Assunta de Rossi clarifies sister Alessandra’s offer to be a surrogate for her is “joke lang”; Alessandra insists, “Serious ako!”

by Jet Hitosis
Feb 23, 2021
Assunta de Rossi, Alessandra de Rossi, Fiore Ledesma
Former actress Assunta de Rossi (left) makes a video call with her family as her younger sister, actress Alessandra de Rossi (right) holds baby Fiore, Assunta's firstborn with husband Jules Ledesma.
PHOTO/S: @assuntaledesma on Instagram

Iginiit ni Alessandra de Rossi na seryoso siya nang sabihin noon sa nakatatandang kapatid na si Assunta de Rossi na handa siyang maging surrogate mother sa anak nito.

Ito ang binigyang-diin ni Alessandra, 36, matapos kontrahin ni Assunta, 37, ngayong Martes, February 23, ang isang news article na nag-quote sa nakababatang kapatid.

Ang artikulo ay ibinatay sa interview ni Alessandra sa ABS-CBN online talk show na I Feel U nitong Linggo, February 21.

Ipinost ni Assunta sa Twitter ang screenshot ng headline ng artikulo: “Alessandra de Rossi reveals she once offered to be a surrogate for sister Assunta.”

Ang gestational surrogacy, ayon sa healthline.com, ay ang pagbubuntis ng isang babae para sa anak ng ibang tao, nang hindi ginagamit ang egg cell ng magbubuntis.

Ang pagbubuntis na ito ay sa pamamagitan ng in vitro fertilization (IVF), o ang pagsasama at pagpe-fertilize sa egg cell at sperm cell ‘tsaka ito ililipat sa uterus ng surrogate mother.

Continue reading below ↓

FOR ASSUNTA, HER SISTER’S OFFER IS “JOKE LANG”

Sa tweet na kalakip ng nabanggit na screenshot, sinabi ni Assunta na bagamat “touching gesture” ang pagmamagandang-loob na iyon ni Alessandra, “joke lang po yan.”

Paliwanag ni Assunta, ang surrogacy ay “not yet allowed” sa Pilipinas.

Sabi pa ni Assunta, hindi rin naman kuwalipikado ang kapatid niya para maging surrogate mother.

Ang gestational carrier daw kasi ay dapat na may “at least two kids of her own before carrying another person’s.”

Birong-totoo pa ni Assunta, “unfair naman kung 1st pregnancy mo, hindi pala para sayo.”

Continue reading below ↓

ALEX: “HOY HINDI AKO MAGJOJOKE NYAN!”

Kaagad nag-reply si Alessandra sa tweet ng kapatid.

Paglilinaw ng aktres sa kapatid: “Hoy hindi ako magjojoke nyan!”

Pag-amin ni Alessandra, wala siyang ideya tungkol sa binanggit ni Assunta na “may batas” para sa surrogacy.

Dagdag pa ni Alessandra, hindi rin niya inakalang “aabot sa headline” ang mga sinabi niya sa interview ng I Feel U.

May speak-no-evil monkey at cat face with tears emojis ang dulo ng tweet na ito ng aktres.

Continue reading below ↓

Isang Twitter user ang napakomento na “naiyak” daw ito sa pagiging “selfless” ni Alessandra kahit pa “Joke lang para sa inyo” ang pag-aalok ng aktres ng sarili para sa surrogacy.

Paglilinaw ni Alessandra sa Twitter user: “Serious ako nun!! Kapatid ko yan!”

netizen applauds Alex for being selfless, Alex insists she is serious with her offer

ASSUNTA NAMES MIRACLE BABY AFTER ALESSANDRA

Gayunman, hindi na kakailanganin pa ni Alessandra na magsilbing surrogate mother para sa anak ng nakatatandang kapatid.

Continue reading below ↓

Nabiyayaan na kasi ng baby girl si Assunta at ang asawa nito, ang dating kongresistang si Jules Ledesma.

October 23, 2020 nang isilang ni Assunta si Fiore.

Mahigit 18 taon nang kasal sina Assunta at Jules nang magbuntis ang dating aktres sa tinawag niyang “miracle baby.”

Ipinangalan pa nga ni Assunta kay Alessandra si Fiore, na Giulia Fiorentina Alessandra ang buong pangalan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former actress Assunta de Rossi (left) makes a video call with her family as her younger sister, actress Alessandra de Rossi (right) holds baby Fiore, Assunta's firstborn with husband Jules Ledesma.
PHOTO/S: @assuntaledesma on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results