter with her husband Dr. Sonny Abrahan: "We are at our best when we are His instruments of healing. Everything can really be made beautiful in His time."
PHOTO/S: Nice Print Photo via @ging.md Instagram

Simple pero madamdamin ang intimate church wedding ni Dr. Ging Zamora at ng fiancé niyang si Dr. Sonny Abrahan, na madalas biruin ng doktora na tagapag-ayos ng "broken hearts."

Si Dra. Ging ay isang rheumatologist na pinarangalan bilang awardee ng The Outstanding Young Men/Women for Medicine noong 2016.

Si Dr. Sonny ay isang interventional cardiologist na katrabaho rin ng doktora.

Noong February 19, 2020, ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib sa San Pedro Calungsod Parish-Sanctuary of Padre Pio sa Antipolo, Rizal.

Sa isang Instagram post ni Dra. Ging, ibinahagi niya ang art card na naglalaman ng mensahe tungkol sa pagtatagpo ng mga puso nila ni Dr. Sonny.

"Our flaws are perfect for the heart that is MEANT TO LOVE US," sabi sa quote.

Kalakip nito ang wedding hashtag ng couple na "maGingSonnykaman."

Continue reading below ↓

Pinili nilang wedding outfit ang customized personal protection equipment (PPE) o puting scrub jumpsuit na akma sa kanilang propesyon bilang medical practitioners sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Nagbahagi rin si Dra. Ging na maiksing video ng kanilang church wedding.

Sabi pa niya patungkol sa asawang si Dr. Sonny: "We are at our best when we are His instruments of healing.

"Everything can really be made beautiful in His time.

"Grateful for all the prayers, support, well-wishes, and positive vibes sent our way."

Continue reading below ↓

WHEN DID THE RELATIONSHIP START?

Hindi malinaw ang eksaktong petsa kung kailan naging magkasintahan sina Dra. Ging at Dr. Sonny.

May mga paisa-isang post sa Instagram si Dra. Ging kasama si Dr. Sonny simula nang dumalo sila sa isang wedding noong December 2018.

Pero noon lamang October 2019 ipinahiwatig ni Dra. Ging ang tungkol sa kanyang bagong pag-ibig nang tawagin niyang "my cardio" si Dr. Sonny sa kanilang date night sa isang wedding event.

Iba raw ang saya nila kapag sila ang magkasama.

Ayon kay Dra. Ging, may pagkakataong naiyak sila at sumakit ang abs nila sa kakatawa sa kanilang kuwentuhan tulad noong kanilang Valentine date noong February 2020.

Continue reading below ↓

SIMPLE GESTURES OF LOVE

Nang magsimula ang pandemya, naging abala man sila sa trabaho ay nakita raw ni Dra. Ging kung gaano kapursigido si Dr. Sonny na iparamdam ang pagmamahal nito sa kanya.

Base sa Instagram post ni Dra. Ging noong May 2020, nagsilbi raw si Dr. Sonny na kanyang "volunteer driver" patungong Philippine General Hospital kapag wala siyang sasakyan sa gitna ng enhanced community quarantine.

Si Dr. Sonny rin daw ang "best vaccination assistant, food delivery guy & parking guard."

Dagdag pa ni Dra. Ging, na-appreciate niya hindi lang ang romantic gestures ng nobyo kundi pati ang pag-alala nito sa kanyang kalusugan nang bigyan siya nito ng elastometer respirator.

Dahil request niya ay nanood din daw ang cardiologist ng paboritong K-drama niya na Crash Landing On You kapag may libre itong oras.

Birthday noon ni Dr. Sonny kaya nag-post si Dra. Ging ng special greeting para rito.

dra. ging's ENGAGEMENT

Hanggang sa noong August 2020, sinasabing nag-propose ng kasal si Dr. Sonny kay Dra. Ging.

Continue reading below ↓

Hindi ito inanunsiyo ni Dra. Ging sa kanyang social media accounts.

Pero noong October 23, 2020, may Instagram post ang doktora kunsaan makikita ang maiksing video ng kanyang work-related pictorial.

Kapansin-pansing may suot siyang singsing na may malaking diamond stone sa kanyang left ring finger, kunsaan karaniwang isinusuot ang isang engagement ring.

Noong November 2020, makikita nang mas malapitan ang suot na engagement ring ni Dra. Ging sa bihira raw na pagkakataong kumain sila ng nobyo sa isang restaurant na malayo sa ospital.

Hanggang sa nitong February 6 at February 14, 2020 ay nagbahagi ang doktora ng prenup photos nila ng nobyo.

Marami sa Instagram followers ni Dra. Ging ay masaya mula nang makahanap siya ng bagong pag-ibig.

Hiwalay si Dra. Ging sa dating asawang negosyante na si Raymond Racaza.

Taong 2018 naiulat ang kanilang hiwalayan at annulment ng kanilang kasal.

Mayroon silang isang anak na babae.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dra. Ging Zamora on beginning a new chapter with her husband Dr. Sonny Abrahan: "We are at our best when we are His instruments of healing. Everything can really be made beautiful in His time."
PHOTO/S: Nice Print Photo via @ging.md Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results