Julia Barretto asked what else is missing in her life: “A baby. That’s the only thing.”

by Bernie V. Franco
5 days ago
Julia Barretto: "I just want a kid. Really, it’s really as simple as that."
PHOTO/S: @juliabarretto on Instagram

Ang pagkakaroon ng anak na lang daw ang kulang sa buhay ni Julia Barretto, 23.

Pakiramdam daw ni Julia, ang misyon niya sa buhay ay ang maging isang ina.

Ito ang isinagot ng aktres nang matanong kung ano pa ang kulang sa buhay niya ngayon.

“A baby. It’s true,” sagot ng panganay na anak ni Marjorie Barretto sa dating asawang si Dennis Padilla.

Ginawa ni Julia ang rebelasyon sa YouTube video ng kapatid na si Dani Barretto nitong Lunes, February 22.

Si Dani ay anak ni Marjorie sa dating boyfriend na si Kier Legaspi.

Makailang ulit iginiit ni Julia na totoo ang kanyang sinasabi.

“Yeah. That’s the only thing. I just want a kid. Really, it’s really as simple as that.

“I feel like I have a purpose in this world, and that purpose is to be a mother.

“So, I don’t feel so fulfilled because [I still don’t have it].”

Continue reading below ↓

Iyon na lang ba ang “missing puzzle” sa buhay ni Julia?

“Yeah, it is. It really is,” paniniyak niya.

Consistent naman ito sa sagot ni Julia nang matanong kung paano niya nakikita ang sarili pagkalipas ng limang taon mula ngayon.

“I’m 24 next month, in a few weeks,” sabi ni Julia, na magdiriwang ng kanyang kaarawan sa darating na March 10.

“I hope that in five years, I already have a child and my own family.

“That’s just really it. I feel like if you really want to have a lot of kids, you have to start early.

“I wanna have, like, four, five [kids].”

HAPPY NOT JUST BECAUSE OF LOVE LIFE

Masaya ba ang aktres sa buhay niya ngayon?

“Very,” diin ni Julia.

Pero nagbigay ng disclaimer sina Julia at Dani na hindi lang love life ang pinatutukuyan dito.

Halatang iniiwasan ng magkapatid na ang mabigyang-pansin ay ang kontrobersiyal na love life ni Julia.

Continue reading below ↓

Sabi ni Julia, ang iniisip kasi agad ng mga “tsismosa” ay love life ang tinutukoy niya kapag sinabi niyang masaya siya.

“Kailangan ba love life agad?

“Pag wala kang love life malungkot ka na agad?

“Yun na lang ba ang basis ng happiness love life?

“Hindi pwedeng kahit walang love life happy ka pa rin?” tila defensive na katwiran ni Julia.

Dagdag niya, “Masaya ako kasi masaya family ko. Masaya ako kasi happy ako sa friends ko.

“Masaya ako, happy ako sa mga work na gagawin ko. Kaya happy ako.”

JULIA TALKS ABOUT THE 2019 CONTROVERSY

Sa diskusyon, nabanggit din ni Julia ang malaking kontrobersiyang kinasangkutan niya noong 2019.

Ito ay noong madawit siya sa breakup nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Natanong si Julia kung ano ang payong ibibigay niya sa kanyang 17-year-old self.

Pero sabi ng aktres, wala siyang babaguhin sa kanyang buhay dahil wala siyang pinagsisisihan.

Malinaw na ang tinutukoy niya rito ay ang pagkakasangkot sa kontrobersiya ng hiwalayang Bea-Gerald.

Continue reading below ↓

“I wouldn’t change anything. Even what I went through two years ago, I wouldn’t change a thing.

“Because it was such an eye-opener and it revealed a lot of things to me that later on I need in my life.”

Kung may ipapayo raw siya sa younger self niya, ito ay “to keep going.”

Giit ni Julia, “I really wouldn’t change a thing. I don’t mind going through it all again.”

July 2019 nang kumalat sa social media ang paparazzi shots nina Gerald at Julia na papunta sa parking area.

Nanggaling ang dalawa noon sa birthday celebration ni Rayver Cruz na ginanap sa BGC, Taguig City.

Inakusahan ng pagtataksil si Gerald kay Bea, at si Julia ang itinuturong third party umano.

Na-ghosting umano si Bea ni Gerald dahil wala silang formal breakup.

Pero mula noon hanggang ngayon, hindi tumigil ang pag-uugnay kina Julia at Gerald.

Pinaniniwalaan namang magkarelasyon na ang dalawa dahil maraming indikasyong may namamagitan nga sa kanila.

Continue reading below ↓

Hindi rin naman itinanggi ni Julia na taken na siya ngayon bagamat hindi niya pinapangalanan ang karelasyon.

Sa YouTube video, nabanggit ni Julia na iniiwasan niya ng oversharing ng kanyang buhay sa publiko.

JULIA ON BEING JUDGED BY THE PUBLIC

Pagdating naman sa “misjudgment” ng ibang tao, natuto na raw si Julia na makinig lamang sa opinyon ng mga taong mahalaga sa kanya.

Saad niya, “As regards to the judgments, I feel like I just learned how to compartmentalize things—what matters and what doesn’t matter.

“So if we're talking about judgment from people that have no significant role in my life, it really doesn’t bother me, because what do you know?

“So, just compartmentalizing things—what doesn’t matter, what matters, who doesn’t matter and who matters.

“And why are you trying to please the people that don’t matter to you?

“You’re forgetting about the people that matter, you're neglecting their feelings, you're neglecting how much they love you and how much they feel for you.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto: "I just want a kid. Really, it’s really as simple as that."
PHOTO/S: @juliabarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results